Chapter 6 Siblings

1997 Words
Brittany * * " Arayyyy...." Daing ni kuya Vaughn Binatukan ko siya namumula ang mukha ko sa inis " Kuya! Matanda kana para makipag basag ulo? Kilan ka titino? Aba ilang beses na kita tinubos sa prisinto." Paninirmon ko Hinawakan ni kuya ang kamay ko hinalikan at ngumiti napamura nalang ako inadaan na naman ako sa pag papa-cute. " Oo na! Cute kana kuya! Wala ka naman pera?" Inis na wika ko nag-puppy eye siya saakin napamura ulit ako " Eh kasi! Kinuha ni Daddy ang Cards ko pati Credit card ko. Bunso tulongan mo nga ako mag business." Paglalambing ni kuya Napalingon ako sa pinto pumasok si Kuya Storm at Skyler. Kakaiba ang ngisi ng dalawa agad ako kinabahan " Bunso! tinakasan ka nila mommy. Ikaw daw muna bahala saamin. Dito kami titira sa bahay mo. " Nakangisi na wika ni kuya Skyler. " Saan Asawa mo?" tanong ni Kuya Storm " Nasa bahay niya, Hindi ko alam kung kilan uuwi. Kasama naman niya si Tito Leon. Baka pansamantala doon sila sa bahay ni Franco. " Paliwanag ko Napamura ako nagbukas si kuya Vaughn ng Whiskey " Oooopss! Kuya mahal ang Whisky na yan! " Inis na wika ko Napamura nalang ako ngumisi lang ang gago binuksan at nagsalen sa baso " Woah dude! Sarap." Masaya na wika ni kuya Vaughn Lumapit si kuya Storm at Skyler nagsalen sa baso " Haha! Sarap nga. Sa Action house pa ito nabili. " wika ni kuya Skyler " Huhu Ang 1300$ whiskey ko." Naiinis na wika ko " Pang display ko yan eh.." naiinis na wika ko Inakbayan ako ni kuya Storm " Namiss kita bunso. Tara samahan mo kami, Road trip tayo." Nakangiti na sabi ni Kuya Storm " Ford Range mo gamitin natin." Wika ni kuya Skyler Wala na akong nagawa nakasimangot lang ako. Ako ang driver samantala ang tatlong Kapatid ko nag-iinuman sa likod ng truck ko. Nagkakantahan pa " Enjoy ko nalang ang sandali na to. Lahat sila pupunta sa ibang bansa. Para Asikasohin ang problema sa deadly field. Ako lang ang matitira dito sa pilipinas. Huminto ako sa isang restaurant nasipat ko kasi si Franco may kausap na babae Nagmamadali ako lumabas ng Sasakyan nagtawanan lang ang mga Kapatid ko " Tama ang aya natin. Makikita natin kung paano magselos si bunso. Sa wakas ma-inlove narin sya sa wakas." Narinig ko na wika ni Kuya Storm muli sila nagtawanan Sinadya nila na dito ako dumaan para magselos ako. siraulo talaga ang mga Kapatid ko. Pumasok ako sa restaurant habang naglalakad ako palapit kay Franco nakita ko mismo ang paghalik ng babae sa labi ng Asawa ko " Akala ko ba umuwi ka sa bahay mo?" Pagalit na tanong ko paglapit ko Napalingon saakin si Franco " Bakit nandito ka?" Gulat na tanong niya " Ikaw bakit nanbabae ka?" Nagpipigil sa galit na tanong ko " Nagseselos kaba?" Nakakunot noo na tanong niya " Hindi ako nagseselos! Nagagalit ako dahil mangbabae ka na nga lang sa Pangit pa. Pwede ba sa susunod humanap ka ng mas maganda saakin. Aba mas malinis pa ang pwet ko sa mukha ng putang babaeng yan." Galit na wika ni Betty " Hahaha! Nice...." Magkakasabay na Sigaw ng tatlong Kuya ko sinabayan nila ng tawanan " Let divorce." Bulyaw ko Sabay talikod " Manigas ka! Ikaw ang may gusto na maging Asawa ako kaya habang buhay kang nakatali saakin." Tugon ni Franco " Tangna ka! Lumpo ka na nga babaero ka pa. Dapat hindi na ako naawa sayo. Bayaran mo lahat ng ginastos ko sayo. Liit-liit na nga ng TT mo Babaero kapa." Galit na Sigaw ko " What? I'm 7' inches. " Inis na sigaw ni Franco Paglabas ko ng restaurant agad ako pumasok sa truck ko pinaharorot ko paalis. " Gusto mo ng away! Tangna bibigyan kita ng sakit sa ulo. Gusto ko sana magpakatino. Mag-aral ng maayos tumulong sa taong nangangailangan ng tulong pero ano ang ganti saakin? Lintik lang ang walang ganti. " Nanggagalaiti sa galit na kausap ko sa sarili ko Hindi ko alam kung