CHAPTER 4: Care

1555 Words
ATLAS LASERDA After we came back to Philippines, bumalik na rin sa pagiging workaholic si Reena. Pero dahil sa merging nito kay Trevor ay halos sa gabi nalang kami nagkikita at madalas ay nauuna pa akong matulog sa kanya. Pati sa weekends ay hindi rin ako makasingit dahil puno naman siya ng paperworks. Even her secretary comes over to help— oh, God! Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang smoke detector ng bahay namin at bumukas ang water sprinkler. Sh-t. Sh-t. Nagmamadali kong hinanap ang pinanggagalingan ng usok. I saw my wife standing in front of the stove, all wet and pissed off. Ilang araw na simula n'ung makauwi kami sa Pilipinas at napilit ko siya na mag-leave muna kami para magkaroon ng oras sa isa't-isa. And she accepted it. Gladly. My hand brushed my messy hair up. "What the fvck! Are you burning our house, Reena?" "I'm just cooking!" She shouted. “You don’t know how to cook!” sigaw ko habang ini-o-off ang detectors. “Yes, but I’m trying, okay?! Quit yelling!” “I’m not yelling! The alarm is just loud!” “You’re yelling, you ba-stard!” Pinatay ko ang detector at nilapitan si Reena. I hugged her small waist and kissed her forehead. Nakasimangot pa rin ito. "We're both wet," she murmured. My lips travel down the length of her neck. "I like it." She laughed a little. "This is crazy. The house is a mess. Tutulungan mo ako na maglinis." My hand touched her soft breast. "Your fault, you clean it up." She licked her bottom lip, seducing me. Hinaplos nito ang palad mula sa aking balikat pababa sa dibdib. This woman knows how to play. "You won't help me, hubby?" "Kung pumayag ka lang na mag-anak na tayo, may tutulong na sana sa'yo ngayon," biro ko ngunit nawalan ng ekspresyon ang kanyang mukha at lumayo sa akin. "Bakit ba sabik na sabik kang magkaanak?" I sighed. "I want us to be a happy family, sweetheart." Kumunot ang noo niya. "Hindi pa ba tayo masaya ngayon? Aren't you happy with just me? We’re happy, right?!" “Y-Yes, of—” “Nautal ka.” Nanliit ang mga mat anito. “Bakit nauutal ka?” Napabuntong-hininga akong muli. Pinaraan ko ang mga daliri sa aking basang buhok. “Reena, sweetheart, I know you’re in the middle of your career. Believe me, sinosuportahan kita sa abot ng makakaya ko. But, sweetheart, we’re not getting younger and—” “Kaya nagmamadali ka na magka-baby? Akala mo ba ay tapos na ang problema natin just because Trevore agreed with the merging? You know na wala pang formal proposal, right? Nasa process palang tayo. Inaaral pa nila ang financial statements natin. No, of course, you don’t understand— you don’t care—” “Hindi totoo iyan. I care—” “No, you don’t. You know why?! This is my company— the company my parents left to me— you don’t give a f-ck if it goes bankrupt!” “Am I not being helpful enough to you?!” Madiin ang aking salita. Imbis na na-e-enjoy namin ang leave niya ay heto kami at nag-aaway. “Nakalimutan mo na ba kung ilang investors ang kinumbinsi ko para sa mga proyekto mo?! But you kept hiring unskilled people— fvcking up the system— and who always fix it? Me! I show my face to every client to clean up after the staffs’ fvcking mess! You say that I don’t care— I am one of the boards of the directors but you always exclude me in every decision making! You don’t trust me, Reena! Every time I reach out, you kept shutting me off! So, damn you for accusing me that I don’t care what happened to your legacy!” Hindi ito umimik at napansin ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Oh God, no. Huminga ako ng malalim. Nilapitan ko siya at hinatak siya palapit sa akin. Impit itong humikbi at pinatong ko ang baba sa ibabaw ng ulo niya. I tapped her back while she weeps. “I’m sorry…” “I’m sorry,” balik kong saad. “You always bring up having kids and… and… and I feel pressured, Atlas. And I’m sorry if I always keep you out of the decision process. I just want to be more hands-on with every step to the point na nao-overstep ko na ang boundaries ko.” “I’m sorry for yelling at you— s**t, you’re trembling.” “It’s just cold.” Binuhat ko siya at pinalupot niya ang mga hita sa aking bewang. Idikit nito ang pisngi sa aking balikat at naririnig ko ang mahinang paghikbi nito. Tumawag nalang ako ng house