TBTL 10 [Kiona's] "Gurl wag kang makulit, kami na. Stay put ka lang diyan." Ani niya kay Annie habang nagkaupo ito sa nakatakip na toilet bowl sa cr nito. "Oo nga bessie. Kami na magpapalit sayo." Sang-ayon naman ni Kyoko sa kaniya. Nagpupumilit kasi si Annie na siya na mismo ang magpapalit ng damit sa sarili nito ang kaso di naman kaya nito dahil hinang hinang ito. Sa sobrang hina ng katawan nito ay pinagtulungan pa nilang buhatin magkakambal ang babae papasok sa banyo. "A-ako n-na... K-kaya k-ko.." Nanghihinang saad nito sa kanila. Napairap naman siya dito. Kahit may sakit ang tigas pa din ng ulo nitong babaeng to. "Annie kulit ah? Look at yourself, nanghihina ka, you can't even walk in your own. Binuhat ka pa nga namin kanina tas sasabihin mo kaya mong magpalit ng damit