Kasama ko sa kuwarto ngayon si Lunnox at mahimbing na itong natutulog. Nandito pa rin ang galit sa puso ko at hindi iyon nawawala kapag nakikita ko siya. Si Guzman ang nakikita ko sa tuwing titingin ako sa mga mata ni Lunnox. Ngunit bakit ganoon nawawala ang nararamdaman kong galit sa kanya sa tuwing hinahalikan ko siya. Hindi nga kaya epekto lang ito ng s****l affection ko kay Lunnox. Napailing ako dahil sa naiisip ko at bumuga ako nang malalim. Suot niya ang night dress ni Fiona. Sinasadya talaga ni Lunnox na galitin ako at maging masama ako sa kanya. Umupo ako sa sofa at nangalumbaba habang nakatingin dito. Kaninang umaga lang halos isumpa ako ni Lunnox dahil sa panggigipit ko sa kanya pero kanina... biglang naging maamong tupa ang isang mabangis na dalaga. I know she's seducing me.