Kabanata(14)~Promise me

2107 Words
 ***************************************************                                                                     >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>                                ARIADNE LAURIE CASTERO Nng sulat sakin ang empress bago ang araw ng formal meeting ng marriage between both families.So ibig sabihin ay makikita ko lahat ng kapatid ni Ains doon at since madami nga sila medyo nag reresearch ako tungkol sa kanila. Ang nakasulat sa letter ng empress ay pati si Ains ay makikidalo sa meeting na susunduin ng crown prince. "ma'am nakahanda na po lahat ng gamit niyo."ani Lorcel. "ok.Ipadala na sa address na ito "bigay ko sa kanya sa address ng mansion ni Ains. "yes ma'am.Ano pong design ng cake ang gusto niyo mamaya?"tanong niya. "hmmm ito na yung design."bigay ko sa picture ng cake. "wow.Ang ganda naman."ani niya at umalis na habang namamangha.This would be the last na pupunta ako sa mansion niya gabi gabi dahil bukas na ang paglipat ko doon. so I made a extra special design today bigla namang my kumatok at kita ko si mom.She looks really worried. "ano yun mom"tanong ko. "ummm kasi aalis ka na bukas.Mamimiss kita."I know na si mom lang naman talaga my care sakin,dont worry mother babalik ako upang iligtas ka mula kay Lillian. "ako din mom."ngiti ko naman sa kanya at bigla niya akong niyakap. "your real father left yung nalaman niyang dala kita."rinig kong ani niya.Alam ko masakit pinag daanan niya at dahil nadin yun kay Ariadne pero di niya iniwan si Ariadne kahit naghihirap na siya. A mother's love.Just like my mother back in my world. "thank you for everything mother."di ko na napigilan at tuloy tuloy na tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. "my daughter. I love you so much,ikaw ang tanging ilaw ko sa lahat ng dilim na dinanas ko dati."ramdam ko din ang pagtulo ng mga luha niya sa damit ko. "I love you too mom." I utter habang patuloy kaming magkayakap. "kahit anong mangyare, I would be always your mom so wag kang mag hesitate pumunta sakin."haplos niya sa likod ko. "thank you mom.I would always remember you."ngiti ko naman habang nagkatinginan kami. nag usap kami ng masinsinan tungkol sa mga mangyayare at mga kwentuhan.Nalaman ko na ang nanay pala ni Ariadne ay tunay na mahal siya at natutuwa akong kahit sa mundong ito ay may nanay pading gumagabay. I was happy and I won't let her die.                  ************************************************************ Patungo na ko sa mansion ni Ains habang nakasakay sa kabayo ko ng my marinig akong mga ingay sa kakahuyan.Agad kong sinuot ang mask at cloak ko ng makarinig ng mga bosses. "nahanap niyo ba?patayin niyo na."ano?sino yung papatayin nila? medyo malapit na ang gubat na ito sa mansion kaya napaisip ako kung si Ains ba ang pakay nila.Agad akong bumaba at tinali yung long sword ko sa bewang ko at kabayo ko sa gilid.Sinubukan kong hanapin yung mga nagsasalita. "bata lang naman yan.Madali na yan."ano?!si Ains ba talaga tinutukoy nila?ng marinig ko yun nagmadali ako hanapin sila.Pero dahil gabi na at medyo madilim sa loob ng kakahuyan kaunting sinag lang ng buwan ang tanging ilaw ko. Nilabas ko ang sword ko ng makitang lalake at agad itong sinaksak sa tyan. "a-ackkk!sino ka?!"sigaw niya at hinila ko agad ang sword ko at tumalsik sakin ang dugo niya. "akala ko ba wala ng ibang knight niya?sino yan?"rinig ko naman at nagtago agad sa isang puno.Kita ko ang tatlong lalake na may hawak na sword at sa gitna nila may isang batang lalake.Hindi ko masyado makita kong si Ains ba o hindi. paano nila nahanap si Ains?si Ains ba yun? "lumabas ka na!"sigaw ng isa .Gamit ang dagger ko deretso ko itong binato na parang darts sa ulo nung isa."