[Ina's POV] Matagal-tagal na rin simula ng makaalis ang kotse ni Tyke. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig sa kawalan. Kaya naman ipinilig ko ang aking ulo at agad akong lumakad papunta sa direksyon ng malaking bahay para maglinis, sisimulan ko ng magtrabaho habang maaga pa. Pagpasok ko sa loob kung saan ay naroon ang sala ay sobra akong nagulat sa aking nakita, hindi ako lubos makapaniwala at hindi ko inaasahang makikita ko iyon dito. Totoo ba ito? hindi ba ako nanaginip? Pero bakit? Ipinikit ko ang aking mga mata at idinilat ginawa ko iyon ng paulit-ulit ngunit na nanatili parin siyang naroroon. Bigla akong napaatras. Paanong???..... Ang painting na regalo ko dapat kay Migs nung kaarawan niya na naiwan ko sa Maynila at hindi ko naibigay sa kanya ng pers