"Wala bang dalang tracker si Gladys o kahit man lang sino sa kanilang tatlo?" nagtatakang tanong ni Keifer sa kanilang tatlo. Kasalukuyan silang nasa isang conference room na kung saan ginaganap madalas ang kanilang meeting. Lahat ng kanilang bahay ay may ganito dahil kinakailangan. Mayroon din silang office sa kanilang mga bahay para kung sakaling gusto nilang magtrabaho roon at tinatamad pumasok sa kanilang company ay makakapagtrabaho sila nang maayos. Umiling si Kazimir habang tinitingnan ang picture ni Gregorio Gerra sa projector. Iyon kasi ang nakalimutan ni Kazimir, ang bigyan ng tracker ang kanilang mga singsing o kahit mga hikaw man lang ni Gladys. Hindi naman niya kasi alam na pati pala siya ay makukuha ng mga kalaban kahit sobrang higpit na ng kanilang security. Ang malala pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books