✧FAITH ZEICAN LEE✧ HANGGANG ngayon ay nakaawang pa rin ang bibig ni Poppy habang nakamasid sa aming tatlo. Dahan-dahan siyang tumayo at pinagmasdan niya ang mga suot namin. Siguro ay nagbase siya sa suot namin dahil kanina niya pa kami kasama ni Love simula nang mag-almusal. Kaya kay Hope siya bumaling. Dahan-dahan niyang nilapitan si Hope, inangat niya ang kamay niya at bahagyang tinusok ng hintuturo niya ang pisngi ni Hope, na lalo niyang ikinagulat. Dahil para bang nakumpirma niya na totoo si Hope. "Ang galing ko, 'di ba? Ngayon naman, aalisin ko 'yong isa. Magiging dalawa na lang ulit sila. Pikit ka, Poppy." Si Summer. Bahagya niyang inilayo si Poppy sa harap ni Hope at inutusan ulit itong pumikit. Sumunod siya. Noong nakapikit na si Poppy, maingat at natatawang hinila ni Summer si