bakit nanggagalaiti ako sa galit nanginginig ang katawan ko sa sobrang galit. " Hello kuya." Inis na sagot ko " Pwede ba dahan-dahan lang baka malaglag kami " Pakiusap ni kuya Vaughn sa kabilang linya napatitig ako sa view mirror napakunot ang noo ko nasa likod pala sila kuya Dahan-dahan ako huminto tinabi ko sa gilid ang sasakyan ko Lumabas ako ng sasakyan namumutla ang tatlong Kapatid ko " Bakit namumutla kayo?" Natatawa na tanong ko " Sabi ko sainyo huwag gagalitin si bunso." Nanghihina na wika ni Kuya Storm " Parang nasa video games kami kanina. Akala ko mamatay na ako." Bulalas ni kuya Skyler Napangiwi ako sinasalubong ko pala kanina ang mga sasakyan, Hindi ko alam kung bakit ako nagalit kanina. Hindi naman talaga kami totoong mag-asawa kaya ko siya pinakasalan para maligtas siya. At gusto ko siya makalaban sa national race. Kaya ko Umalis sa teammates ko dahil gusto ko bumuo ng team kasama si Lex, May autho shop ako naghahanda na ako para sa pagtapos ko ng college makakabalik na ako sa Field makakabalik na ako bilang car racer. " Sorry kuya! " Tanging sambit ko " Nakakatakot ka magselos bunso." Naiiling na wika ni kuya Vaughn Nanahimik ako si kuya Storm ang nagmaniho sa tabi niya ako, Pagdating sa bahay Nakakunot noo ako habang pinag-iisipan ang nangyari " Walang sino man ang pweding bumihag sa puso ko. Hinding-hindi ako iibig! Makakapagtapos ako sa pag-aaral ko babalik ako sa pagiging racer. Makakapasok ako sa deadly race at magiging first female champion ako sa deadly race. Makukuha ko ang pamana saakin ni mommy. Ako ang mag-mamay-ari ng deadly race. " Pagalit na wika ko " Bakit ayaw mo ma-inlove? Masarap mabuhay na kasama mo sa magtupad sa pangarap mo ang taong mahal mo." Wika ni kuya Vaughn " Pangarap? Kuya wala ka nga trabaho tapos sasabihin mo yan saakin." Inis na wika ko. " Sayang ang binayad ko sa babaeng yon. Hindi naman nagbago ang pananaw sa buhay ni Bunso. " Bulalas ni Kuya Vaughn Naningkit ang mga mata ko kinapa ko ang baril sa bewang ko nanlaki ang mga mata nila ng kinasa ko ang baril " WAAAAAAH..... ' Sigawan nila nagpulasan silang tatlo si kuya Vaughn tumakbo palabas ng bahay si kuya Storm at kuya Skyler tumakbo pakusina " Bakit may baril ka?" Pasigaw na tanong ni Kuya Vaughn " Tangna kanina pa kayong tatlo. Umaga palang tinubos ko na si kuya Vaughn sa prisinto. Inaya nyo ako mag road trip tapos sinabihan na dumaan muna sa restaurant yon pala may kalokohan kayo. Lumayas kayo sa pamamahay ko. " Galit na sigaw ko " Tanghaling tapat ang ingay mo bunso. Lunch na tayo." Pasigaw na wika ni Kuya Skyler " Sunday ngayon rest day ko! Pwede ba patahimikin nyo ako." Inis na tugon ko padabog ako na umakyat sa hagdan dumapa ako sa kama Naalala ko ang kalokohan ng mga Kapatid ko ibig sabihin gusto nila ako pagselosin, " Ano nga pala ang ginagawa ni Franco sa restaurant na yon? " Tanong ko Bumangon ako sinara ko ang black curtains nilakasan ko ang Aircon nagtalukbong ako ng blanket Inaantok na ako ng makarinig ako ng marahan pagbukas ng pinto nagkunwari akong tulog napamura ako, Nahiga si kuya Vaughn sa kanan bahagi ko sa kaliwa si Kuya Storm sa paanan ko si kuya Skyler " Nakakapagod, Bakit nyo ako iniwan kagabi? ako tuloy ang nadampot ng pulis. " Narinig ko na tanong ni kuya Vaughn " Hahaha." Tawa ni kuya Storm at Skyler napamura ako ng mahina Pagdating sa tatlo to sakit sila sa ulo. Bibihira magsama-sama pero sakit naman sa ulo pag magsama-sama silang tatlo. Ilang minuto lang humihilik na ang tatlo nakatalikod saakin si Kuya Vaughn at Storm nakabaluktot ako baka kasi masipa ko si kuya Skyler. Ganito kami lagi. Hirap pag Nag-iisang babae sa magkakapatid. Gabi na ang magising mag-isa nalang ako sa kwarto napangiti ako ng mabasa ang text message ng tatlong