Alas-kuwatro ng hapon matapos ang klase ni Yuri, naglakbay siya kasama ang kanyang kapatid at ilang mga bata na kapitbahay lang din nila pauwi ng bahay.
Masaya na naglalakad ang mga ito sa daan habang naglalaro ng habulan upang hindi mapansin ang pagod sa paglalakbay na halos dalawang kilometro ang layo.
Araw-araw ito ang kanilang ginagawa: kapag hapon, naglalaro habang naglalakad pauwi ng kanilang bahay.
Sabado na, araw walang pasok, alas singko ng hapon.
"Yuri, anak, bumili ka ng gas at asin sa tindahan. Wala tayong gagamitin na gas na ilalagay sa ilawan mamayang gabi," utos ng kanyang nanay na si Helena, kasabay nito binigay ang pera sa kanya.
Agad naman itong kinuha ni Yuri ang 20 pesos na pera at naglakbay sa daan na halos dalawang kilometro ang layo. Mabilis naglalakad ang dalagang si Yuri patungo sa tindahan, ngunit sa kalagitnaan ng masulok na kagubatan ay nahinto ito sa paglalakad nang makasalubong niya ang kanyang tatay na si Mariano pauwi ng bahay, bitbit ang isang sako na may laman na bigas, isda na ulam, tinapay, kape, at iba pa na kailangan sa bahay.
"Oh! Saan ka pupunta, Anak?" tanong ni Tatay Mariano sa dalagang si Yuri.
"Tay, inutusan kasi ako ni Mama na bumili ng gas at asin sa tindahan," sagot ng dalaga, at dali-daling umalis sa harap ni Tatay Mariano.
"Sandali lang, Yuri," sambit ni Tatay Mariano na kaagad ikahinto ng dalaga sa paglakad.
"Tay, bakit? Ano po 'yon, Tay?" diretsong tanong ni Yuri, kasabay nito ang paglingon sa kanyang Tatay Mariano.
Lumapit ang Tatay Mariano kay Yuri saka siya inabutan ng pera na higit sa isang daang piso.
"Para saan po ito, Tay?" takang tanong ng dalaga.
"Baon mo sa loob ng isang linggo."
Ho! Pero Tay, 2 pesos lang po ang baon namin sa bawat araw na binibigay ni Mama. Baka malaman ni Mama na binibigyan mo ako ng maraming pera; magagalit siya sa akin. Hindi ko tatanggapin ang perang ito, Tay. Ibigay mo na lang kay Mama ang pera.
Pero anak, para sa'yo talaga itong pera. Kunin mo at itago. Agad naman kinuha ni Yuri ang pera kay Tatay Mariano at saka nagmamadaling umalis sa harapan nito at saka tinungo ang tindahan.
Pagdating niya, "Manang, pabili po ng gas at saka asin," diretsong sabi ni Yuri sa klerk ng tindahan. Agad binigay ng tindera ang binili niyang gas at asin.
Muling naglalakad na naman si Yuri sa daan pabalik ng bahay nila. Mabilis at malalaki ang kanyang mga hakbang dahil lumulubog na ang Haring Araw, at madilim ang kanyang dinadaanan na nasa gitna ng malawak na kagubatan. Patakbong umuwi ang dalaga dahil sa takot na makarinig ng iba't ibang tunog ng mga hayop ngunit napahinto siya sa gulat nang may biglang sumulpot sa harapan niya.
T-Tay, ikaw pala, diretso sabi ni Yuri.
Oh! Ano, nabili mo na ba ang pinabili sa iyo ng mama mo? Tanong ni Tatay Mariano sa dalaga.
Oo, Tay, nabili ko na. Sagot naman ni Yuri sa kanya.
Muling naglakad ang dalawa sa gitna ng gubat hanggang bigla na lang siyang niyakap ng mahigpit at kaagad na hinaplos ang kanyang katawan, na pilit pinapasok ang kamay nito sa damit ng dalaga.
"T-Tay, wag po," mahinang sabi ng dalaga na si Yuri habang pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Tatay Mariano sa kanyang katawan habang hinahaplos nito ang maburol nitong dibdib.
"Tay, masakit po, wag po," pagmamakaawa ni Yuri dito. Ngunit nahinto ang ginagawa ni Tatay Mariano nang makarinig sila ng mga yapak ng paa palapit sa kanila.
Muling nagpatuloy ang paglalakad ng dalawa, mabilis at malalaki ang hakbang ng dalagang si Yuri hanggang marating nila ang bahay.
"Ma, ito na ang gas at asin na pinabili mo sa akin," diretso sabi ni Yuri sa nanay nito pagkadating niya sa kanilang bahay.
"Salamat, anak. Oh! Bakit ganyan mukha mo? Para kang binaksakan ng langit. May nangyari ba sa iyo, anak? Basang-basa ang damit mo, para kang naliligo. Mas mabuting magpalit ka ng damit; baka magkasakit ka."
"Ma, si Tatay kasi..." Biglang naputol ang pagsasalita ng dalagang si Yuri nang makita niya si Tatay Mariano na nakatayo at pinagmamasdan siya.
"Ano naman ang tungkol kay Tatay mo, anak?" Tanong ni Mama Helena sa kanya.
"W-wala po, Ma," sagot ng dalagang si Yuri nang makitang tumaas ang kilay ni Tatay Mariano sa kanya.
"Sige na anak, magpalit ka na ng damit para makakain na tayo."
"Opo, Ma," sagot ni Yuri at agad na umalis sa harapan niya at tinungo ang kwarto. Agad na hinubad ni Yuri ang t-shirt at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay tumalikod na siya para lumabas ng kanyang silid ngunit napatigil siya nang makita niya si Tatay Mariano na nakatayo at pinagmamasdan siya. Ang kanilang mga kwarto ay walang pinto at ang nagsisilbing pinto ay puro kurtina lang.
Muling naramdaman ni Yuri ang takot nang makita niya si Tatay Mariano habang nakangiti ito sa kanya, isang ngiti na hindi niya maipaliwanag.
Mabilis na naglakad si Yuri patungo sa kusina at saka umupo sa isang upuan. Agad niyang kinuha ang kutsarang nasa plato niya at kumuha ng kanin at ulam.
"Pagkatapos ng kanilang pagkain."
“Auntie Helena, pinapunta ako dito ni Mama para sabihin sa iyo na magsusugal kayo ni Mama kina Auntie, Daday, at Auntie Lapyo,” sabi ng batang si Evelyn.
"Sige, Evelyn, sabihin mo sa Mama mo Kareng na pupunta ako mamaya pagkatapos ko dito," sagot ni Mama Helena. Agad na umalis ang batang si Evelyn.
"Yuri, anak, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha. Matulog ka na ng maaga," mariing bilin ni Mama Helena kay Yuri bago ito umalis at pumunta sa kabilang bahay. Pero hindi nagtagal, sumunod din si Yuri kay Mama Helena niya sa kabilang bahay.
Yuri, anak, anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko matulog ka ng maaga? Sabi ni Mama Helena habang may hawak na card.
"Ma, sabay na tayong umuwi mamaya. Manonood ako dito habang nagsusugal kayo nila Auntie," sagot ni Yuri.
"Pabayaan mo na si Yuri, Auntie Helena. Maaga pa naman," sagot ni Auntie Kareng.
Sina Kareng, Daday, at Lapyo ay mga anak ni Mariano sa kanyang unang asawa na pumanaw ilang taon na ang nakararaan.
Makalipas ang ilang oras, muling nagsalita si Mama Helena na uuwi na si Yuri.
"Ala-una na ng umaga, Anak, umuwi ka na at matulog ka na," muling sambit ni Mama Helena sa dalagang si Yuri.
"Ma, dito lang po ako."
"Anak, anong problema? Sabihin mo sa akin. May nangyayari ba na hindi ko alam? Huwag kang matakot, nanay mo ako. Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari sa iyo. Hindi ka naman ganyan dati."
"Ma, kasi...
"Helena, pwede ba tumigil ka na sa pagsusugal mo diyan," sabi ni Tatay Mariano na biglang sumulpot sa harapan nila.
"Tay, mamaya na. Naglalaro pa kami ni Auntie Helena," sagot ni Kareng sa kanyang Tatay Mariano.
“Bahala nga kayo diyan,” sagot naman ni Tatay Mariano kay Kareng.
"Yuri, umuwi ka na at matulog. Huwag mo nang hintayin na matapos ang nanay mo sa pagsusugal," sabi ni Tatay Mariano.
"Ma, dito lang po ako. Hintayin ko po kayong matapos," ani naman ni Yuri na napakapit sa braso nito.
"Ano ba, Yuri? Uulit-ulitin na lang ba natin itong usapan? Ano ba talagang nangyari sa'yo?"
"Huwag mo namang sigawan ang bata, Helena. Gusto lang naman ng bata na kasama kang umuwi. Pwede bang tumigil ka na sa pagsusugal? Kapag hindi kayo tumigil, gigibain ko ang mesa iyan," galit na boses na sabi ni Tatay Mariano. Agad silang tumigil sa pagsusugal at umuwi ng bahay.