✧FAITH ZEICAN LEE✧
KASALUKUYAN akong busy sa opisina ko, may ni-re-review akong spreadsheet nang may kumatok sa pinto, kasunod ang pagbukas no'n. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung sino 'yon dahil secretary ko lang naman na si Colleen ang kadalasang pumapasok dito. Bago rin may makapasok na iba, daraan muna sa kaniya para i-inform ako kung mayroon man naghahanap sa 'kin.
"Sir Faith." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Mas matanda siya sa 'kin nang dalawang taon kaya naiilang ako kapag tinatawag niya akong Sir. Pero siya naman ang may gusto n'yon. Sinabi ko na sa kaniya na kahit Faith lang ang itawag niya sa 'kin ay walang problema. Pero ang katuwiran niya, kailangan niya raw akong i-address nang tama. "May naghahanap sa 'yo."
Dati rin siyang gumagamit ng 'po' at 'opo' sa akin noong bago pa lang siya, pero 'yon ang sinikap kong ipaalis sa kaniya dahil hindi talaga ako sanay na may nag-po-po at opo sa akin na mas may edad sa akin. Gayon pa man, kahit naalis na niya ang paggamit ng 'po' at 'opo', hindi pa rin nawawala ang pakikipag-usap niya sa 'kin nang may respeto. 'Yon ang bagay na nagustuhan ko sa kaniya.
"Sino?"
"Chloe Herald, Sir."
Bahagyang kumunot ang noo ko. Si Chloe? Oo nga pala. Isang linggo na ang lumipas. Ngayon week naka-set ang pagkikita namin, pero lagi akong busy kaya hindi ko 'yon naalala. Wala naman kaming contact sa isa't-isa para sabihan siya na i-re-schedule ang meeting namin.
"Okay. Let her in." Matapos niyang tumango ay tumalikod na siya at lumabas sa opisina ko. Nanatili ang tingin ko sa pintuan para abangan ang pagpasok ng babaeng magiging fiancé ko. At habang hinihintay ko 'yon, kakaiba ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko rin ay nanlalamig ang mga palad ko.
Bakit ganito?
During my two years at Lee Company, I've gone through a lot. I've faced influential figures in the business industry without feeling the kind of nervousness I'm experiencing now. What does this mean? Is it because of what Hope overheard from Uncle Ryan—that she's bitchy, whiny, spoiled, and a materialistic airhead?
I immediately sat up straight when the door opened, revealing a woman with short hair. She had a sleek bob cut and was about the same height as my younger sister, Summer. She wore minimal makeup and was dressed in a designer outfit that made her look . . . absolutely . . . stunning. I couldn't deny her striking appearance.
But just like me, she was stunned when she saw me. Her mouth was slightly open, and her eyes widened as she took in my appearance. She seemed momentarily frozen, her gaze fixed on me, clearly struck by my looks.
Ako na ang kusang tumayo sa upuan ko dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin siya. I walked around my desk para makalapit ako sa kaniya, offering my hand for a shake. "Hi. I'm Faith Zeican Lee."
She blinked. "Oh. Hi. I, I'm Chloe." 'Tsaka niya tinanggap ang kamay ko, her lips forming a small smile. "Chloe Herald."
Wait. Bakit parang hindi ko nararamdaman sa aura niya ang pagiging bitchy? Mali ba ng nakuhang impormasyon ni Tito Ryan? Her smile is genuine, and she seems like a sweet girl.
Nang magbitaw ang kamay namin, niyaya ko siyang maupo sa sofa na nasa bandang gitna ng opisina ko, but she refused. "No, thank you. Hindi naman ako magtatagal dahil may lakad pa ako. Gusto lang sana kitang ma-meet dahil siguradong tatanungin na naman ako ni Mom at Dad mamaya kung nagkita na tayo."
"I'm sorry. I've been busy lately, I—"
"No." She interrupted me, smiling. "It's okay. You don't have to apologize. I understand. P'wede naman tayong lumabas kapag hindi ka na busy. For now, ako na muna ang bahala sa parents ko. You can contact me kapag may time ka na. Here's my calling card." May inilabas siyang card sa purse niya at inabot sa 'kin. "Mauna na ako. Bye. See you again soon."
I held her business card as I watched her exit my office. Once she was out of sight, I immediately turned to Colleen at her desk, which was adjacent to my office but separated by a glass wall. When she looked up at me, I gestured for her to come over.
"Yes, Sir Faith?"
"Please make a dinner reservation for me at a nice restaurant tonight for two people. Also, arrange a bouquet of flowers."
"Copy, Sir."
☆゚.*・。゚
"Wala na talaga. Finish na. May pa-flowers pa 'yong tropa natin." Humalakhak pa si Hope. Nakaupo sila ni Love sa paanan ng kama ko, habang nakaharap naman ako sa salamin, nag-aayos ng necktie. Kanina pa sila rito, pinanonood nila akong gumayak dahil nabanggit ko sa kanila ang dinner date namin ni Chloe. Alam na rin ni Mom at Dad dahil sinabi ko sa kanila ang naging pagsulpot nito kanina sa opisina, kaya alam din nilang lalabas ako ngayon to meet her.
"Oo, mamadaliin ko na. Para ikaw na susunod," biro ko kay Hope.
"Sus! Matagal pa ako. Dahil pustahan tayo, hindi kayo magkakasundo ng fiancé mo. Na-pe-predict ko na, hindi s'ya ang para sa 'yo."
"Hindi kaya para sa 'yo ang prediction na 'yan?" Love said mockingly at him.
Taob na naman siya kay Love Andrei dahil napakamot siya sa ulo. "Si Faith ang usapan natin, ako na naman nakita mo, Andreng. No doubt, mahal mo talaga 'ko."
Matapos kong gumayak, iniwan ko na sila ni Love na nag-aasaran sa kuwarto. I wore a three-piece black suit at bitbit ko na rin ang bouquet ng bulaklak na pina-ready ko sa secretary ko kanina. Mom and dad were waiting for me in the living room kaya dumaan muna ako ro'n. Naroon din si Summer, hawak na niya ang bago niyang phone na binigay ni Tita Baby sa kaniya.
"Mom, Dad, I'm off to go." I quickly captured their attention, causing them to glance in my direction. Mom swiftly rose from the couch beside Dad and came closer to me. Despite being in her forties, I couldn't help but think she was one of the most beautiful women I'd ever encountered. Her appearance defied her age completely.
"Ang guwapo naman ng anak ko." She cupped my jaw, habang nakangiti sa akin at pinagmamasdan ang porma ko.
Daddy came closer to me as well, looking just as youthful as ever. At forty-eight, he seemed ageless, exuding a fresh and vibrant demeanor. "Remember what I told you, Faith?"
I nodded. "Yes, Dad."
Gusto ni daddy na bigyan ko ng chance na kilalanin si Chloe kahit man lang isang linggo. Kapag naramdaman ko na hindi kami compatible, sila na ang bahalang makipag-usap kay Mommyla para iurong ang engagement ko. At 'yon ang gagawin ko. Pero base sa first encounter namin kanina ni Chloe, mukhang deserve niya naman na kilalanin. Hindi niya ako pinakitaan ng dahilan para tanggihan siya. Siguro ay mali lang talaga ang nasagap na impormasyon ni Tito Betlog. Hanggang ngayon nga hindi ko pa ito natatanong kung sino ang source niya sa impormasyon na 'yon.
☆゚.*・。゚
Pagdating ko sa restaurant kung saan kami magkikita ni Chloe, naabutan ko na siya roon sa table na naka-reserved para sa amin. Nakaramdam ako ng hiya nang i-approach ko siya dahil mas nauna pa siya sa akin.
"My apologies for arriving late." I handed her the flower bouquet. "Have you been waiting long?"
She gave me a genuine smile matapos niyang pagmasdan ang bulaklak. "Not long. Halos kararating ko lang din. Thanks for the flowers anyway."
Hindi ko namalayan ang oras dahil sa dami naming napagkuwentuhan simula nang maupo ako sa harap niya. Maging ang pagkain namin ay hindi masyadong nagalaw. Binigyan niya ako ng introduction sa sarili niya; kung saan siyang school nag-aral, kung ano ang kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan at about sa parents niya. Matapos 'yon, kung saan-saan na lumiko ang usapan namin. Medyo weird, pero nalibang ako, lalo na noong nabanggit niya ang mga creepy na lugar na nakikita niya raw kapag naghahalungkat siya sa google earth app. Pati ang mga hilig niyang panoorin na movie ay nabanggit niya.
