********************************************************* >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
********************************************************* >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
EJIKIEL JAZ GOLDAMIER(CROWN PRINCE)
"prince?are you alright?" tanong naman ng empress at lumapit sakin at niyakap ako. Biglaan at kitang planado ang naging attempt a*******n dahil merong naglagay sa royal knights lahat sa harap lang ng palasyo.
to leave me unguarded.
Ang mga makakagawa lang naman ng utos na yun ay ang empress at ang limang queens eh. Well alam kong nagsisimula nasila ulit gumalaw dahil 18 na ko pero ang tanong, sino sa kanila?
"ayos lang ako, mother."ani ko at kumalas sa yakap at napasulyap sa mga taong nakatingin at nagaalala sakin.
"I am alright everyone!someone came to my aide and helped me." deretso kong sabi habang nasa harap nila.
"talaga? sino naman iyon? dapat mabigyan ito ng karangalan."rinig ko naman. Tama nga, kailangan neto ng karangalan sa ginawa.
"sa kasamaang palad, hindi ko nakita ang mukha o ang kulay ng buhok niya at tanging bosses niya lang ang naaalala ko."tuloy ko naman Habang inaalala ang nangyare.
"a mysterious knight saved the crown prince."
"it deserves a big prize!"
"find the mysterious knight ang gave him a reward."
kanya kanya nilang sabi. Napangiti ako ng marinig ang 'him' na word sa statement ng isa.
"unfortunately the mysterious knight isnt a guy."ani ko at naguluhan at nagulat ng mga tao.
"so babae? so rare! kaunti lang ang mga female knights at walang gannun kahasa sa kanila kaya naman di ako makapaniwala."
"paanong malakas ito? hindi bat inakala lang ng prinsipe na babae yun dahil di niya nga nakita ang mukha o buhok?"
"impossible naman. Walang babaeng kayang gawin iyon."
talagang mababa padin ang tingin sa mga babae. And its a worst prejudice for me."pls dont insult my savior everyone.If you say any more word about her, isa na itong crime insulting the imperial family."natahimik naman silang lahat at natakot sa sinabi ko.
"The lady knight . Siya yung nandoon ng wala lahat ng royal knights. So dont speak lowly of her. Everyone! find the lady knight!"declare ko naman at nag kneel sila lahat.
"yes your highness!"they exclaimed.
"you can all leave now."ani ko at inayos ang royal mantle ko. Tumingin naman ako sa mga queens sa gilid. Kung malaman ko lang kong sino sa inyo ang may plano nito I'll make sure you get executed.
"crown prince."kita ko din mga half brothers and sisters ko na nakatingin sakin. Nagkagulo kanina dahil sa nangyare pero mukhang medyo maayos na ngayon. Nakatingin ako kay Kylie , ang second prince na susunod sakin na mukhang walang pakialam.
"ayos kalang brother?" tumingin ako kay Kayline,ang panganay na babae." watch what your saying 1st princess. Call me crown prince."ani ko at nilagpasan siya.
I dont really care about those half brothers and sisters since my isa lang naman akong pure brother eh. Ano nga ba inaasahan mo pag anim asawa ng emperor? syempre iba iba lang nanay namin.Tsk kung ako na ang emperor I don't need many wives to aide me.
"thank goodness your fine."pahabol ng empress, ang nanay ko. Ngumiti nalang ako sa kanya.
ang alam ko lang kung bakit grabe alala niya ay dahil ako ang crown prince at panganay pero pag namatay ako sigurado magiging 1st queen nalang siya at hindi na empress. Parehas naming kailangan ang isat isa sa position namin.
since kapag wala naman siya ay hindi ako ang magiging crown prince kundi yung anak ng empress pero since si mom ang empress: ako ang crown prince..Gannun ang sistema dito. Ang lalakeng anak ng empress ang pwedeng umupo sa trono pero hindi ibig sabihin na hindi napapalitan ang empress.
competition yan laban sa limang queens, ang mga queens ay pwedeng umangat ang ranko depende sa taon, kulay ng buhok at s*x ng anak nila.
mas mababa ang ranko ng queen na puru babae ang anak at mas mataas sa lalake ang anak at ang mas mataas pa sa mga queens ay kung my silver haired na lalake silang anak.
1st queen-(Queen Merriam)ang anak niya ay si Kylie(2nd prince, 16), Lina(3rd princess, 14) at Shaine(7th princess, 8): orange hair lahat except sa prince na silver hair.
