Masaya ang lahat nang magising si Andrew. Matapos ang mahigit isang lingong pagtulog nito dumating din ang araw na hinihintay nila at iyon ay ang pagkakaroon nang malay nang binata. Nasa loob nang silid Sina Edmund at Menandro. Maging si Guiller, Alice at Darylle. Nandoon din si Rafael at Claire nang magising ang binata. “Si Anya?” Tanong ni Andrew nang mapansin na wala doon sa loob nang silid ang dalaga. Hindi naman kumibo ang lahat. Saka napatingin ang binata kay Guiller at Rafael. “Nasaan si Anya?” Tanong nang binata saka tinangkang maupo. Agad namang lumapit si Claire sa binata upang lalayan itong maupo. “Hindi ito ang tamang oras para sabihin ito saiyo. Kaya lang kailangan mong malaman.” Wika ni Rafael. “Speak.” Wika nang binata. “Dalawang araw nang hindi umuuwi si Anica.” Wika