Shin!” biglang wika ni Anica nang dumating sa bahay ni Director Kim si Andrew. Nasa harden siya noon nang makita niya si Andrew sa labas nang gate. Nandoon siya sa harden dahil patuloy pa rin siyang nag re-research tungkol kay Kimberly Stuart. Ngunit inumaga na siyang sa pagre-research wala siyang mahanap na impormasyon dito bukod sa mga nagawa nito at sa mga achievements nang dalagang doctor. Nang makita niya ang binata sa labas nang gate agad siyang tumayo sa kinauupuan saka naglakad patungo sa gate at binuksan ito. “Ang aga mo naman dito. Pumasok ka muna.” Wika nang dalaga sa binata. “Okay ka lang ba? Bakit parang----” biglang natigilan ang dalaga nang bigla siyang yakapin ang binata. “Sandali Shin.” Wika nang dalaga. “Just for 5 minutes. Let’ stay like this.” Wika nang binata. “A