2nd queen-(Queen Canaria)ang anak niya ay si Jaycy(3rd prince, 13), Kayline(1st princess, 15) at, si Rose(9th princess, 6): dark pink hair lahat except sa prince white hair.
3rd queen-(Queen Arielle)ang anak niya ay si Jaerus(4th prince, 10), Yuna(2nd princess, 14) at si Janine(6th princess, 10): red hair lahat except sa prince na silver hair
4th queen-(Queen Marriana)ang anak ay si William(5th prince, 7), Annabelle(5th princess, 11) at si Katiana(10 princess, 4): light pink lahat except sa prince na white hair.
5th queen-(Queen Jasmine) ang anak ay si Marcy(4th princess, 12) at si Ailyn(8th princess, 7):all are blue haired.
mas mataas ang mas mababang numero.
Ang empress ang pinaka malakas sa kanila at ang my karapatang gawing next heir ang anak niya kaya yun ang gusto ng ibang queens, ang mamatay ako at yung anak nila ang susunod at sila ang magiging empress at pag nangyare yun ay magiging queen nalang si mama.
its competition to the throne.A crab mentality.
and a family you don't want to have since its a family without any LOVE. Your own blood doesn't always mean Your ally.
In royal family, it takes to sacrifice your own blood for the throne. And if that time comes, the stronger lives and prosper and the weak will perish.
and this is a life of a Royal. Its suffocating ,disgusting and selfish.
************************************************** >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
ARIADNE LAURIE CASTERO
"kumusta si Lillian?"tanong ko kaya Lorcel habang inaayus niya ang buhok ko.
"well nasa kwarto padin o siya. Sabi niya po masama pakiramdam niya."ahhh ok.
pagbaba ko sa dining hall ay kita ko sila dad na may kausap na bigla ding umalis."who's that dad?"tanong ko.
"a messenger from the royal palace came."snap! alam kaya nila ako yung nagligtas sa prince?
"ummm pwede ko po ba malama kong bakit?"ngiti ko naman at umupo na sa laging upuan ko.
"well pwede naman since alam nadin ng buong kaharian."napalunok ako, tama kaya ang hinila ko?
"in search sila sa isang mysterious knight."
"bakit po?" innocente kong tanong.
"she saved the crown prince." what? alam na nilang babae?!
"at ano po gagawin ?"
"well since niligtas niya ang prinsipeng naka in line sa throne. Isang malaking pabuya ang ibibigay kung mahahanap kong sino." nagulat ako sa narinig pero ine expect ko na din.
"ahhh gannun po ba?"ngiti ko nalang.
"oo at pinaghahanap na sa mga female knights ngayon kong sino."so akala nila isa itong female knight?
"whoever that was, they will be given a big award for their braveness." that's my goal afterall. Pero hindi muna ako pwedeng mag reveal sa ngayon since baka hindi nila ako paniwalaan.
I'll unmask myself pag di nila nahanap sa mga female knights ng kaharian. But that would take long, well it's fine.
"oh bat maaga ka daw umalis sa banquet kahapon?" tanong ni Ate.
"umm natapunan kasi ni Lillian yung gown ko so I decided na umuwi nalang."ani ko naman. Tumango nalang sila na mukhang kumbinsido din.
"hmmm.. My lady. Andito na mga libro na pinapakuha niyo." lapag niya sa mesa ko.
"mahilig po ba kayo sa mga matatamis? usually mga sour desserts kasi kinakain niyo."ani niya. Well hindi para sakin ito.
"well bago mag gabi mag schedule akong gagawing sweets or cake andito sa libro mga recipes. At kailangang e-remind mo ko sa mga schedule."
binuklat ko ang libro at nakita ang iba ibang cake, pastries at sweets. Di ko man alam kong bakit kailangan kong dalhan siya gabi gabi pero bahala na gagawin ko nalang.
"I'll be heading to the capital. May gusto akong bilhin."
