Celestina's POV
Lahat sa napakalaking bahay na ito ay estranghero para sa akin, wala akong ibang pinanghahawakan kun'di ang pagiging magkamukha namin ni Georgina.
No'ng una, talagang ayokong sumama kay Migs, pero naisip ko na kapag nakalabas na ako ng ospital ay wala na akong ibang mapupuntahan. Kung babalik naman ako sa amin tiyak na katakot-takot na bugbog na naman ang matatanggap ko buhat kay
Tiya Nena at ang malala pa dun, kung hindi ako tuluyang ma-rape ni Tiyo Kardo ay siguradong mapapatay na niya ako at sobrang ikinakatakot ko ang posibilidad na iyon, kaya kahit alam kong mali ay pikit mata kong niyakap ang pagiging si Georgina Monteclaro Solano.
Pero paano kung bigla na lang bumalik ang tunay na Georgina?
Ano ang mangyayari sa akin?
Iyan ang araw-araw na bumabagabag sa aking isipan. Multong aking kinatatakutan. Dalawang araw na ako dito sa Mansion at masasabi kong napakaswerte ng Georgina na iyon dahil napaka perpekto ng buhay niya. Mayaman, maganda, may cute na cute na anak, may napakagwapong asawa, saksakan pa ng yaman at higit sa lahat sobrang mahal na mahal siya.
Ito ang buhay na pinangarap ko, pero hanggang pangarap lang naman iyon dahil alam kong suntok sa buwan ito at 0.1% percent lang ang posibilidad na magkatotoo. Ganun pa man ay naranasan ko siya ngayon na parang isang napakagandang panaginip. Ngunit, kahit hiram ang mga oras na narito ako ay masasabi kong parang swerte na rin.
Huh! Bahala na si Batman.
Hindi ko muna iisipin ang konsinkwensa ng malaking kasinungalingang ginawa ko.
"Mommy! Mommy! Mommy!"
Natigil ako sa malalim na pag-iisip ng lumapit sa akin ang napaka cute at bibong si Kyle. Tisoy na tisoy ang batang ito at mamula-mula pa ang kutis. May bitbit siyang kung ano na itinatago sa kaniyang likuran, kasunod nito ang kaniyang yaya na si Mina.
"Kyle!" Masaya ko itong sinalubong ng yakap, dalawang araw palang ako rito pero pakiramdam ko ay matagal ko nang kasama ang batang ito. Napakagaan ng loob ko sa kaniya at sa ilang araw na nakilala ko na ito ay natutunan ko agad siyang mahalin.
"Look, Mommy! I have something for you." Nakakatuwa ang boses niya habang sinasabi iyon. amagta-tatlong taon pa lang naman siya pero matatas nang magsalita at dahil ipinanganak at lumaki sa Amerika ay english speaking ito, pero ang nakakatuwa roon ay nakakaintindi naman siya ng tagalog.
Itinaas nito ang kanang kamay na kanina pa niya itinatago sa kanyang likuran. Isang puting rosas ang tumambad sa akin na mukhang kapipitas lang sa garden.
"Para sa akin talaga ito?" hindi makapaniwalang tanong ko habang inaabot ang talulot ng bulaklak mula rito.
"Hmm... yes!" Ang inosenteng ngiti na iyon ay lalong nagpapalambot sa aking puso. Bahagya akong yumuko upang magpang abot kami at pagkatapos ay pinupog ko ito ng halik sa pisngi. Hindi ko iyon mapigilan dahil napaka-cute niyang talaga at ang bango-bango pa.
"Ang sweet-sweet naman ng baby ko. Thank you anak! Napakasaya ni Mommy," sinserong sabi ko.
"How about my kiss?"
Huh!
Sabay kaming napalingon ni Kyle sa aming likuran.
"Daddy! Daddy!" Naglulundag sa tuwa ang bata ng makita ang kaniyang ama.
Agad naman siyang binuhat ni Migs.
"How's your day, baby?" Bahagyang pinisil ang pisngi ng anak.
"Good, Daddy! Let's play.. . let's play!"
Tinakpan ng maliliit niyang kamay ang mata ng kaniyang ama.
"Okay... okay! We're going to play but you have to remove your hand first, Daddy sees nothing." Nagkunwari pa itong walang makita.
"Yehey... put me down Daddy! I'll go and get my airplane." Mabilis itong kumawala sa ama at nagtatakbong tinahak ang daan papunta sa kaniyang silid.
"Kyle… wait for me!" Habol ng yayang si Mina.
__
"How are you, Sweety?"
Napakislot ako nang magsalita si Migs, nawala ang atensyon ko kay Kyle at sa kaniyang yaya.
Niyakap ako nito sa aking likuran dahilan para ako ay matigilan. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kaniya kung hindi ay makikita nito na pulang-pula ang aking mga pisngi. Kahit kailan hindi ako magiging komportable na mapalapit kay Migs. May hindi maipaliwanag na pakiramdam kapag nagdidikit ang katawan namin. Pakiramdam na parang kumikiliti sa kasuluksulukang bahagi ng aking katawan. Gusto kong isa walang bahala ang aking nararamdaman dahil iyon naman talaga ang tama, pero paano ko maiiwasan kung patuloy naman ang pagiging malambing sa akin ng lalaking ito?
"O-okay naman na ako! Wala na ang benda ko sa ulo at pakiramdam ko ay bumalik na ang dati kong lakas," sagot ko.
"That's good to hear!"
Bumitiw ito sa pagkakayakap sa akin hinawakan ako sa magkabilang balikat at pagkatapos ay pinihit ako paharap sa kaniya. Napansin nito ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa aking mukha, hinawi niya ang mga iyon at masuyong isinabit sa likod ng aking tenga.
Bahagya akong napayuko ng mag salubong ang aming mga mata. Hindi ko kayang tagalan ang malalagkit na tingin niya, sobrang nako-conscious ako sa aking sarili.
"You've changed a lot, Sweety and I love the new you." Ginagap naman nito ang kanang kamay ko, itinaas iyon at inilapit sa kaniyang labi para gawaran ng halik.
Hindi ko inaasahan ang ginawi niya kaya naman pinamulahan uli ako ng pisngi.
"Please don't get back to the old you!"
Nakikiusap ang mga mata nito.
Haay...
Dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko mapigilang makisimpatya sa nararamdaman niya.
Wala akong alam kung paano mamuhay ang totoong Georgina. Hindi ko alam kung paano niya tinatrato si Migs at bakit ganito na lang ito kung magsalita at makiusap?
"I'm sorry!"
Ewan ko ba kung bakit ako nanghihingi ng paumanhin sa kaniya pero, pakiramdam ko kailangan kong sabihin iyon para mas gumaan pang lalo ang kalooban niya.
"Don't be sorry, Sweety. I try my very best to understand you. I like everything about you and I love you even in your worst."
Tsh! Ano ba'ng gayuma ang ibinigay ng Georgina na 'yon sa lalaking ito at ganun na lang siya kapatay na patay rito? Biruin mo pati yung worst niya ay mahal daw nito.
Sige... Ikaw na nga ang pinaka swerteng babaeng lahat. Nasa iyo na ang korona.
Natigil lang kami nang humahangos na lumapit sa amin si Kyle.
"Be careful, Baby... don't run!" nag aalalang saway ni Migs sa exicited na anak.
"Two airplane! One for me and one for Daddy. Let's fly! Let's fly!" Sobrang excited talaga niya habang hinahatak ang ama papunta sa malawak na hardin.
Sumunod lang kami ng yaya nito sa kanila.
Nagkasya ako sa panonood sa mag ama habang nakaupo sa swing. Sa tapat kong upuan ay naroon din si Mina na giliw na giliw sa pagmamasid sa dalawa.
"Ang saya po nila, ano, Ma'am
Georgina?" Nagulat na lang ako ng biglang magsalita ito.
"Ah, oo nga... nakakatuwa silang
tingnan," sang ayon ko naman.
"Mas masaya po sila ngayon kaysa
dati," wala sa sariling naibulalas nito.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Po! Ah-eh... wala po, Ma'am," tarantang sagot naman nito.
"Ano nga 'yon?" ulit tanong ko.
"Eh, Ma'am kasi po, hindi naman kayo tumatagal ng bahay. Lagi po kayong umaalis, wala po kayong time sa kanila, kapag nasa bahay naman po kayo iritado po kayo, lagi kayong galit. Sobrang laki po nang ipinagbago ninyo ngayon, kaya po masayang masaya sila." Napatutop ito sa sariling bibig.
"Nakup__! Sorry po, Ma'am!" yuko ang ulong paumanhin nito sa akin.
Bahagya akong ngumiti, assurance na hindi ako nagagalit sa mga binitiwan niyang salita.
"Mina."
"Bakit po, Ma'am?"
"Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong klase akong tao no'ng hindi pa ako na-aksidente? Wala na kasi akong matandaan na kahit na ano tungkol sa akin. Sabi ni Migs mula nang ipinagbubuntis ko si Kyle, hanggang sa mag decide kaming magpakasal at tumira sa Chicago ay kasama ka na namin kaya tingin ko kilalang kilala mo na ako. "
"Naku po, Ma'am!" tarantang nanulas sa bibig nito. "Ayoko po baka magalit kayo sa akin," may takot sa tono ng boses niya.
Sunod-sunod ang aking naging iling.
"Hindi ako magagalit promise!" Itinaas ko pa ang aking kanang kamay.
"Sabihin mo lang lahat ng nalalaman mo tungkol sa akin, makakatulong 'yon para tuluyan na akong gumaling," pangungumbinsi ko.
Gusto kong malaman kung sino nga ba si Georgina para magkaroon ako ng idea kung paanong aakto sa harapan nilang lahat. Hindi ko naman sinasabing tutularan ko ang pagkatao niya. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng basehan para mas epektibo ang aking pagpapanggap.