[Celestina's POV] Excited si Kyle nang marinig ang kotse ng kanyang ama na pumapasok sa gate ng mansion. "Daddy! Daddy!" tili nito. "Huwag mong salubungin, anak, dito na lang tayo maghintay kay Daddy," saway ko, akma kasing tatakbo ito para salubungin ang sasakyan at lubhang delikado iyon. "Okay!" Nakakaintindi namang tumigil ito, tumabi sa akin at humawak sa kanang kamay ko. Nginitian ko siya at bahagyang pinisil ang maliit at malambot nitong palad. Habang tinatanaw namin ang papasok na sasakyan sa garahe ay natigilan ako nang mapansin kong may kasunod pa ito na isang bagong-bago at mukhang mamahalin na puting kotse. Sino kaya ang may ari ng sasakyang iyon? May kasama palang bisita si Migs at hindi man lang nagsabi para nakapaghanda naman ako ng masarap na hapunan. H