TBTL 7 [ANNIE'S] Hindi siya mapalagay habang nakahiga siya sa kaniyang kama. Parang namamahay siya dahil kanina pa siya pabaling baling, kaliwa't kanan. Hindi rin siya makatulog. Ewan ba niya sa kaniyang sarili. Kanina pa siya ganito. Hindi siya mapakali at ang lakas ng t***k ng kaniyang puso. 'Ano ba heart! Kalma na! Huhu' Mahinang pakiusap niya sa kaniyang puso. Di niya alam kung bat siya nagkakaganito. Kung bat ganito kalakas ang t***k ng kaniyang puso. Dahil ba sa nakita niya ang sexy body ni Cloud o dahil sa ginawa ni Cloud sa kaniya kanina habang kumakain sila?? Nagmamadali siyang bumaba sa kusina ng makahupa na siya sa mabilis na t***k ng kaniyang puso. Dali dali siyang kumuha ng tubig at uminom. Pakiramdam niya kasi ay tila nauhaw siya sa nangyari kanina. Pagka