At habang nagkukuwentuhan kami, walang tigil ang pag-vibrate ng phone ko na nakapatong sa mesa, sa harap ko. Binoboma ni Hope ang family group chat namin na 'DNA BUDDIES' ang pangalan, na si Love ang nakaisip. Tanong nang tanong si Hope kung ano na raw ang lagay ng date ko. Kung mag-re-ready na raw ba siya ng wedding song na i-du-duet nila ni Tito Betlog sa kasal ko. As if!
"If it's emergency, you can go." I looked up at Chloe. Napansin na niya ang maya't-mayang pagbaba ng tingin ko sa screen ng phone ko, at may nabakas akong something sa mukha niya.
Ngumili ako. "It's one of my twin brothers. Si Hope. Kinukumusta lang ako," I elaborated. Nang marinig niya 'yon, her eyes softened. Tila nawala ang pangamba niya.
"I wanted to meet them. 'Yong dalawa mo pang kambal," nakangiti niyang sabi. "Nabanggit na sa 'kin noon ni Mommy na triplets nga raw kayo. Now that I finally meet you, I'm eager to meet the other two as well."
I chuckled. "Tingnan mo lang ako sa mukha, at para mo na rin silang nakita. We're really identical. Dahil nga ro'n, nalilito pa rin sa aming tatlo 'yong dalawa naming nakababatang pinsan. 'Yong isa sa kambal ni Tito Ryan, si Meng, lagi s'yang napagtitripan ni Hope dahil hindi n'ya kami makabisado sa mukha. Kapag pumupunta sila sa bahay, dapat iba-iba ang kulay ng suot naming damit dahil doon magbabase si Meng. Minsan nga pinrank s'ya ni Hope, at para hindi mahuli si Hope, pinilit n'ya si Love na magpalit sila ng damit. Pinasuot n'ya kay Love 'yong damit n'ya na naging palatandaan ni Meng. Si Love tuloy ang napag-initan." Hindi ko napigilang mapangiti habang kinukuwento ko 'yon. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako kapag naaalala ko. "And there was this one time we decided to confuse Meng. Hope pranked her again, and afterward, the three of us agreed to wear identical outfits, even matching the colors. When Meng saw us, she was so frustrated that she started crying because she couldn't figure out which one of us to get back at. Ang ending, sinumbong n'ya na lang kaming tatlo."
☆゚.*・。゚
Pasado alas dies ng gabi noong makauwi ako sa bahay. Napasarap ang kuwentuhan namin ni Chloe dahil tawang-tawa rin siya sa mga kuwento ko tungkol sa kung paano namin pagtripan ang pinsan naming si Meng kapag narito sila sa bahay.
Pagpasok ko sa loob, sinalubong agad ako ni Hope at Love, habang natanaw ko naman sa living room si Mom at Dad, bukas ang malaking flat screen TV at nanonood sila sa Netflix. Pero alam nilang dumating na ako dahil napalingon sila sa 'kin.
"How was your date?" tanong ni Love. Nakasunod na sila sa akin ngayon patungo sa kinaroroonan nila Mom at Dad. Bumati muna ako sa parents namin bago ako maupo sa couch, sa tabi nila. Nasa akin na rin ngayon ang atensyon nila.
"Mukhang ayos ang date ng anak ko, ah? Malapad ang ngiti, eh." Mom gave me a teasing smile. Si daddy rin ay bahagyang nakangiti sa akin.
"Ano? Kakanta na ba ako? Tententenen! Tententenen! Tenenen, tenenen, tenenenen!"
Muling dinunggol ni Love si Hope dahil magkatabi lang sila sa couch, katapat ko. Paano ba naman kasi, 'yong wedding march niya, graduation march ang karugtong. "Ano'ng tingin mo kay Faith? Ga-graduate?"
"Oo." Si Hope, natatawa. "Ga-graduate na s'ya sa pagiging binata."
To be continued . . .