"cge po. Ihahanda ko na lahat." agad niyang sabi at nagtungo na. Ininom ko na yung kape na tinimpla niya. Mahilig sila sa tea mas lalo na sa mga nobles pero dahil nakasanayan ko sa dating mundo ko yung kape at gatas lang hindi ko pa sinusubukan yung tea .
tinignan ko ang notes ko sa mga tao sa mundong ito na nasa alaala ni Ariadne at wala akong makita doon sa batang nag p-piano. Bakit kaya? sinubukan ko naman lahat upang maghanap doon sa mga nangyare na dati pero wala talaga.
pano naman nakilala ni Ariadne yun kong wala sa mga ala ala niya.yung iba din kasi medyo blurred din kaya di ko masuri ng maayos."my lady handa na ang kalesa ."tawag sakin ni Lorcel. Tumayo na ko at nagtungo sa labas.
ng makita ko si Lillian sa dining hall binigyan ko siya ng ngiti.hindi naman siya nag react at patuloy lang na kumakain mag isa. Mukhang nalungkot talaga siya sa nangyare kahapon.
Tsk wala pa nga yun sa gitna eh.
nagtungo na ko sa capital at nakita na ang madaming stalls. My cigarrettes na kaya sila dito? ng pumasok kami sa isang shop nakita ko yung owner na may hawak na umuusok. Cigar ba yun? lumapit naman ako."ano po yan?" tanong ko.
"interesado ka ba bilhan ang tatay mo? tobacco pipes ito."ohh so pipes pala? iba nga pala dito wala pa yung cigar na per stick, kundi dito ung tobacco nilalagay doon sa may parang maliit na lalagyan yung pipe ng tobacco at aapuyan lang .
wala eh ito lang andito."bibili po ako ng isa. At ituro niyo nadin po pano gamitin."ani ko at tumingin sa mga pipes niya na binebenta. May nakita naman akong maganda yung design at tinuro ito.
"wow nice choice. Best selling namin ito." abot niya sakin.
doon sa mundo ko nasa mga museum nalang mga ito eh. Ngayon ito ang uso. My mahaba itong pipe tapos parang maliit na butas lalagyan ng tobacco .
"ito ma'am. Lalagyan ang maliit na bowl niya ng tobacco. Kailangan right amount at kapag sisindihan na wag posposro ang gamitin as the sulfur alter the taste of the tobacco."abot niya sakin sa isang lalagyan ng tobacco at yung pipe na nasa box na niya.
"light it with this pipe lighter when you use it."abot niya lahat sakin. Binigay ko kay Lorcel at siya yung humawak sa lahat.
"bakit po kayo napabili ng pipe? ibibigay niyo po ba sa Count?"tanong niya.
"I'll use it. Its for me." bakit ba tanong kayo ng tanong kong para kanino?!"po?!" mukhang nagulat naman siyang para sakin yun.
ah naalala kong hindi pala nag tobacco pipes mga babae dito. Pero kasi nung nasa mundo ko pa ko dati ang stress reliever ko yung smoking ."san ba mahahanap mg parang masquerade masks dito?"tingin ko kay Lorcel.
"its this way. "lead naman niya.
"aww"daing ko ng may biglang bumangga sakin at buti nalang na maintain ko balance ko. Napatingin naman ako sa lalakeng nakacloak kaya di ko kita ang mukha.
"sorry."ani nito at umalis. Sino naman yun?
"ma'am dito po."napasulyap ako kay Lorcel na nasa harap na ng isang stall. Lumapit ako dito at naghanap ng pwede kong mask.
"bakit po gusto niyo ng mask? wala naman pong masquerade party."ani naman niya.
tinignan ko naman mga mask.gawa siya sa thin clay. Ang unang napansin ko ay ang puting fox mask na may mga red at black patterns. My tali ito sa magkabilang gilid at ang mask ay hanggang sa pisnge at ilong kaya naman kita na ang chin at bibig.
ayos din ito upang makahinga ng maayos."kukunin ko po ito."angat ko naman dito."ahhh bagay sayo yan ma'am."ani niya at inabot ang bayad. Nagtungo na kami sa mansion pagkatapos naming mabili mga yun.
********************************************** >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
"na pack mo na ba yung slice ng cake?" tanong ko kay Lorcel.yes magsimula ako mag bigay tig isa muna.
"yes ma'am. Nasa maliit na basket na." tumingin naman ako sa basket na maliit at lumapit kay Lorcel.
"kapag may pumunta sa room tell them I am asleep." turo ko sa mga unan na nilagyan ko lang ng kumot na mukhang ako na natutulog.
"yes ma'am. I'll cover you."kumindat naman siya.
"your the best Lorcel."tap ko sa shoulder niya.