-a-ahhhhhh!!!"sigaw nito bago mapahiga sa damuhan. "an expert assassin?akala ko ba wala na?yun yung sabi ng boss diba?"ano?sino naman ang boss nila? "oo sabi niya walang ibang guard kasi pinalayo na niya."ano?di ko maintindihan.Wala namang guard si Ains ah. "s***h!"malakas na pag taga ko sa isa at tumalsik ang mga dugo niya sa mukha at cloak ko.Tsk ano ba ang gusto nila? "hoy!ikaw pala!"kita ko sa likod na sasaksakin na sana ako nung isa pero agad ko itong inilagan at agad lumayo. sinubukan niyang iligtas mga kasamahan niya pero nauubusan na ito ng mga dugo.Lumapit agad ako sa bata . "Ains?are you ok?"ng iangat ko siya nagulat ako at hindi naman si Ains ito. "pls help me."bata din na lalake .Navy blue yung buhok niya at amber eyes.Sino ito?bakit siya balak patayin? "ahhhhh!!"atake nung natitira pero agad ko itong sinangga at tinwist ang sword ko na agad siyang ginilitan sa leeg. "tchh."wasik ko sa mga dugo sa ispada at sa damit ko.Punu na ko ng dugo neto."a-ah."daing nung bata nakahawak sa braso niyang my sugat. kumuha ako sa cloak ko ng cloth at tinalian ito.Mukha siyang ka awa awa. "sino ka?"tanong ko naman. "thank you for saving me."ani niya at umupo na.Mukhang wala naman na siyang ibang natamo. pero ang tanong :sino at bakit ba siya andito?"delekado dito.Umalis ka na."ani ko naman . "nahanap niyo na ang young master?"rinig ko sa di kalayuan at kita ang mga lamp nila."i'll repay you soon."mahinang ani niya. "your guards are here."ani ko naman at tumayo na bago pa ko abutan ng mga kasama ng batang ito.Wala na kong time alamin pa kong sino yung bata at kong bakit young master tawag nila. sumakay na ko sa kabayo ko at agad na umalis doon.Punu ng dugo ang dagger at sword ko.Tsk hugasan ko nalang sa lake doon.Pagdating ko doon agad kong binuhusan ng tubig yung sword at dagger ko at naghugas ng kamay. Di na maalis mga stains ng dugo sa damit at cloak ko pero ayos na ang kamay at mukha ko.tumayo na ko at kinuha yung basket mula kay amore, ang kabayo ko at nagtungo na sa kwarto ni Ains. iwan ko nalang agad at kailangan ko ng bumalik sa bahay upang maligo at magpalit dahil sa dugo .Ang lagkit ng pakiramdam ko dahil sa dugo na tumalsik kanina. akala ko si Ains yun pero hindi pala.Napabuntong hininga ako bago buksan ang pinto niya.Maliwanag sa loob dahil sa liwanag ng buwan sa labas at nakahawi lahat ng kurtina.Kita ko si Ains na nasa harap uli ng piano. ng makita niya ko nanlaki mga mata niya. "here."lapag ko sa harap ng piano niya. "b-blood?!"hawak niya sa cloak ko at gulat na gulat.Kinuha ko naman sa basket yung head band na wolf ears at sinuot sa kanya at tinaas lahat ng buhok niya upang makita ang mga mata niya. bakit gannun siya makatingin?"bakit?"tanong ko. "san ka may sugat?"agad niyang tinignan ang damit ko at ang mask ko. "owww I am dying."acting ko naman sabay hawak sa tyan ko. "w-what?!hey Aria?!"mukhang nagaalala niyang tanong habang hawak ang damit ko. "wag mo ng hawakan."hawi ko sa kamay niya dahil nadudumihan lang siya sa dugo. "d-doctor!kailangan natin patigilin ang pagdudugo."hawak niya sa braso ko.Sww he looks so cute mas lalo na yung wolf ears sa ulo niya. "oh bakit nakatayo ka lang jan? you'll die!"panic niya.I want to tease him more. "no its too late.Goodbye Ains."upo ko naman sa floor habang nag a-acting. "hey don't say nonsense things!"sigaw niya na sakin at umupo sa harap ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat,ano ginagawa niya? "its not nonsense."ani ko. "dont die."ani niya at kita sa mga mata niya na naluluha na siya.what?talagang seneryoso nga niya? "pffttt hahahhaha!"di ko na napigilang matawa sa sinasabi niya at mukhang maiiyak na ata. "why are you laughing?!"kita ko na tumutulo ang luha mula sa mga pulang mata niya. what the hell?did I made him cry?again? "hey.Tumigil ka na sa pag iyak.I am not dying."hawi ko sa kamay niya sa braso ko. "Aria."ani niya at nagulat ako sa sumunod na nangyare.Agad niya akong niyakap ng mahigpit. "hey!sabi ko madudumihan ka."alis ko sa kanya sa pagkakayakap sakin at nilapag siya sa kama niya.Umiiyak padin siya.Bakit ba hindi siya tumigil?! "p-pero.Aria.Don't die."he looks like a puppy .How can I make him cry like this?I feel guilty. "hays Ains.I am not dying alright."punas ko sa mga luhang nahuhulog sa mga mata niya.Why don't he stop crying already?!sinabi ko na ngang hindi eh. "hmp.Hik*pero---snif* blood."turo niya sa damit ko at maskara ko."Its not my blood."ani ko at tinanggal ang maskara ko. "kaya tumigil ka na sa pag iyak.Nag mumukha ba kong namamatay?ikaw nga namamatay jan eh."sabi ko naman sa kanya at binaba ang cloak ko. Ng makita niya ko tila natulala siya at napatigil sa pag iyak."really?hindi mo ito dugo?"tanong niya?why is he acting like this?so innocent and pure. "yes.Hindi sakin ito."buntong hininga ko naman. "then kanino?"tanong niya. "may mga assassin akong nakita bago ako makapunta dito."sabi ko at inalis ang cloak ko .Sabi ko aalis ako agad eh so why am I still staying here?! "I see."singhot naman niya."I can see you."tumingin naman ako sa kanya ng sinabi yun. "ano?malabo lang mata mo pero my mata ka padin."ngisi ko naman. "hindi yun.I mean I can see you clearly."ano?!akala ko pa poor eye sight siya? "really?"lapit ko sa mga mata niya."yeah,violet hair and eyes."iwas niya ng tingin.Napatingin ako sa polo niyang may mga stain na ng dugo dahil sa niyakap niya ko kanina. "sabi kasi sayo wag lalapit eh."sapo ko naman sa noo ko at kumuha ng isang damit sa closet niya. "don't joke about that again."mahinang sabi niya. "pft haha.Why not?"ngisi ko at bigay sa kanya ng polo. "just dont."he pouted. why is he acting ike a pure innocent child all of a sudden?why does he look so cute? "yeah.Oh ito yung cake."abot ko sa kanya nung basket. "thanks."ngiti naman niya.ha what?he smiled?!anong nangyayare?!!!hindi naman siya ganito dati ah? "yeah fine.Last na yan since dito na ko bukas."ani ko at umupo sa upuan sa harap ng piano. sinubukan kong tugtugin ito pero dahil di ko alam ay random lang mga pinipindot ko."really?"mukhang excited niyang sabi. "yeah at dadalo kadin sa meeting.susunduin ka ng kuya mo."ani ko naman habang tumutugtug nung piano. "do I need to?hintayin nalang kita dito."ani naman niya habang kinakain yung cake. "you need to.Sabi ng empress,meeting ng approval ng both family ito."explain ko naman. "ok fine."pilit niyang sabi. "gamitin mo nalang yung mask na binigay ko sayo bukas."ani ko naman at tumayo na.Napasulyap ako sa kanya at kita ko uli ang wolf ears niya sa ulo niya,its so adorable. "what is this?head band?"aalisin niya sana ng pinigilan ko siya. "don't."ani ko. "why?diba pang babae ito?"naka pout niyang sabi. damn it,stop being cute! umiwas ako ng tingin."pag tinanggal mo di ako babalik dito bukas."sabi ko naman. "hmmm?k fine."alis niya sa kamay niya sa head band at patuloy na kumakain nung cake. isa iyong chocolate ultimate fudge with chiffon cake na may mga edible gold flakes. Kita ko na ang mga mata niya ng maayos dahil sa head band . "why are you staring?gusto mo din?"tanong niya at inangat yung piece of cake."nope.I  don't like sweets."iling ko naman .Sinindihan ko nalang ang smoke pipe ko at nagtungo sa veranda upang di niya maamoy yung usok. "Aria?" "ano?" "nothing."ng sinabi niya yun tumingin ako sa kanya at nakita siyang nakaupo sa floor. "anong ginagawa mo?"kumunot naman ang noo ko sa nakita. "my head hurts."mahinang sabi niya.What?lumapit naman ako sa kanya at hinawakan siya.Ito rin yung isang dulot ng curse diba?inangat ko naman siya at pinahiga sa higaan niya. "ok.Pahinga ka na."ani ko at ayos sa pinag kainan niya at nilagay sa basket."Aria."napatangin ako sa kanya habang nakapikit siya. Mukhang masakit nga talaga ang ulo niya."yes?"I asked. "don't---------"naputol naman sasabihin niya. "what?"tanong ko.Malalim naman ang paghinga niya. "d-don't a-bandon m-e."mahinang ani niya.My heart aches ng marinig ko yun. parang may kumirot dito ng makita siya sa condition niya.Alam ko all his life lagi siya napag iiwanan.It must be really painful para sa kanya. "I wont.Andito ako until your last breath."hawak ko sa pisnge niya. "p-promise m-ee."mahina ang bosses niya at mainit ang katawan niya. napakagat ako sa labi ko.Habang iniisip kong kaya ko bang ipangako yun pero ng makita ko kong gaano siya naghihirap ngayon tila ba bumigat ang katawan ko. "I----I promise."bulong ko sa kanya.Kita ko naman ang pag kurba ng mga labi niya na naging slight smile.Kinuha ko ang panyo sa drawer niya at binasa ito ng tubig at piniga ito. Nilagay ko naman sa ulo niya yung malamig na panyo.Mukhang fever ang dulot ng curse na ito.Kita ko naman ang mga black roots na parang tumutubo sa pisnge niya at nasa leeg na niya.So ito yung curse? mukhang mas lalo itong dumadami sa pag lipas ng panahon.Tanging awa lang ba nararamdaman ko sa batang ito?naaawa ako haang iniisip kong gaano siya nag hihirap ngayon at paanong iniwan nalang siya ng lahat dahil sa curse niya. He looks so pathetic and weak.Na parang anytime mamamatay nalang siya.wala na kong magagawa upang tulungan ka,ang magagawa ko lang ay manatili sa tabi niya and to fulfill the promise.                       ******************************************************                                                                 >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD