"CUT!!!" I rolled my pretty eyes towards the director. Paypay siya nang paypay sa sarili niya at naha-high blood na ang itsura. Bumitaw ako sa kapareha ako at hinintay siyang makalapit sa akin. "Ano ka ba naman, Ruth?! Aba, pang-32 take na 'yang eksenang 'yan! Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin kumportableng gawin 'yang eksenang 'yan?! Nagsasayang tayo ng film, pagod, at oras! Nakakagigil ka na!" Bulyaw niya sa akin. "Eh direk, sinabi ko naman sa'yo na hindi ko kayang makipaghalikan with tongue, 'di ba? Bakit ba kasi may tongue? 'Di ba pwedeng smack na lang o kaya pagdikitin na lang namin 'yung lips namin? Why does it have to be with tongue kasi?!" pagrereklamo ko sa kanya with matching dabog ng paa. "For the nth time, Ruth! Kailangan ko bang i-explain nang paulit-ulit sa'yo na kailan