Torpe
By Michael Juha
------------------------
Hello! Ito po ba iyong telepono sa ATM machine ng XXX bank?
Opo. Ito nga po. May problema po ba kayo sa ATM ninyo, sir?
Wala naman.
Ano po ang problema niyo po at napatawag po kayo sa ganitong oras ng gabi?
Kaw ba iyong guard na nakaduty na kanina d’yan mga alas 5:00 pa ng hapon?
Opo, ako nga po.
Iyong matangkad na moreno, na parang may lahing Arabo, guwapo?
Pinatawa niyon naman po ako Sir. Ano pong atin?
Wala lang. Di kasi ako makatulog. Gusto ko lang na may makausap. Ok lang ba?
Eh… s-sige po. Wala naman ding tao dito sa area ko, nag-iisa lang ako. Ok lang po.
Kaw naman, huwag mo na nga akong po-puin. Gerry ang name ko. Gerry na lang ang itawag mo sa akin. kaw?
Marbin.
Alam mo, palagi akong pumupunta d’yan sa banko ninyo dahil sa mga business transactions ko…
Ah… kayo ba iyong may puti at minsan ay itim na lexus na kotse?
Oo, ako iyon. Natatandaan mo pa rin pala ako.
Oo naman. Halos weekly ka kayang nagpupunta sa aming banko.
Oo, kailangan eh.
Nakausap ko pa nga ang driver mo minsan.
Ano ang sabi niya?
Mabait ka raw na amo. Parang barkada lang ang turing mo sa kanya at sa iba mo pang kasambahay.
Talaga? Sinabi niya iyon?
Oo.
Hindi niya sinumbong na sinisipa ko siya kapag may topak ako?
Hindi naman. May ganoon pala talaga?
Joke lang.
Akala ko, totoo eh.
Hindi, mababait ang mga kasambahay ko at iyang driver ko kaya pinahalagahan ko ang mga iyan.
May alaga rin daw kayong dalawang tigre?
Oo.
Ang galing! Mahilig din kasi ako sa hayop eh.
E, di kapag magkaibigan na tayo, punta ka rito sa bahay para makita mo ang mga alaga ko…
(Awkward silence)
B-bakit niyo pala naisipang dito tumawag? Sa lahat ng puwedeng tawagan…?
Bakit ayaw mo bang maging kaibigan ako?
O-ok lang naman…
May girlfriend ka na ba?
Mayroon na… sana. Nasa Canada, nurse. Pero wala na kami. Nitong huli, nakipagbreak na siya sa akin dahil napamahal na raw siya sa aking kaibigang nurse na nasa abroad din sa parehong ospital na tinatrabahuan niya. Trinaydor nila ako. Tsk tsk. Ang sakit lang.
Mahal mo siya?
Oo naman. Pero syempre, kapag ganyang ayaw na sa iyo noong tao, anong magagawa mo?
May iba bang nagpaparamdam ba sa iyo na type ka nila?
Mayroon din naman.
I mean, sa bakla?
Mayroon na rin.
Naka experience ka na?
Iyong kapitbahay namin, labing-limang taon lang ako noon. Nag-inuman kaming magkabarkada sa cottage ng isang beach at nalasing ako. Nakatulog ako. Nagising na lang ako nang may gumalaw sa pagkalalaki ko.
Pinaubaya mo?
Oo, nasarapan na ako eh, hehe. At naging karelasyon ko iyon ng isang taon din.
Mahal mo ba siya?
Hindi ko alam eh. Pero sa panahong iyon ay nami-miss ko siya kapag hindi ko nakikita. Joker kasi iyon, at palagi akong pinapatawa. Pero higit sa lahat, mabait siya at maalalahanin. Iyan ang nagustuhan ko sa kanya.
Paano kayo nagkahiwalay?
Lumayo siya dahil nakahanap ng trabaho sa Japan. Nag-Japayuki. Siguro, marami nang Hapon ang natikman, marami na ring pera.
Wala na kayong contact?
Wala na…
Kung sakaling makipagbalikan siya sa iyo, papayag ka?
Hindi na siguro.
Hindi mo na siya mahal?
Parang wala na eh.
Kung sakaling may magparamdam sa iyong ibang bakla, papatulan mo ba?
Eh… H-hindi ko alam.
Ngayon ba ay may mga nagpaparamdam sa iyo?
May iilan din.
Guwapo ka kasi…
Hindi naman. Tamang dating lang, hehe.
Kuwento ka naman.
Woi. Mamaya, nakarecord pala itong lahat na pinag-uusapan natin at i-blackmail mo ako. Huwag na lang. Nakakahiya…
Ito naman. Anong makukuha ko kung gagawin ko iyan sa iyo? Mayaman k a ba? Artista ka ba? Pulitiko ka ba? Pakikipagkaibigan lang naman ang habol ko kung bakit tumawag ako at nakikipagkuwentuhan sa iyo. Wala akong masamang balak at hindi ako masamang tao.
Sure ka?
Oo naman. At ako rin naman ay magku-kuwento rin tungkol sa sarili ko sa iyo, iyan ay kung makikinig ka.
Sure ba.
O sige na, kuwento ka na. Ikaw ang mauna…
M-may tanong muna ako sa iyo, huwag kang magalit.
Ok. Shoot.
Bakla ka ba?
Kung sasabihin kong oo, at sinadya ko talagang kunin ang number ng telepono ng bangkong assignment mo para ka matawagan, magagalit ka ba?
Tahimik uli.
So… type mo ako?
Oo. Wala namang problema, di ba?
W-wala naman. Ahm…
May pag-asa kaya ako sa iyo?”
Tahimik.
H-hindi kita masasagot eh. Sorry.
Mayaman ako, maraming pera. Pedeng hindi ka na magtatrabaho bilang guwardiya kapag ako ang naging karelasyon mo.
Hindi naman ako nakikipagrelasyon nang dahil sa pera eh. Maraming relasyon ang nasisira dahil sa matinding paghahangad ng pera. Tingnan mo ang girlfriend ko, naka-abroad lang, nagkaboyfriend ng may pera, trinaydor na agad ako. Iyong baklang naging syota ko, nag-japayuki, nagkaroon ng maraming pera, kinalimutan na ako. At ikaw, maraming pera, masaya ka ba talaga? Sigurado ako, may nararamdaman ka pa ring kulang diyan sa puso mo.
Ang galing mo.
Natutunan ko kasi iyan sa tatay ko. Iba raw ang usapin ng pera sa usapin ng pag-ibig. Ang sabi niya, mahalaga raw ang pera, ngunit mas mahalaga ang pag-ibig. Dahil sa pag-ibig, naroon ang tunay na kaligayahan. Naroon ang tunay na tao o mga taong nagmamahal. Ngunit sa pera, kung magkarelasyon ka man dahil dito, pagkukunwari lang ang lahat… Ang susi ng kaligayahan ay nasa pagiging kuntento sa ano mang kahit maliliit na bagay na mayroon ang isang tao.
Gosh. Hindi ako makapaniwalang napakagaling ng iyong paninidigan. Lalo pa tuloy akong humanga sa iyo. Napakasuwerte ng taong mamahalin mo.
Hindi naman siguro… kung kuntento siyang makarelasyon ang isang hamak na sekyu lang, ibig sabihin niyan ay magiging masaya kami sa aming relasyon.
So para sa iyo, ang karelasyon na sinasabi mo ay sa babae o sa lalaki?
Kahit ano. Kahit sino. Basta mahal ako, mahal ko, at kuntento siya sa akin.
Ang sarap pakinggan. Sana ang lahat ng lalaki ay katulad mo. Malalim ang pag-iisip, malawak ang pang-unawa, at makabuluhan ang mga sinasabi.
Salamat.
So wala talaga akong pag-asa sa iyo?
Hehehehe. Alam mo na ang sagot niyan, di ba?
Sige, ok lang. Ang importante, magkaibigan tayo. Kahit bilang mag-phonepal lang, ok lang ba?
Ok lang basta ganitong gabi at wala akong magawa.