cleaners para hindi na mapagod pa si Reena. Nag-stay muna kami sa kubo habang hinihintay na matapos ang paglilinis. Ilang oras na niya akong hindi kinakausap at nasa malayo lang ang tingin. Umusog ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay nito. "Reena, talk to me.” “Iniisip ko kung kailan magandang magbuntis.” Pati pala ang pregnancy ay kailangan din namin i-schedule. “When the time is right. Na-realize ko na tama ka, masyado akong nagmamadali. Let’s take it slow.” She looked at me softly. “Are you sure?” “Oo. It’s your body, Reena. Hindi madali na magbuntis and I am wrong to put pressure on you.” “It’s okay that we clear this misunderstanding. I love you. I love you so much.” “Masaya rin pala na nag-aaway paminsan-minsan. Nakikita ko kung paano ka maglambing.” Pinisil niya ang tungki ng aking ilong. “Huwag mong araw-arawin dahil lalayasan talaga kita.” “You won’t do that. I won’t let you.” Sinandal niya sa akin ang katawan at naglaro ang aming mga daliri. “And if may pagkakataon na gusto mong makakita ng bata, pwede natin hiramin iyong mga pamangkin mo. Tapos—” Bago pa man siya makapagsalita ay sinakop ko na ang kanyang labi. She closed her eyes and drew a deep breath. Her wonderful feminine smell enveloped me, and the anticipation of what was about to come raised goosebumps all over my skin. I nudged her jaw with my chin, demanding entrance, and she opened for me, blood roaring in my ears as my tongue swept in to claim hers. I swept her t-shirt over her head and tossed it aside. But we heard someone rang the doorbell. "W-Wait… m-may mga tao sa labas…" hingal niyang sabi. "We're a married couple. They'll understand." My hand cradled the back of her head, holding her in place, so she could do nothing but yield to me. I took my time, asserting my ownership of her mouth, pushing harder, deeper, until I filled all her senses. She's the one who pulled away. “Behave. We have a visitor." I groaned. "May inaasahan ka bang bisita ngayon?" Tanong ko sa aking asawa. Umiling ito. "Wala. Hindi naman sinabi ni Mama na pupunta siya ngayon." Wala na akong mga magulang at si Reena naman ay Mama na lamang niya ang natitira niyang mahal sa buhay, at pareho naman kaming nag-iisang anak lang. Ngunit marami akong pinsan at ang halo karamihan sa kanila ay may mga asawa at anak na. Sabay naming tinungo ang gate. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang isang babae. She looks familiar. "A-Atlas, sa wakas ay nahanap na rin kita!" Nabigla kami ng aking asawa nang yumakap ito sa aking bewang. Hinawakan ko ang kanyang braso at lumayo sa kanya. Kumapit sa braso ko si Reena. Bumagsak ang balikat ng babae. "Atlas, hindi mo ba ako naaalala? Nakalimutan mo na ba ako?" Ramdam ko ang matalim na tingin ni Reena sa akin. Tinitigan ko ang babaeng nasa aking harapan. Oh s**t… It was the time when Reena and I are just engaged. Bumalik sa aking alaala ang gabi na nagkagalit kami ni Reena dahil nagseselos ako sa palaging pagsama nito sa associate niya. It was in a club and… 'What are you doing here, handsome?' 'Trying to forget my problems.' 'I can help you.' 'You will, huh?' 'That’s my specialty.’ Siya ang babae na naka one-night-stand ko dati! It was two years ago! What is she doing here?! Lasing na lasing lang ako kaya ko nagawa 'yon. Of course, I couldn’t tell Reena about her! I don’t want her to back out to our wedding! Pinisil ni Reena ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. "Do you know her, sweetheart?" I gulped. "N-No. I don't…" "I'm Kelly Victoria Guanza. Two years ago, your husband and I had a one night of pleasure." "So? Ano ang habol mo ngayon? Pera? Dahil hindi ka nabayaran sa isang gabi na 'yon?" kalmado ngunit mariing sambit ni Reena. "I'm not a w***e. And I don't need your money—" “That’s settled then. Good bye.” Isasara na sana ni Reena ang gate ngunit pinigil iyon ni Kelly. “Wait!” Huminga ito ng malalim bago tumingin sa akin. "May dapat kang malaman, Atlas." Mabilis ang pagpintig ng aking puso, hindi ako makahinga sa kaba. Bumabaon na rin ang kuko ni Reena sa aking braso dahil sa pinipigilang inis. "We have a child, Atlas Laserda. Nagbunga ang gabi na iyon at gusto ka niyang makilala."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD