[Celestina's POV] Namangha ako sa ganda ng lugar napakalawak ng Villa ng mga Monteclaro. Sa loob niyon ay may tatlong naglalakihang bahay ang sabi ni Migs ang nasa gawing kanan daw ay kay Dylan ang sa kaliwa ay sa akin, hindi pala! Kay Georgina pala! At ang sa gitna ay ang bahay ng mga magulang nila dati ang nasa gitna lang daw na mala palasyo sa laki ang bahay na nakatayo duon pero five years ng nakalilipas ng ipinatayo ni Dylan ang bahay niya para bumukod at makalipas ang dalawang taon napagdesisyunan din ng mag asawang Monteclaro na patayuan ng sariling bahay si Georgina ng sa gayon kapag uuwi siya ay meron siyang matitirahan kasama ang kanyang pamilya. "You are so beautiful sweety! I could look at you forever! You look like an angel. " Humahanga ang mga tingin ni Migs sa akin, bah