Inihatid ako ni Brandon sa isang private club. Sinamahan niya ako sa loob at nang makita ako ng tauhan ni Don Guerer ay umalis na si Brandon. Ngunit kanina nangako siya sa akin na hindi niya ako iiwan. Natatakot ako pero kailangan kong gawin ito para na rin tuluyang ilayo ang aking sarili kay Caliver. Unti-unti na akong nahuhulog sa kanya at kapag nagpatuloy ito mas lalo ko lang sinaktan ang sarili ko. Huminga ako nang malalim habang palapit kay Don Guerer na nakaupo sa sofa. Ngumiti ako nang malapad habang palapit dito. Black fitted strapless dress ang suot ko na hanggang hita ko lang ang haba. One-sided ang ayos ng aking buhok at nakasuot ako ng isang pares ng pearl earrings and necklace. Tumayo si Don Guerer nang makalapit ako. Inilahad nito ang kamay sa harapan ko. "Hindi mo ba ka