"you can count on me." pahabol niya ng dumaan ako sa veranda gamit ang isang tali.
si Lorcel lang talaga ang kakampi ko sa bahay na ito . Kasi in the past ay siya yung napaparusahan kay Ariadne at napalayas pa eh pero dahil nalaman ko na ang totoong nasa side niya ko ay siya lang yung personal maid ko talaga.
pagbaba ko sa veranda nag wave siya sakin. Nag wave nadin ako at sinuot na ang cloak ko at nagtungo sa mga kabayo sa mansion na nasa mga cell nila. Hinaplos ko naman ang yung puting kabayo at dahan dahan siyang pinalabas sa cell niya.
ito yung kabayo ni Ariadne simula palang nung 10 siya."meheheh~"kinuskos naman niya yung ulo niya sa pisnge ko.
Wahhhh so sweet! umapak na ko sa stirrups(A stirrup is a light frame or ring that holds the foot of a rider, attached to the saddle by a strap) at nag hop paupo sa saddle.
"lets go."haplos ko sa buhok niya at nagsimula na siyang maglakad palabas nung barn house. Binilisan ko ng konte ang kabayo at upang hindi makulog kulog ng husto ang cake. Suot ko ang mask na binili ko kanina.
alala ko pa yung dinaanan ko sapagkat pareho sila ng way sa palace.gabi nadin at may dala akong isang maliit na lamp .
Tsk gusto ko nalang matulog pero dahil nga wala pang sinasabi si Ariadne sa panaginip ko since di ko pa nagagawa yung sinasabi niya kaya napilitan ako magpunta ulit sa abandoned mansion.
sa di kalayuan sa mansion ay tinali ko sa isang puno yung kabayo ko.
"stay here Amore." oo yun yung pangalan niya. Kinuha ko na yung basket at chineck ito. Hays buti nalang di nasira dahil my mga mga cloth sa paligid nito at hindi siya mababangga bangga.
nagtungo ako palihim sa mansion dahil wala namang guard. Tahimik at wala paring masyadong tao dito. Nagtungo ako sa kung san ko siya nakita dati. Medyo bukas ang pinto pero wala na kong naririnig na piano.
pasulyap ako. Kita ko siyang nakahiga kaya naman pumasok ako ng taimtim habang nilagay yung cake na may cover sa mesa niya. Mukhang tulog siya ah. Naka side siya kaya naman di ko kita ang mukha niya. Ang kapansin pansin talaga ay yung silver na buhok niya.
napatingin ako sa paligid at kitang mukhang walang naglilinis dito. My mga stains din sa floor na mukhang natapunan ng kung ano na hindi nalinisan. My maids naman siya pero parang wala namang nag aasikaso sa kanya.
my medyo mahabang kahoy naman sa gilid ng kama niya. Para san naman ito? "hmmm?" napaatras ako ng gumalaw siya at nahiga ng deretso. Hindi ko kita ang mga mata niya sapagkat napakahaba ng bangs niya na hanggang mata niya.
ng makita ko ang mukha niya my nakita akong itim na parang ugat sa left cheek niya at bigla namang kumirot ang ulo ko dahilan na napasapo ako dito. Agad na kong lumayo sa bata at lumabas sa kwarto niya at sinara ito.
"ahhhh."mahinang daing ko habang mahigpit na hinihimas ang ulo ko. Anong nangyayare? ng makita ko ang mukha niya tila ba my tumusok sa ulo ko.
mariin akong napapikit at kita ko sa isip ko ang mga larawan na nahuhulog dito. Mga kasama sa alaala ni Ariadne na di ko pa nakikita. Ano mga ito? kita ko yung bata na nakita ko kanina. Ngayon ko lang siya nakita sa alaala ni Ariadne.
kasi blurred lang ito dati. Nagpakita sa utak ko ang execution day ni Ariadne at sa kabilang execution platform nakita ko ang isang lalakeng kamukha nung bata, oh pareho ba itong tao?
what? so that kid was also the boy villain! and in the past, he was executed too! the same with Ariadne.
I can't believe this!
ang hindi ko lang maintindihan ngayon, ay kung bakit siya na execute din? at sino ba talaga siya? isa ba siyang prinsipe? at bakit andito siya nakatago mula sa ibang tao?
andami kong katanungan pero napaisip ako. Kaya ba pinapapunta ako ni Ariadne dito upang maalala ang tungkol sa batang ito?
kung yun nga , I want to know everything.
**************************************** >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>