Andrew!” wika ni Alice nang dumating si Andrew sa mansion nang mga De luna nang dumating siya sa Italy. Sinalubong pa siya ni Alice at nang matandang si Antonio na nasa Wheelchair. Bago siya lumipad nang Italy tinawagan niya si Alice at sinabi kung anong nangyari kay Anica at ang plano niyang pagpunta sa Bansang iyon upang hanapin ang dalaga. “Pasensya na kayo sa biglaang pag dating ko dito.” Wika ni Andrew sa babae at sa matanda. “Hindi huwag mong isipin iyon. Ang mahalaga makita natin si Anica.” Wika ni Alice. “May Ideya ka na ba kong sino ang dumukot sa apo ko?” Tanong ni Antonio. “For now. Ang nasa isip ko ay Giovanni Brambilla. I am not sure kung dito nga niya dinala si Anya. And That is why I am here. I need your help.” Nang binata. “I treated him like my own son. Hindi ko ak