Chapter 12 Her crazy plan

1957 Words
Brittany * * " Good morning! Pinagluto kita.." Nakangiti na wika ni Franco " Salamat." Tugon ko Naupo na ako nagmamadali sa pagkain. Pagkatapos ko kumain nagpaalam na ako " Wala ka naman pasok saan ka pupunta?" Tanong ni Franco " Sorry pero may lakad ako ngayon. Salamat sa pagkain." Tugon ko ininum ko ang tubig sa baso " Bye." Pasigaw na paalam ko " I need your help please. " Napahinga ako ng malalim tumawag kanina si Nicolas Nanghihingi siya ng tulong. Kahit na hindi ko naman siya Asawa hindi maalis sa isipan ko na nagsumpaan kami bilang mag-asawa. Habang nagmamaniho ako paulit-ulit ko naalala ang pakiusap ni Nicolas. Paano ko makakalimutan si Nicholas siya ang first kiss ko. Sa tingin ko mabuti siyang tao. Bakit nga ba ako ang napili niyang dukutin? May malalim na dahilan Ano ang dahilan. Hindi lang wrong Bride ang naganap. Sinadya niya ang lahat. Huminto ako sa harapan ng jollibee my biglang kumatok sa pinto ng sasakyan ko. Napalingon ako Nakakunot noo ko ng Masilayan si Nicolas madungis at mahaba narin ang balbas niya para hindi na siya ang Nicolas na nakilala ko Ilang buwan na ang nakaraan. Agad ko binuksan ang pinto sa tabi ko umikot naman siya at pumasok napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay. " Please umalis na tayo dito. Baka mahanap nila ako ayuko ko pang mamatay." Natatakot na pakiusap niya Pinaharorot ko ang sasakyan nagpasya ako na sa probinsya siya dalhin. May bahay naman ako sa probinsya hindi pa tapos pero pwede na tirhan. Akmang magsasalita sana ko ng marinig ko ang hilik ni Nicolas. Hindi ko alam kung bakit parang hinaplos ang dibdib ko. Cold business man. Rich! Handsome. Talagang hinahangaan ng marami. Hindi rin. basta-basta si Nicolas. nakilala siya dahil sa business niya na isang perfume company. Lumabas na siya sa magazine at TV for interviews and Tv guesting. Pero ano ang nangyari sakanya? Bakit para siyang palaboy? Huminto ako sa harapan ng McDonald's lumabas ako pagbalik ko may dala na akong pagkain. Bumili din ako ng ilang perasong damit ni Nicolas sa nadaanan namin nagtitinda sa gilid ng kalsada. Muli ako nagmaniho 3 pm na nang magising ni Nicolas " Kumain kana. " Nakangiti na wika ko " Salamat! " Tugon niya agad na kinuha ang pagkain at parang ilan araw hindi kumain. Pagkatapos niya Kumain huminto ako sa isang gasoline station " Magbihis ka at maghilamos. May damit sa back seat. Mamayang gabi na natin pag-usapan ang tungkol sayo." mahinahon na wika ko Tumango siya lumabas na dala ang plastic na may laman damit. " Full tank " Nakangiti na wika ko sa gasoline boy Pagkatapos ko mag pa-gas nagpark ako sa gilid ng Gasolinahan. Naghintay ako kay Nicolas ng 15 minutes bago siya bumalik sa kotse ko nakasuot na siya ng cotton shorts at t-shirt malinis na siya tingnan naligo pala siya mabuti naman para hindi na ako matigaya sa amoy niya. " Thanks." Tipid na wika niya tumango ako at muling nagmaniho Tahimik kami habang nasa byahe nagpalitan kami sa pagmamaniho madaling araw na nang marating namin ang bahay ko na pinapagawa. private property ito. Balak ko kasi magtransfer ng school, Masyado na kasi magulo sa manila. Nakakapagod ang dami kong iniisip gusto ko sana magpahinga sa problema. " Thanks." Nakangiti na wika ni Nicolas Naupo kami sa upuan sa labas ng bahay. " Pwede mo sabihin kung ano ang nangyari sayo. Sisikapin ko na unawain ang bawat salita na lalabas sa bibig mo. " Mahinahon na wika ko " I lost everything! may business, Car's, Everything i have. Nalaman ng mystery guy na fake ang kasal natin. Na umalis ka ng kinagabihan pagkatapos ng kasal natin. Gusto nilang mapakasalan kita at patayin sa oras na makuha mo na ang deadly field. Hindi ko kilala ang mga tumatawag saakin. Ilang beses ko na sinubukan lumapit sa pulisya pero may humaharang saakin at binubugbog ako. Muntikan na ako mamatay. Ilang buwan na akong naging palaboy. Ang lahat ng ari-arian ko nakapangalan na kay Abigail. Hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong hanggang sa naalala ko ang number mo nakitawag ako sa batang napadaan. Hindi ko talaga alam kung sino ang kalaban ko. Paano ako mag-uumpisa? Ni piso wala akong pera." Umiiyak na Paliwanag ni Nicolas " Napag-alaman ko na miyembro ka ng syndicate na nakalaban na ng parents ko noon. Binuo ng Nakatakas na tauhan at ngayon unti-unting nang lumalaki. Kasalukuyang sila hinaharap pamilya ko. Nasa US sila. Yon ang lumabas sa pag-imbitaga ng kaibigan ko. Ibig sabihin gumagamit sila ng ibang tao para sa maligaw kami. Kaya ko hinarang ang marriage contract natin dahil sa yan ang pagkakaalam ko. mga miyembro ka ng syndicate." Mahabang paliwanag ko " Ito lang ang nadala ko sa pagtakas ko. Recording yan sa mga tawag saakin. " Wika ni Nicolas sabay abot ng Flashdrive " Mauna na ako matulog." Paalam ni Nicolas Tumango ako at ngumiti nagulat ko ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi " Thank you for everything you have done for me." Halos pabulong na wika niya Nakaupo lang ako nakatulala namumula ang magkabilang pisngi ko. Napatayo ako ng umihip ang malamig na hangin. Naglakad na ako papasok sa bahay napangiwi ako saan ako matutulog? Wala pang kagamitan sa bahay. Sumilip ako sa kwarto na kinaroroonan ni Nicolas nakahiga siya sa sahig Carton lang ang banig niya. Bumalik ako sa labas ng bahay pumasok ako sa kotse sa backseat ako natulog. Kinabukasan inaya ko si Nicolas mamili ng mga gamit. Napadpad kami sa isang shopping mall ng probinsya. 30 minutes ang layo kung nakakotse ka. " Pasensya kana kung nakaabala ako." nahihiya na wika ni Nicolas " Tara kain tayo. Nakalimutan natin maglunch. " Tugon ko hinila ko siya papasok sa isang restaurant sinuotan ko siya ng sumbrero para hindi siya makilala ng ibang tao. " Maganda ka parin kahit na panlalaki ang buhok mo." Nakangiti na wika ni Nicolas Tumawa lang ako. Pagkatapos kumain bunilhan ko siya ng cellphone laptop. May nakausap narin ako na magkakabit ng internet connection sa bahay. " Oh God! paano natin to matatapos?" Nanglulumo na tanong ko sa dami ng pinamili ko Hindi ko alam kung paano mag-umpisa. Nadeliver na lahat dalawang kama with foam. Refrigerator with groceries. Curtains, Sofa, table and chairs. " Ma'am paperma nalang po." Wika ng lalaki na nag deliver ng pinamili ko napatingin ako sa papalubog na araw " Ma'am pwede po namin kayo tulongan mag-ayos ng pinamili nyo bigyan nyo nalang kami ng kahit magkano." wika ng driver ng delivery truck " Oh God! salamat." Masaya na wika ko Inuna nila ang refrigerator nilagay ko naman ang groceries sa cabinet at sa freezer naman ang mga meat and frozen food's. Nagsalang ako ng kain sa Rice cooker. " Ahemmm! Brae! Bayad daw ." Nahihiya na wika Nicolas " Brae? Nice nickname I like it. Kuha ka sa Wallet ko nasa loob ng kotse." Nakangiti na Tugon ko Ilang sandali lang kami nalang na dalawa ni Nicolas Napangiti ako ng alanganin hindi ko alam kung bakit maalikabok parin kahit na naglinis na ako. Naglawalis ako sa kitchen pagkatapos ko magwalis naglabas ako ng Itlog at hotdog yon lang ang sa tingin ko kaya kung lutuin. Nagluto ako ng hotdog at Itlog nagtataka ako bakit tahimik si Nicolas. " Nick! Kakain na." Sigaw ko Kumuha ako ng dalawang plato naglagay din ako ng kain sa serving bowls naglabas ko ng can soda at bottle water. Naghintay ako ng ilang minuto bago " Pasensya na naglinis ako sa dalawang kwarto at naglagay narin ng bedsheets at Curtains. " Nakangiti na wika ni Nicolas Naupo siya napakunot ang noo nakatitig sa ulam " Bakit?.Tika may plastic pa itong hotdog? Maalat ang Itlog! Tika maupo ka ako ang magluluto. " Wika niya Tumayo siya lumapit sa ref naglabas ng hotdog at Itlog. " Binalatan pala ang hotdogs? " Tanong ko " You don't know how to cook? Don't worry pag may oras ka tuturuan kita I am A chief." Nakangiti na wika ni Nicolas " Nick! Bakit na inlove ka sa bakla?" Tanong ko " Totoong babae si Abigail! Kababata ko siya. Hindi ko alam kung nasaan ang totoong Abigail na kasintahan ko. Nawawala ang totoong kasintahan ko. Ginaya nila ang fiance ko, Sinubukan ko hanapin pero wala talagang akong mahanap na bakas. Umaasa ako na buhay pa ang kasintahan ko. Makakasama ko parin siya. Kaso hindi ko alam kung saan ako mag-umpisa. Walang-wala ako.." Malungkot na kwento ni Nicolas Inilapag niya ang ulam sa gitna ng table tapos hinubad ang necklace with photo locket. Dinampot ko yon at tiningnan " Gaano katotoo ang mga sinasabi mo? Kasi kung nagsinungaling ka ngayon pa lang umalis kana. Hindi ako Nagdadalawang isip na patayin ka. Mabait ako pero sa lahat ng ayaw ko ang manloloko at sinungaling. " Wika ko " Mag pa-imbitaga ka. patutunayan ko sayo na hindi ako member ng syndicate. Isa lamang akong business man. Babawiin ko ang lahat ng nawala saakin." Mariing na tugon niya Ngumisi ako kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Kailangan ko talaga nag-imbistiga. Nakatitig ako sa picture ng babae sa locket. Si Abigail nga ito Ano kaya ang nangyari sakanya. " Hahanapin ko to! hindi ko ibabalik ang Kwentas mo. Manatili ka dito, Ito ang card's ko gamitin mo tipirin mo yan. 1 M ang laman niyan allowance ko sana yan sa Nightclub pero gamitin mo na. Uuwi ako ngayon Umaga. Gawin mo ang lahat ng gusto mo pwede ka manatili dito. Walang nakakaalam sa lugar na to maliban saakin. " Wika ko Bago ako umalis sinabi ko kay Nicolas na hindi kami magkikita ng ilan taon kailangan ko mag-aral ng mabuti. Makakabuti din kung hindi kami magkikita para maiwasan ang banta sa buhay namin. " Tatanawin ko habang buhay ang kabutihan na ginawa mo saakin. Alam ko na matalino ka. Kaya lagi kang mag-iingat. Baka sa susunod na mga buwan Aalis ako ng bansa. Gagawa ako ng paraan para matunton ang grupo ng syndicate. Pag nagkataon tatawagan kita. Alam ko wala kang tiwala saakin! mabuti yan huwag kang magtiwala kahit na kanino para hindi ka matulad saakin. " Wika ni Nicolas Naupo ako sa driver seat ng sasakyan. " Brae! Thank you! Sana balang araw maging magkaibigan tayo." Nakangiti na wika ni Nicolas " Mag-aral ka makipag laban. Dapat sa muli natin pagtatagpo ibang Nicolas na ang makikita ko. Gusto ko ang matapang na lalaki ang kayang makipag p*****n. Hindi sapat ang mapera ka lang. Dapat lagi kang handang pumatay. Pairalin mo ang utak hindi ang puso. wala kasing isip at mata ang puso kaya lagi kang mag-ingat sa mga taong mabait kadalasan sila pa ang demonyo." Seryoso na Sabi ko " Sa muli natin pagkikita sana bawasan mo ang kabaitan mo. Masyado kang Maawain, Pag-isipan mo mabuti ang isang bagay bago mo gawin. Tulad ng pagpapakasal mo. " Nakangiti na tugon niya " Haha! Thanks." tugon ko Nagmaniho na ako nakatanaw lang si Nicolas habang papalayo ako. Isa nga sa problema ko pag may nangangailangan ng tulong hanggat kaya kung tumulong tutulong ako. Padalos-dalos nga ako ng pasya " Si Franco kaya ko naman siya e divorce pero naisip ko itatali ko muna siya saakin. Mapaglaruan ako ni kuya Skyler kaya paghihirapan ko nalang best friend niya. Pag-ibigin ko saka ko hihiwalayan. Kailangan ko magpanggap na walang alam, Kailangan ko imbistagahan kung sino-sino ang kalaban ko para paghanda na ako at kilala ko na silang lahat. Papatayin ko nalang sila isa-isa. Iba't ibang uri ng pagkamatay malinis at walang bakas na ako ang may gawa. " Isa akong Shoun! Iba ako makipag laban. Madumi ako maglaro kaya humanda kayo. Huwag kayo palilinlang sa kabaitan ko. " nakangisi na sambit ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD