PROLOGUE
"WHAT?! Damn you! You are such a b!tch! Never! F*ck you!" mga katagang narinig nila mula sa anak nilang sala sa init at sala sa lamig.
Kaya naman ay dali-daling tinungo ni Aries Dale ang pinagmulan ng ingay. Kaso natigilan naman siya dahil si Miguel naman ang nagsalita. Ngunit sa kapatid o kay Hugo nakatingin.
"Alam mo, brother? Hindi siya ang b!tch kundi ikaw. Why? Hindi ka lang b***h kundi hypocrite pa. Maaring hindi mo pa ako nakitang nakipagrelasyon sa mga babae pero tao ako, Brother. Tao na may puso at damdamin. Ikaw, sa tingin mo ba ay makatao pa ang ginagawa mong iyan? Kung ayaw mo sa kaniya ay hayaan mo rin siyang lumigaya. Huwag iyong para siyang nababaliw sa ginagawa mo," pahayag nito.
"Hep! Hep! Kung iniisip ninyong magsuntukan sa harapan ko ay huwag n'yo ng ituloy iyan. Dahil baka ako mismo ang magpalipad sa inyong dalawa. Ikaw, Hugo, tama ang sinabi ni Miguel. Huwag mong bakuran ang tao kung hindi mo maamin sa kaniya na mahalo siya. Your high and mighty pride will pull you down, remember that, brother. At ikaw naman Miguel, imbes na salungatin mo ng maayos ang kambal nating umiibig ay kung ano-ano pa ang nasabi mo. By the way, wala akong kinakampihan sa inyong dalawa dahil parehas kayong mahalaga sa akin. Mga kapatid ko kayong dalawa kaya't iwasan ang nakakasakit sa damdamin ng bawat isa," pahayag nang pumagitna si Eric.
Kaya naman ay hindi na tumuloy si Aries Dale. Alam niyang kayang-kaya nilang sulosyunan ang kanilang problema base na lamang sa usapan nila. Kaya't bumalik na lamang siya sa kinaroroonan ng asawa niya.
"Oh, what's happening with him, my dearest? Why did you came back that fast?" salubong na tanong ni Leonora sa asawa.
"Kayang-kaya nila iyan, my dearest. Itong si Hugo na minumura na naman yata ang babaeng hindi maamin-amin na mahal. Alam mo namang peace maker si Eric. Siya ang pumapagitna sa dalawa kapag nagkakaikitan," pahayag nito.
Kaya naman ay napatingin siya sa pinanggalingan nito. Totoo naman kasi ang tinuran nito. Iisang araw lumabas ang apat ngunit hindi magkakamukha at mas hindi magkakaparehas ng ugali. May kaniya-kaniya ring tupak ang mga ito. Kalmado si Eric at may mahabang pasensiya. Kung puweding daanin sa magandang usapan ay talagang ginagawa sa maayos na paraan. Theodore and Hugo has a little bit similarities. Maiksi ang pasensiya at mainitin ang ulo. But Theodore changed a little bit when he got married while Hugo remains as he does. Si Miguel ay bagay lamang ang ugali sa trabaho. Kung hindi makuha sa isa o dalawang warning ay saka pa ito nagsimulang magalit.
Kaso!
"Kayong tatlo! Ano ba ang problema ninyo at animo'y nasa battlefield kayo? Aba'y mga edukado pa ba kayong lahat sa pinaggagawa ninyo? Kung magkakaaway kayo ay sige, bibilang ako ng tatlo. Sa loob ng tatlong bilang ay sumagot kayo. Magkaaway ba kayo o magkapatid? Answer me you three! Quickly!" matinis ang boses ni Theo kaya't dinig na dinig nila sa sala ng ikalawang palapag. Mabuti na nga lamang at wala ring tupak ang mga apo nila at hindi sumabay sa sigawan ng mga tiyuhin at tiyahin.
"Tapos ang usapan! Walang away kung hindi kayo magkakaaway. Akala n'yo naman ay kayo lang ang tao rito sa bahay! Kapag lalabas ang pamangkin ninyong wala sa oras ay kayo ang ibabala ni Benjamin sa kanyon nila sa North Carolina!" sigaw nitong muli.
Wala man silang narinig na sagot ng tatlong barako ngunit muli silang nagkatinginang mag-asawa. Hanggang sa kasalukuyan ay takot at malaki pa rin ang respeto ng mga anak nila sa panganay. Malaki ang hawig ng ugali nito sa Uncle Lewis nito. Patunay lamang ang mga binitawang salita.
But then...
"Hey you! What the hell you are doing?! Will you put me down! Kayo na talaga ang ibabala ng asawa ko sa kanyon kapag malaglag ang anak ko dahil sa kalokohan ninyo! Ano ako bola?!" anitong muli.
Kaya naman ay napahalakhak na lamang silang mag-asawa ngunit agad ding nagtakip ng bibig dahil napatingin sa kanilang mag-asawa ang animo'y nakikiramdam na kambal.
Later that night...
Nang makasigurado ang mag-asawa na tulog na ang kanilang mga apo ay kinuha nila ang alarm device upang agad nilang malaman kung umiiyak ba o magising ang dalawa. Nagtungo sila sa silid ng anak nilang si Hugo. Kahit pa sabihing nakausap ito ng mga kapatid ay iba pa rin ang galing sa kanila.
"Oh, Mommy, Daddy, pasok kayo," ani Hugo nang napagbuksan ang mga magulang.
Hindi naman agad nakasagot ang mag-asawa dahil pumasok sila at naupo.
"Mukhang may pag-uusapan po tayo, Mommy, Daddy. Aba'y himalang dala-dala ninyo ang serena ng kambal," muli ay wika ni Hugo nang nakaupo na silang tatlo.
"Yes, son. And I'll go straight to the point since that you notice this item. Ano ba ang problema mo kay Evangelista? Remember, she's not from our country. Nandito lamang iyon sa Madrid dahil sa trabaho. Kung ayaw mo sa kaniya ay kausapin mo ng maayos." Idinantay ni Leonora ang palad sa balikat ng anak.
"M-mom," napatungong sambit ng binata.
Hindi lang yata ang mga pamangkin nila ang pinagkakaabalahan nila dahil mukhang nakarating na rin sa kanila ang tungkol sa buhay pag-ibig niya. Sabagay, hindi na siya magtataka kung bakit. Dahil kahit may mga apo na sila sa dalawang bunso nilang magkakapatid ay babies pa rin sila sa kanila. Lalong-lalo na ang ina nilang napakalambot ang puso. Hindi ito marunong magalit bagkus ay mas natatakot pa ito kapag nagtataasan sila ng boses.
"Anak, hindi ko na uulitin ang sinabi ng Mommy mo. Nasa tamang edad ka na kaya't gawin mo ang tama. Kung ano sa tingin mo ang mas maganda mong gagawin ay iyon ang sundin mo. Remember, no one I this world can play your role except you. So, do what you know it's right." Ang tinig ng ama at pagdantay ng palad nito sa kaniyang balikat ang nagpabalik sa kamalayan niya.
"For now, I don't know what to do, I accept that, Mom, Dad. The more I'm avoiding her, the more I'm missing her. But everytime that I want to confess to her, something's holding me back. When I see her talking to any other men, my anger's arises that I want to kill them both," pahayag niya. Ngunit dahil nakatungo siya ay hindi na niya nakita ang makahulugang tinginan ng mga magulang.
"That's what we call jealousy, anak. Nagseselos ka kapag may umaaligid sa kaniya dahil mahal mo siya. Hindi ka magseselos kung hindi mo siya mahal. At kung ako sa iyo ay ayusin mo ang buhay mo bago pa mahuli ang lahat. Hindi ko sinasabing sundin mo kami ng Mommy mo o ang mga kapatid mo. Ang sa akin lamang ay gawin mo ang tama," muli ay pahayag ni Aries Dale sa anak na bugnutin!
Kaso dahil alam niyang mahihirapan siyang gawin iyon ay hindi agad nakasagot si Hugo. Tuloy ay ang ina niya ang nagsalita.
"Are you listening to us, son?" tanong nito.
Kaya naman kahit labag na labag sa isipan niya ang sumang-ayon sa mungkahi ng mga magulang niya ay sumagot siya. Bahala na si batman kung ano ang magagawa niya sa b***h kapag siya ang mapuno. He is Aries Hugo. And no one can stop him when he will probably pissed off.
"Yes, Mom, Dad. I'm not promising but I'll try my best to do it," aniya.
"Very good, son. Since that you understand us, we will go back our room now. By the way, since that it's weekend, tell your siblings that you guys need to visit Theodore's home. I guess he is coming home before the birthday of Tyler and Louis. So, we'll you here for now, son. Sleep well." Tumayo na si Leonora at lumapit sa anak. Hinagkan niya ito sa noo.
"Be a man with dignity, anak. Alam kong may mabuti kang kalooban kaya't gawin mo kung ano ang alam mong tama. Take a rest now. I'm sure, when everyone is here on your nephew's birthday, all of you will be very busy again. Goodnight, son." Tinapik-tapik na rin ni Aries Dale sa balikat ang anak.
May tiwala naman silang mag-asawa sa mga anak nila. Maaring may mga tupak sila ngunit as long as tama ang ginagawa nila ay hindi lumalabag sa batas. Ang kasalukuyang kaganapan sa anak nilang abogado ay trial iyon na kailangan nitong paglabanan. Lahat naman sila ay may mga pinagdaanan when it comes to love. Sa tatlong anak nila na nag-asawa ay ang panganay lang yata nila ang walang problema. Hindi man nila kasing yaman ang napangasawa nito ngunit spoiled wife naman ito.
Naiwan si Hugo na animo'y dinaanan ng bus ang mukha na hindi maipinta. Dahil kahit siya ay hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit siya ganoon. Mahal niya naman si Xyriel ngunit hindi niya maintindihan ang dahilan kung bakit sa tuwing nais niyang magtapat sa tunay niyang damdamin ay kusang umuurong ang dila niya.