Kapatid. Vaughn : Mag enjoy ka sa buhay. Maiksi lang ang buhay kaya huwag mo alalahin ang mangyayari bukas. Magpakasaya sa habang bata kapa." Storm: Nasa garahe ang bagong Ducati bike gift ko yan sayo. I love you bunso. Bigyan mo agad ako ng pamangkin." Skyler : Nasa bank account mo na ang lahat ng pera na ginastos mo kay Franco Sya nga pala gusto ko si Franco para sayo. Ang picture na email mo. 5 years girlfriend na siya ni Franco. Darating siya sa susunod na buwan. Her name Alycia Raya. Good luck. Pag nakaramdam ka ng selos huwag mo ipakita na mahina at talonan ka. Ikaw ang may kagustohan na pakasalan si Franco kaya dapat handa ka sa lahat ng darating na pagsubok. Divorce him! Kung hindi kapa handa mag-asawa. Nasa cabinet ang papeles hinanda ko na. Mag-ingat ka bunso. Matagal kami bago bumalik ng bansa. Sa lahat ng text message si kuya Skyler lang ang may pinamahaba. Nag online banking ako pumasok na nga ang pera ko Half billion ang pumasok sa bank account ko. Bumangon ako pumasok ako sa walk-in closet napakunot noo ko wala na ang mga damit ni Franco. Ibig sabihin umalis siya ng walang paalam. Walang thank you. Napuno ng galit ang dibdib ko " Lex! Huwag kana tumuloy sa flight mo. Hindi kana sasali sa n international race." Nagpipigil sa galit na utos ko " Sabi mo eh. Ano ang dahilan bakit nagbago ang isip mo?" Tanong ni Lex sa kabilang linya Naupo ako sa balcony natanaw ko ang apat ko na bodyguard nag-iinuman sila sa swimming pool. Ganito ang bahay ko Pagpasok mo sa gate bandang kanan ang drive way papunta sa garahe ko. Paglabas mo ng main door pahaba na swimming pool two story house lang pero may 7 room sa second floor at tatlong maids room sa ibaba malapit sa kusina. Malawak na living room at may bar counter ako malapit sa living room. " Umalis si Franco! bumalik siya sa bahay niya at binalik na ang lahat ng Ginastos ko. Hindi manlang siya nagpaalam. Walang pasalamat sa pagtulong ko sakanya. Ihinto mo ang imbistagasyon sa syndicate. Hayaan mo na sila. Tapos na ang trabaho mo saakin. Pag-usapan natin ang pagbuo ng team gusto kita kasama sa pakikipaglaban. Maaasahan ba kita Lex? Sana pag-iisipan mo ang alok ko bilang private bodyguard ko. Aalis na ang apat ikaw lang ang mapagkatiwaan ko." Mahabang paliwanag ko * * Franco * * " Haha! hindi mo ako masisipa Franco alalahin mo lumpo ka." Pang-aasar ni Skyler Kapatid ni Brittany kaibigan ko ang gagong to " Tingnan mo ang nangyari saakin? " galit na bulyaw ko " Sabi ko sayo! mapanganib ang mga taong yon! Tingnan mo pinakasalan ka tuloy ng Kapatid ko. Good luck bayaw, Huwag mo sisirain ang future ng Kapatid ko at huwag mo siya sasaktan. 18 lang siya alagaan mo ang mapatid ko, Binalik ko na ang pera na ginastos niya sayo. Ang pasaway na yon. Padalos-dalos." Naiiling na wika ni Skyler " Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa Race Field! Mag-wawala si Alycia pag-nalaman na may asawa na ako. Balak ko na sana mag proposed sakanya next year." Malungkot na tugon ko " Nasaan ang girlfriend mo ng kailangan mo sya? tinawagan ko siya pero tinawanan lang ako. Inutusan ko ang bodyguard ni Betty na sabihin na ikaw ang Idol niya at sabihin ang nangyari sayo. Ayan agad-agad pinakasalan ka. Alam ko hindi mo gusto Kapatid ko, May mahal kang iba. Pero sana! Huwag mo siya sasaktan. Si Nicolas White ang dumukot sa Kapatid ko, May kutob ako na pakawala siya ng syndicate. Mabuti nalang naharang ko ang marriage contract nila ni Brittany. Lahat kami magkakapatid hinarang ang marriage contract nila. Sikapin mo na makalakad, Nasa panganib ang buhay ng Kapatid ko. Bumalik ang syndicate na kalaban nila mommy dati. Mas malakas na sila ngayon." Pakiusap ni Skyler " I don't like her." Sambit ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD