Habang naglalakad si Anica sa kalsada. Hindi niya alam kung saan pupunta. Sa paglalakad niya. Hindi niya namalayan na nagpunta na siya sa dati nilang Flower shop. Nang makarating siya doon ay napahinto siya sa harap nang pinto. Ang dati nilang flower shop isa nang coffee shop ngayon. Ilang sandali siyang nakatayo doon habang nakatingin sa pinto. Iniisip niyang kung hindi ba niya nakilala si Andrew at kung hindi siya nagpakasal dito nandito pa kaya sila sa Flower shop nang mama niya? “Anica!” isang boses ang narinig niyang tumawag sa kanya. Nang lingonin niya ang pinanggagalingan nang boses Nakita niya si Director Kim ang kasintahan nang kanyang mama. “Anong ginagawa mo dito?” tanong nang Binata sa kanya. Saka napatingin sa dating flower shop. “Did you miss your old Flower shop? Looks lik