Good. Masaya na ako niyan. Sabi mo nga, ang kaligayahan ay nasa pagiging kuntento. Kaya kuntento na ako sa ganitong makausap ka man lamang…
Salamat sa pag-intinde.
Walang ano man. Sandali, may cp number ka ba?
M-mayroon naman.
Puwede bang makahingi ng number? Gusto ko kasing makausap ka kahit nasa trabaho ako o kahit saan. Ok lang ba sa iyo?
Ah, eh… s-sige. Heto ang number ko. 0921xxxxxxxxx
Yeheyyy! Salamat. Sandali ha, ibaba ko na ang telepono. Dito na kita tatawagan sa cp ko. May unli call naman ako eh.
(Ilang saglit)
Hi.
Hi.
Heto na ako. Tuloy natin ang kuwentuhan dito, ok lang ba?
Sige.
Iyong sinabi mong may mga nagparamdam sa iyo. Kinilig ako eh. Pedeng ituloy mo ang kuwento?
May mga kliyente rin ng aming bangko na nagpaparamdam sa akin. Nariyang may biru-biro lang, nariyan iyong pupuriin ako at sabihang ang guwapo ko, kung puwede akong maka-date. Pero tinatawanan ko lang ang lahat. Hindi ko sineryoso. May mga dumadaan ding sales ladies na nagtatrabaho sa kalapit na shopping malls, tumitingin sila sa akin at sasabayan ng tawanan na parang kinilig. Pero ang hindi ko malilimutan ay ang ginawa ng isang estudyanteng nag-aaral sa unibersidad malapit dito. Malapit lang ang boarding house niya sa area ko. Kapag dumadaan sa puwesto ko, ang lagkit kung makatingin sa akin. Kung tititigan ko naman ay yumuyuko. Ewan. Feeling ko kasi ay sinasadya niyang dadaan doon kapag naka-duty ako.
Guwapo ka kasi. Kahit medyo maitim ka ngunit pamatay ang porma. Matangkad, chest out, lalaking-lalaki kung kumilos. Halimaw sa appeal. Higit sa lahat, guwapo pa. Ang gandang tingnan kapag ganyang naka-uniporme. Iyan ang mga katangiang gustong-gusto ng kababaihan at mga bakla. Kumbaga, parang secured na secured sila kung ikaw ang magiging karelasyon nila.
Ayan tayo eh…
Totoo naman ang sinabi ko ah.
Ok, sige sasang-ayon na lang ako para walang problema.
Napilitan ka ata?
Hahahaha! Medyo.
Pa-humble ka pa.
Loko!
Ang sarap mo pala talagang kausap. Masaya, madaldal.
Sensya na. Ganito lang talaga ako. Madaldal.
Ok nga eh. Nakakatuwa. Hindi nga yata bagay sa iyo ang pagiging guwardiya eh.
Ano ang bagay sa akin?
Entertainer.
Hahahahaha!
Sige, ituloy mo na iyong nagka-crush sa iyo. Naiintriga na naeexcite na kinikilig ako. Ano nga pala ang mukha niya?
May hitsura. Maputi, may taas na 5’8 yata at nasa 18 o 19 ang edad. Mukha ngang modelo o artista kung tingnan eh, maganda ring magdamit. Pati ang pangangatawan ay may porma. Hindi mo akalaing bakla. Pero sa tingin ko ay mahiyain.
Talaga? Ba’t hindi mo siya malilimutan?
