"Who's gonna be the first one to drive away? Forgetting every single promise we ever made." Spaces by One Direction --- Ready na kayo?" Tanong ng camera man. Tumango ako at nilingon si Eric sa malayong upuan. Nakayuko siya at nagbabasa pa rin ng script. I sighed. Hindi niya ako pinapansin. I tried to smile at him earlier pero hindi niya ako pinansin. Ano ba ginawa ko? Mali ba iyon? Mali bang magpakatotoo ako? Ayaw ko naman na siyang saktan pa kung sinabi kong gusto ko pa rin siya. Marami nang nagbago. Hindi na tulad ng dati. Lumaki na ako. Isa pa, iba talaga ang nararamdaman ko para kay Perseus. It is something that I will not barge to anyone just because they want my comfort. No. "Sel!" Naputol ang pag iisip ko dahil sa tawag ni Perseus. Naabutan ko siyang nakakunot ang noo habang ti