Naging engrande ang kasal nina Daniella at Zane na dinaluhan nang malalaking tao. Mga politico at business man. May ilan ding mga military officers na kakilala nang dalawang matanda. Dahil din sa kasal na ito lalo pang nakilala ang dalawang pamilya hindi lang sa business world kundi maging sa polika din. Ilang politikong naroon ang nagpahayag nang kanilang kagustuhan na isa sa kanila ang pwedeng pumasok sa pulitika. “Bakit ka nag-iisa dito?” Wika ni Dennis na lumapit kay Anica na nag-iisa sa isang mesa habang kumakain. Abala ang lahat sa reception nang kasalan. Ilan sa mga miyembro ang pamilya ay abala sa pag entertain sa mga bisita. Habang si Anica ay nasa gilid lang at nag-iisa. Wala naman siyang kakilala sa mga bisita doon. “If you wont mind. Can I join you?” Wika ni Dennis saka naup