Kasi, may isang beses na nagwithdraw siya sa ATM machine namin, walang katao-tao noon, naisipan kong lokohin. Trip lang ba. Nilapitan ko, inikut-ikutan habang tinitingnan-tingnan siya mula ulo hanggang paa. Dahil sa ginawa ko, hindi na makapagconcentrate sa pagwithdraw. Nakailang beses na ipinasok niya ang ATM card sa slot hanggang sa kinain na lang ng machine ang card niya. “Tangina!” ang narinig kong sabi niya. Sinagot ko naman ng “Anong nangyari boss?” at iyon, kinuwento niyang nalimutan daw niya ang kanyang password. Sabi ko na lang na balikan niya kinabukasan upang i-report ang nangyari at maibalik ang ATM sa kanya. Tapos, dahil gabi na rin iyon at walang katao-tao, umandar ang pagkapilyo ko. Hinikayat kong maupo na lang muna siya sa upuan ko, sinabi kong magrelax muna kumbaga dahil napansin kong na stressed siya sa nangyari. Ipinuwesto ko ang aking upuan sa isang sulok na hindi nahahagip ng camera at medyo tago sa dadaanan ng mga tao. Habang nakaupo siya ng ganoon, ako naman ay nakasandal sa sementong dingding ng building. Pansin kong tila nanginginig siya. Nakayuko, nahihiya. “Anong pangalan mo?” ang tanong ko. Sumagot siya, “Jun”. Upang hindi siya mahiya o matakot, kinuwentuhan ko na lang siya. Ako naman kasi ay likas na palakuwento. Hanggang sa naging panatag ang loob niya at naki-kuwento na rin at tumatawa pa sa mga biro ko. Doon na sumingit ang pagkapilyo ko. Ewan hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa iyon. Para bang naawa ako sa kanya, na dahil alam kong type niya ako, ay sumagi sa demonyong isip kong pagbigyan siya. Parang trip lang na may something na hindi ko lubos maipaliwanag. Sa totoo lang, naku-kyutan din ako sa kanya. Dagdagan pa na bored ako noon at walang katao-tao. Tinitigan ko siya, hinawakan ang kanyang kamay at pinatayo sabay sabing, “Alam ko naman na ako ang pakay mo kung bakit ka nagwithdraw sa ganitong oras ng gabi, sa lugar na ito eh… Bistado na kita. Love mo ako. Pero huwag kang mag-alala, ok lang sa akin.” Sa sinabi kong iyon, pansin ko ang pamumula ng kanyang mukha. At habang hinahawakan ko ang kanyang kamay, umiwas siya sa aking tingin. Ag ginawa ko ay hinawakan ang kanyang panga at bigla kong siniil ng halik ang mga labi niya. Noong una ay pumalag siya. Ngunit hindi ko siya nilubayan hanggang sinuklian na rin niya ang aking paghalik. At naramdaman ko na lang ang kanyang pagyakap nang mahigpit sa aking katawan. Sa gabing iyon ay may nangyari sa amin…
Wow… sobrang nakakakilig naman. Ang suwerte niya! Pagkatapos…?
Wala na. Balik na uli sa dati na walang imikan. Parang wala lang nangyari. Kapag dumadaan siya, panakaw na tumitingin sa akin. Ganoon din ako. Parang nahiya rin kasi ako sa ginawa ko na diretsahang sinabi sa kanya na love niya ako. Iyon ang naging resulta, nagka-ilangan.
Pero ikaw? Anong naramdaman mo? Na-miss mo ba iyong ginawa mo sa kanya? Na-miss mo ba siya?
Hahaha! Medyo. Sa totoo lang, parang tinablan ako sa taong iyon. Iyon bang kapag dumaan ang mokong ay nai-excite ako. At kung hindi naman siya dadaan sa isang araw ay parang nalulungkot ako. Minsan ay natatawa na naiinis na lang ako sa aking sarili.
Ang swerte naman niya… Siguro mahal mo na rin siya.
Hahaha! Ewan… hindi ko alam. First time kong magkaganito eh. Iyong dati kong karelasyon na bakla, hindi naman ganito ang naramdaman ko. Kung puwede nga lang sanang manligaw ng lalaki, ginawa ko na iyon eh. Kaso.. dyahe lang. Hindi ko mai-imagine ang sarili kong nanligaw ng kapwa lalaki.
So ninanais mo talagang bumalik siya at upang mangyari muli ang lahat sa inyo?
Ganoon na nga siguro.
Malay mo, baka isang gabi ay babalik din siya. Sandali… kung ako na lang kaya ang pupunta d’yan. Ok lang kaya?
Hahahahaha! Huwag na.
Bakit?
Ano naman ang gagawin natin?
Kagaya ng ginawa mo sa esntudyanteng iyon.
Huwag na… pagod ako eh. May pasok pa ako bukas.
Grabe ka naman… sinasaktan mo ang damdamin ko. Wala na ba talaga akong pag-asa sa iyo? Nakaka-offend ka, grabe. Ang hirap talaga kapag di ka guwapo.
Woi hindi naman sa ganyan. Di pa kasi kita ganyan ka-kilala eh.
E, bakit iyong estudyanteng iyon kung pupunta d’yan ay ok lang sa iyo?
Hahahahaha.
Di ka makasagot?
Ahmmm, at least kilala ko na iyon, at may nangyari na sa amin.
Nakita na niya ang iyong pagkalalaki.
Oo naman. Nahawakan, nalaro, nakahalikan ang bibig…
Di mo pa aminin, love mo na iyong mokong na iyon?
Hahahahaha!
Di ka makasagot no?
Siguro.
Gosh, nakakainggit talaga! Kapag nakita ko ang estudyanteng iyon, kakalbuhin ko iyon.
Hahahaha!
“Anong gagawin mo sa kanya kung sakaling darating siya?
Syempre, kagaya ng dati. At siguro, hindi ko na siya pakakawalan pa. Ewan. Hehehe!
Tahimik. Mahaba-habang katahimikan.
Woi, nakatulog ka na ba? Ba’t di ka na nagsasalita? Nariyan ka pa ba?
Nandito pa naman… A-alam mo, may aaminin ako sa iyo. Sana ay hindi ka magagalit.
Ano iyon? Mukhang naging seryoso ka bigla ah!
Oo, kasi baka magalit ka sa sasabihin ko eh.
Promise hindi ako magagalit.
Hindi ako totoong mayaman. Hindi ako iyong tinutukoy mong kliyente ninyo. Naisipan ko lang na angkinin ang character niya dahil akala ko ay makakadagdag-puntos ako kapag nagpapanggap ako, at magkaroon ka ng interest sa akin, lalo na kapag mag-aalok ako ng pera. Ngunit nagulat ako sa prinsipyo mo. Akala ko ay katulad ka ng marami… Nahiya tuloy ako. Lalo na sa sinabi mong pagiging kuntento sa kahit anong maliliit na bagay sa buhay. Sorry talaga. Nagsisi ako. Sana ay hindi ka galit sa akin.
Tahimik.
Ok lang. Hindi ako galit. At least nagpaka-totoo ka. Mas gugustuhin kong maging kaibigan ka dahil sa pagiging totoo mo.
Talaga? Ibig sabihin ay puwede uli kitang tawagan bukas ng gabi? At… maaari na rin kitang dalawin d’yan?
Oo naman. Basta ganitong gabi at walang katao-tao, ok lang akong mag entertain ng bisita.
Pero hindi ako guwapo na katulad ng estudyante mo…
Ito naman o… Ang pakikipagkaibigan naman ay walang kinikilalang basehan. Walang mayaman, walang mahirap, walang matanda o bata. Walang guwapo o pangit. Kahit nga hayup ay kinakaibigan natin, di ba?
Salamat. Ang bait mo pala talaga.
Ikaw naman, para iyon lang, ginawa mo pang drama…
Sorry talaga… Pero may isa pa kasi akong sasabihin.
Ano?
Sana ay huwag kang mabigla. Hindi ko kasi matiis ang sarili ko kaya heto, kahit ayaw mo, pinuntahan pa rin kita. Bahala na lang. Sana ay hindi ka magalit sa akin.
Whoaaa! Niloloko mo ako eh. Nasaan ka nga???
Heto sa bandang likuran mo. Humarap ka sa may ATM machine. Magwiwithdraw ako eh. Baka gusto mong pagtripan din ako kagaya sa ginawa mo kay Jun, ok lang sa akin.
(Humarap)
Tanginaaaaaaaaa!!! Ikaw ba iyan, Jun??? Hahahahahaha! Shitttttttttttt!!!
-End-