[Celestina's POV] Sinisimulan ko ng ipinta sa canvass ang larawan nila Migs at Kyle na nakatatak na sa aking isipan, eksenang nagpapalipad ang dalawa ng remote control na eroplano sa malawak na solar ng mansion, unang beses na nakita ko kung gaano kasaya ang mag ama. Simula pa nuon mahilig na akong magdrawing at pangarap ko talagang magpinta wala lang akong sapat na pera para makabili ng gamit para duon, pero ngayon sa attic ng mansion, malaya akong nakakaguhit ng may pagmamahal isang munting regalo na gusto kong iwan sa mag ama bago ako umalis, isang linggo na lang at magpapaalam na ako sa kanila. Sumisikip ang aking dibdib habang iniisip iyon, kung pwede lang hindi na matapos ang oras na kasama ko sila. Isang oras.. Dalawang oras... Tatlong oras.. Apat na oras.... Sa waka