Chapter Twenty-Four: Touch Lust (Part 1) ILANG beses nang pasulyap-sulyap si Ian sa pintuan ng kuwarto niya—na ngayon ay kuwarto na ni Noelle. Katatapos n’ya lamang mag-luto ng agahan at mukhang hindi lalabas si Noelle hangga’t hindi siya umaalis. Today is his regular working day. Ang trabaho sa café ay itutuloy sa weekend. Nagdesisyon s’yang mauna na lamang kumain at ipagtabi na lang ng kakainin si Noelle. Nang makuha niya ang kanyang backpack ay nagtungo siya saglit sa harapan ng pintuan ni Noelle. “Aalis na ako, Noelle,” paalam naman nito bago tuluyang lumabas ng unit niya. Pagkasarado n’ya ng pintuan ay napangisi na lamang siya nang maalala niya ang ginawa ni Noelle kagabi. He couldn’t expect the possibility that she’d goin