KABANATA 14

1698 Words

Tumutulong sa pagluluto si Christine sa Ninang Olive niya para sa kanilang hapunan. Siya na ang gumayat sa mga gulay at karne, pakanta-kanta pa siya habang ginagawa iyon. Habang ang Ninang Olive niya naman ay nakangiting nakikinig sa kan'ya. Hangang-hanga ito sa kakayahan niya pagdating sa pagkanta kaya hindi nito maiwasang hindi mag-komento. “Nak, ang ganda pala ng boses mo! Sumasali ka ba sa kantahan sa probinsya?” kapagkuwan ay tanong ni Olive. Mabilis namang umiling si Christine. “Naku, hindi po, Nang! Nahihiya po kasi akong sumali sa mga gan'yan,” napapakamot sa ulo na sagot niya. Totoo iyon. Ni minsan ay hindi pa niya nasubukan na sumali sa paligsahan sa pagkanta dahil nahihiya siya. Baka matunaw pa siya na parang yelo sa gitna ng intablado kapag nagkataon. Parang hindi naman m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD