Brittany
*
*
" Nagpapaliwag ako." Namumutla na wika ni Franco Nagkukumahog na tumayo napataas pa ang kilay ko nakita ko kung paano hugutin ni Franco ang Alaga niya sa lagusan ng babae.
Tumayo ako naglakad palabas huminto sa tapat ng pinto
" Alam mo! Wala akong makapa na galit! Kahit selos wala talaga. Dahil ni kaunting pagtingin wala akong nararamdaman sayo. Tulad ng sinabi ko sayo dati kaya kita pinakasalan para matulongan ka gumaling sapat na saakin na ligtas kana sa panganib. Nakakalongkot lang nanbabae ka habang nasa panganib ang buhay ko. Napagtanto ko na hindi ka karapat-dapat saakin. Sya nga pala! Hindi ako nagtaksik sayo kahit na loveless ang marriage natin. I'm pure! I am still a virgin. Kaya taas noo ako dahil ni minsan hindi kita pinagtaksilan. Pinahalagahan ko ang kasal natin. Ikaw lang ang walang utang na loob walang Kwentang tao. Mas madumi pa saakin ang babaeng pinakamamahal mo. Hihintayin kita sa bahay ng mga magulang ko. Kung ayaw mo pasabugin ko yang bungo ng kabit mo." Walang Emosyon wika ko
Naglakad na ako palabas wala akong naramdaman na kahit kaunting galit. Wala naman kasi akong pagtingin kay Franco kaya hindi ako nagseselos.
Napangiti ako matagal na simula ng huling punta ko dito sa Las Vegas. Tumawag ako kay kuya Storm nagkasundo ako nagulat pa siya ng sinabi ko na nasa Las Vegas.
" What are serious? Meadows Mall?" Gulat na wika ni Kuya Storm sa kabilang linya
" Yup! " Tugon ko
Nawala ang kausap ko sa kabilang linya.
Naglakad ako palapit sa jewelry store agad naman ako kinausap ng staff magiliw na tinanong kung ano ang hanap ko.
Pagkalipas ng ilang sandali lumabas na ako ng jewelry store na may maliit na box na dala.
" Paano ko mapapasuot ito kay Lex na hindi siya nahahalata na wedding ring to? Sasabihin ko nalang promise ring ito. or friendship ring." Nakangiti na kausap ko sa sarili ko
Habang naghihinta kay kuya Storm nag shopping na ako ng mga damit ko. dressed, shirt and undies.
" Oh c'mon Betty dami mong pinamili." Reklamo ni Kuya Storm habang nasa byahe kami. Umabot ng dalawang oras ang paghihintay ko kay kuya kaya tumambay ako sa restaurant at nag-edit ng video naabutan niya ako kakatapos lang ng ginagawa ko nasa sahig ang mga shopping bags ko.
" Nagkita na ba kayo ng Asawa mo? Abala siya sa nalalapit na laban. " Wika ni Kuya Storm
" Alam nyo na ba na nagsasama sila ng long-time girlfriend nya?" Tanong ko
" What? Matagal na sila wala bunso. Diba nga monthly umuuwi sya para binitahin ka?" Nagtataka na tugon ni kuya Storm
" Sinungaling siya kuya! Tatanungin kita? Ano ang dahilan bakit galit kayo kay Alexander?" Pagalit na tanong ko
" Babaero siya sasaktan ka lang! Ginagamit ka lang niya para sa pansariling pangangailangan. Anak ka ng billionaryo kaya malaking pakinabang mo para sakanya. Ginagamit ka lang niya pera mo lang ang gusto niya." Pagalit na tugon ni Kuya Storm
" Bahagi lang yon ng pagbibinata kuya! Pagkikipag talik niya dati ng teenager ay pagtuklas bilang lalaki. Dumaan ka d'yan kayong mga lalaki dumaan sa ganyan. Kusa siyang tumigil sa pangbabae. Nagsawa siya lahat ng yon alam ko! Ilang beses ko pa siya binigyan ng babaeng model at actress pa. Binata siya walang kasintahan at walang Asawa malaya siyang gawin ang kahit na anong Gustohin niya. May sarili siyang source of income! Hindi siya mayaman pero mabuti siyang tao. " Mahabang paliwanag ko
" Diba siya ang pinagselosan ni Franco kaya siya umalis ng bansa? Dahil sa nagawa mong makipagtalik sa putanginang manggagamit na lalaki yon! Kahit na Anong Sabihin mo hindi namin matatanggap si Alexander para sayo." Galit na bulyaw ni kuya
" Hahaha! Talaga bang naniniwala ka kay Franco? Sige! Paniwalaan nyo siya! Galitin nyo ako! Mas lalo ko lang pipiliin maging kaibigan si Lex! " Galit na bulyaw ko
" Mas pipiliin mo ang lalaking yon kaysa Asawa mo? " Galit na tanong ni Kuya
" Yesssss! Paulit-ulit ko siya pipiliin! " Sigaw ko
Hindi umimik si kuya binilisan ang pagmamaniho wala kaming imikan hanggang sa makarating sa bahay
" Dalhin ang mga gamit ko sa kwarto ko." Walang Emosyon utos ko sa kasambahay
Naglalakad si Kuya Storm papasok sa bahay namumula ako sa galit. Kaya sinugod ko siya sinipa ko sa likod dahilan para masubsob siya sa sahig
Sinugod ko pa siya akmang sisipain ko pa siya sa mukha ng hilahin ako ni Daddy napalingon ako kay kuya Skyler walang kahirap-hirap na sinugod ko siya.
" Brittany! Anong nangyayari sayo." Sigaw na tanong ni Daddy
" Anong kasalanan ko sayo para lokohin mo ako? Alam mo kung gaano ko hinahangaan ang number 28 pinaniwala mo ako na si Franco yon. Alam mong gagawin ko ang lahat para sa Idol ko. Kinamumuhian kita! Lalabanan kita! Makakapasok ako sa deadly race na walang tulong ninyo! Wala kang Kwentang Kuya. Makasarili ka! Galit ako sayo! galit ako sayo kuya Sky." Nanggagalaiti sa galit na sigaw ko habang sinusugod ng sunod-sunod na suntok at sipa si kuya Sky natigil lang ang pagsugod ko ng niyakap ako ni Daddy.
" Hey! hey! Pamilya tayo pag-usapan natin ang hindi pagkamaunawaan." wika ni Daddy
Dinukot ko ang flashdrive na ginawa ko kanina sa restaurant habang naghihintay kay kuya Storm.
" Baby! Kalmado kanaba?" Pasigaw na tanong ni mommy sa second floor ng bahay
" Mom! Bumaba kana." Sigaw ni Kuya Vaughn
" Hay! Kararating mo lang init-init ng ulo mo. Labas ako sakanila! Binalaan ko si Sky. Wala akong pakialam sa personal na buhay mo. Sampid lang ako sa pamilya nyo. Kami ni Skyler nakikisampid lang kami. Pareho kami nabuo sa surrogacy and IVF kaya wala kaming karapatan sa kahit na anong mayaman nyo. Okay na ako kung ano lang ang ibigay ni Daddy okay na ako na nakasama ko si mommy. " nakangiti na wika ni kuya Vaughn
" Good evening." Nakangiti na bati ni Franco napalingon ako para bang walang ginawang kalokohan.
" Maupo kayo." Utos ko nandito kami sa living room Si mommy at Daddy, Vaughn, Storm at Skyler, Franco. Nakaupo kami nakatitig sa Malaking TV screen pinindot ko ang start button.
Napatayo si Franco CCTV footage sa bahay ni Franco sa Las Vegas. CCTV footage ng nakalipas na dalawang taon.
Nakatulala ang pamilya ko
" Sabi mo inayos mo ang relasyon mo sa Kapatid ko? Ilang beses ko bang sasabihin sayo! Matagal kanang niloloko ni Alycia. Si Betty ang nasa tabi mo ng naghihingalo ka. Kapatid ko ang dahilan kung bakit humihinga kapa ngayon." Puno ng galit na wika ni Kuya Sky napatingin saakin si kuya Storm
Napatingin ulit sila sa Video footage nakikipag laban si Lex halos gabi-gabi sa loob ng dalawang taon. Kung paano niya ako alagaan at ipagluto ipaglinis ng bahay. Inalagaan kung may sakit! Sinasanay niya ako sa pakikipaglaban kahit na madalas talo ko siya. Pati ang graduation night ni Lex napanood nila.
" Sapat na ba yan para tanggapin nyo si Lex? Siya ang dahilan kung bakit naging ligtas ako ng mga nakalipas na taon! Habang kayo nagpapakasarap dito sa US si Lex nakikipag patintero kay kamatayan. Hindi niya ako pinabayaan! Ginalang niya ako! Kahit kilan hindi ko naranasan na bastosin ni Lex. Handa niya itaya ang sarili niyang buhay para lang saakin. Hindi siya bad influence saakin. Pinamulat niya ako sa hirap ng buhay. Dahil sakanya kaya nalaman ko na hindi lahat ng tao katulad ko na pinanganak na swerte. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Para akong prinsesa kung itrato niya. Alam ko siraulo siya. Babaero siya dati pero kahit kilan hindi niya ako binastos. Dahil sakanya kaya nanatili akong virgin. lagi niyang sinasabi na huwag kung ibibigay ang sarili ko sa lalaking hindi ko mahal. Dapat sa lalaking gusto ko lang makasama habang buhay. Nakapabuti niyang tao. Katangian na wala sa ibang lalaki. Kaya umabot ng 13 years ang pagiging magkaibigan namin. Siya ang dahilan kung bakit nandito ako. " Mahabang paliwanag ko
Hindi ko namalayan na umiiyak na ako Niyakap ako ni mommy.
" Sorry! Isa ako sa nagkamali sa pagkilala sa kaibigan mo. Pero gwapo siya pwede siya maging ama ng Apo ko." Bulong ni mommy natawa ako
Kahit na nagkakagulo na Apo parin ang nasa isip ni mommy. pinagtulongan ni kuya Storm at kuya Skyler si Franco si Daddy naman panay awat. sa tatlo si Kuya Vaughn naman nakangiti habang tumutungga ng beer.
" Gusto ba talaga ng Apo? Aalagaan mo? Bibigyan kita pero aakitin ko muna si Lex. Turpi kasi yon eh! Hindi marunong manligaw. " Nakangiti na wika ko
" T-talaga? " Pautal-utal na tanong ni mommy nagulat si Daddy ng biglang humagolhol ng iyak si mommy
" Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala na tanong ni Kuya Vaughn
" Magkakaapo na ako kay Betty.' Umiiyak na Sabi ni mommy
" Malakas na tawanan ang umalingawngaw sa living room
" Mommy talaga! Umabot ng dalawang taon na may asawa pero hanggang ngayon birhin pa. Nauto ka lang niyan." Wika ni Kuya Vaughn
" Itatama ako ang pagkakamali ko! Inakala ko na manlalaki sya. Kaya iniwan ko sya. Hayaan nyo akong itama ang pagkakamali ko." Pakiusap ni Franco
Umiling nalang ako naglakad ako papasok sa kwarto ko. Mas gusto nila mommy dito sa ibang bansa kaysa pilipinas karamihan kasi ng business ng pamilya namin nandito sa US. Hospital at Hotel lang sa pilipinas ako lang ang nag-iisang namamalagi sa pilipinas. Mas gusto ko ang sarili kung bansa. Gusto ko ang pangkain at sempling pamumuhay.
Natulog ako nagising ako 2 am ng madaling araw bumangon ako at kumain. Lumabas ako ng bahay pumunta ako sa garahe ilang sandali lang nasa track field na ako ni mommy. Paikot-ikot habang mabilis na nagmamaniho.
Isang oras ako nagmaniho paikot sa field bago ko ibalik sa garahe ang sports car ni mommy.
Pagkatapos pumasok ako sa gym nagsanay ako sa bilis kumilos at talas ng paningin.
" Can we talk?
Napatingin ako sa nagsalita si kuya Skyler may dalang tasa ng kape tumango ako naglakad kami palabas ng gym. Malaki ang bahay namin dito may sariling Racetrack sa backyard may malaking swimming pool isa sa masasabi mong luxury house. Hindi nakapagtataka Billionaire ang parents ko.
" Sorry." Wika ni kuya
" Pinapatawad na kita kuya! Pero sana huwag ka nang makikialam sa personal ko na buhay. " Malungkot na tugon ko
" Mabuting tao si Franco kaya ko naisip na magiging mabuti siyang Asawa sayo. Paulit-ulit siya niloloko ni Alycia. Halos maubos na ang pera ni Franco sa kakabili ng mamahalin gamit ng kasintahan niya. Naawa ako sa kaibigan ko. Hindi ko alam na wala parin palang planong iwan ni Franco ang kasintahan niya. Tanga-tanga talaga. Daming babae." Naiinis na wika ni Kuya
" Dapat kuya alam mo kung saan ka lulugar! Unang-una legally hindi ka anak ni mommy iba ang ina at ama mo sa birth certificate mo! Kaya wala kang karapatan sa kahit Anong ari-arian ng mga magulang ko. Masyado kana nanghihimasok sa personal na buhay ko! Swerte mo nabigyan kana ng pamana may business kana. Tapos ang inaasam ko na pamana ni mommy saakin gusto mo pang kunin. Makasarili ka! " Puno ng kinanakit na wika ko
" Anak ako ni mommy! may karapatan din ako sa deadly race. " Galit na wika ni Kuya
" Tsk! pinapaalala ko lang sayo! Kung gusto mo itrato kita bilang magalang-galang na Kapatid huwag mong pakikialaman ang personal ko na buhay. " Galit na wika ko
" Ganito nalang! tatalonin kita sa Deadly Race! mananalo ako! Ako ang karapat-dapat mag-mamay-ari ng deadly field. " Walang Emosyon wika ko
" It's too dangerous! " Bulalas niya
" Alam ko matapang ka! Pero wala kang lakas ng loob na pumasok sa deadly race kaya nga hanggang ngayon umiiwas ka parin na makapasok sa Deadly race. Kung ganon wala kang karapatan mag may-ari niyon! Mga halang ang kaluluwa ng mga pumapasok doon. Handang mamatay at pumatay. " Mariing tugon ko