[Celestina's POV] Nagising akong napapaligiran ng puti ang buong lugar. Huh! Nasaan ako? Pabalikwas akong bumangon buhat sa puting-puting kamang aking kinahihigaan. Inilinga ko ang aking mga mata sa paligid ng maramdaman kong bukod sa akin ay mayroon pang ibang tao sa silid na iyon, ng ibaling ko ang tingin sa aking gawing kaliwa. May tao nga! Nakaupo ito sa plastic na upuan samantalang ang ulo niya ay nakasubsob sa gilid ng aking kama, himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Hindi ko napigilang haplusin ang inosente nitong mukha habang mapayapang natutulog dahilan para naman unti -unti siyang magising. "I---ina! " Papungas-pungas na bumangon ito, puno ng pag aalala ang mukha niya. "Gising kana! Kamusta ang pakiramdam mo? Anong masakit sayo? Nagmamadali at sunod-sun