"Ahh... Dad, that was just me and my friend having fun! Niloloko lang po namin 'yung kaibigan naming model na kararating lang mula London," pagpapalusot ko kay Daddy. I hid my nervousness with a sweet smile. Tumingin ako kay Tito Conrad na nanghihingi ng saklolo. "Ahh... Oo, Reuben. Kaibigan lang ni Ruth 'yung nakitang kahalikan niya. Actually, best friend niya 'yun. Alam mo naman ang mag-best friend, mahilig sa kalokohan. Hehe." Tumingin saglit si Dad sa kanya bago nito muling ibinalik ang tingin sa akin. "Tiyakin mo lang na lokohan lang 'yung nakita namin sa TV, Ruth. Pumayag na ako d'yan sa pag-aartista at pagmo-model mo. ‘Wag kang magdadala ng kahihiyan sa pamilya natin," may pagbabantang sabi ni Daddy na ikinakaba ko bago niya kami talikuran. Napapailing namang sumunod si Mom