"Si-Sigurado ka ba talaga na dito na ako mag-stay sa bahay namin? Kung ganoon p'wede ko na bang makita ulit ang mga kaibigan ko? Binibigyan mo na ba talaga ako nang kalayaan?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Lunnox nang ihatid ko siya kanila. Parte pa rin ito ng plano ko, kung nasa paligid si Guzman alam kong pupuntahan nito si Lunnox. At kapag nangyari iyon malalaman ko ang buong katotohanan. "Gusto kong ibalik sa normal ang buhay mo. Gawin mo ang mga bagay na gusto mo ngunit may mga limitation akong ibibigay sa iyo. Hindi mo p'wedeng banggitin sa iba ang tungkol sa akin at kung ano ang mga nangyari. Bawal kang makipagkita sa mga kaibigan mong lalaki kung ayaw mong may masamang mangyari sa kanila. Okay lang sa akin kung kasama mo ang mga kaibigan mong babae... bukod sa kanila... wala k