Caela. Nagulat ako dahil mga nag-aalalang mukha ng dalawa kong kaibigan ang sumalubong sa akin. Bakit? "Umiyak ba kayo?" nag-aalalang tanong ko sa kanila. "Akala kasi namin patay ka na. Kasi naman ginigising ka namin pero ayaw mong magising!" Umiiyak na naman na saad ni Sophia. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko sa yakap niya na iyon ang pag-aaalala at ang takot na mawala ako kaya naman ay niyakap ko din siya pabalik. Nakita ko namang nakatingin lang sa amin si Michie at hindi nagsasalita. Pero halata sa mga mata niyang umiyak din siya. "Buti naman at nahawakan na kita. Hindi ka na sobrang mainit." Natutuwang sabi ni Sophia. "Huh? Mainit naman talaga ako kasi buhay pa ako." Naguguluhang sagot ko sa kaniya. "No! Ang ibig kong sabihin ay sobrang init mo kasi kanina. Hindi ka nami