"Cleeeeem!" I belted out tapos ay humagulgol ako nang malakas. "Ano ba, Ruth?! Mabuti na lang talaga at kumuha ako ng kuwarto rito sa hotel para sa pagpapakalasing mo kundi siguradong nasa front page ka na ng mga tabloids bukas dahil sa ginagawa mo ngayon!" panenermon sa akin ni Tito Conrad. I finally told him the truth about Clem and me. Wala na akong ibang mapagsasabihan at mapaglalabasan ng sama ng loob kundi siya. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagngawa. "Clem! Why? Why?! WHY?!" muli kong atungal. Atungal na lasing dahil lasing na ako. "Sige na, iiyak mo na nang iiyak pero make sure na bukas ubos na ang mga luha mo dahil may shooting ka the next day. Mabuti na lang at napakiusapan ko 'yung director ng commercial na gagawin mo na i-postpone muna 'yung shooting." Hin