Caela. Mabilis na lumipas ang araw. Hindi ko namalayang tatlong araw na pala. Tatlong araw na ang nakakalipas, simula nang mangyari ang kaguluhan sa Mystique Circle. At hanggang ngayon sariwa pa rin sa isipan ko ang mga naganap noong araw na kinalaban namin ang dalawang dragon na iyon. Tatlong araw na ding tahimik ang grupo, noong magising ako ng araw din na 'yun ay bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala, pero hindi na sila nagtanong pa tungkol sa nangyari. Kung sabagay, maganda na nga rin iyon. Dahil kahit ako sa sarili ko, hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanila. Siguradong mahihirapan akong sagutin lahat ng mga katanungan nila. Mabuti na lang talaga at medyo busy sila nitong mga nakaraang araw kaya hindi kami masyadong nagkakasama. Kung pwede lang talaga sanang sabihin