"Miss Lunnox!" Mula sa labas ng pinto ay naririnig ko ang pagtawag ng isang lalaki sa pangalan ko. "Kailangan nating umalis. Isuot mo iyong wedding gown na sinabi ni Boss Caliver. Bibigyan kita ng isang oras pagkatapos papasok na ako diyan sa loob para dalhin ka kay boss." Lumapit ako sa nakasarang pinto. "Kung sino ka man, please pakawalan mo na ako. Huwag kang makinig sa boss mo, maawa ka sa akin. Ibibigay ko ang lahat ng pera namin sa bangko, tulungan mo lang ako na makatakas." "Pasensiya ka na, Miss Lunnox. Mahal ko ang buhay ko at hindi ko kailangan ng pera mo. Magbihis ka na, huwag mong tangkain na tumakas dahil hindi ka na makakaalis pa rito." "Please..." umiiyak kong pakiusap. Hindi ako umalis sa may pinto at naghihintay na buksan nito iyon at pakawalan ako. Wala na akong ta