Kama, eat me now! Shred me to pieces and I won't care! Ayokong gumalaw. Ayokong bumangon. Ayokong magmulat ng mga mata. Ayokong makita si Clem. Diyos ko, ayoko nang mabuhay! Nakakahiya. As in sobrang, sobrang, sobrang nakakahiya. Damn! Wala na atang mas nakakahiya pa sa ginawa ko. Nakakaiyak. Wala na akong mukha pang ipapakita kay Clem! Sa lahat ng tao naman na pwedeng makasaksi sa nakahihiyang pangyayaring iyon, bakit naman si Clem pa?! My God! Nasaan ang hustisya?! "Ruth, hey. Okay ka lang?" narinig kong tanong niya. Nakasubsob pa rin ako sa kama. Ayokong tignan siya dahil wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya. Huhuhuhu. Naramdaman kong lumundo ang kama kaya napilitan akong tignan ang ginagawa niya. Pero bago pa man gumana ang utak ko ay naramdaman ko nang binuhat a