Chapter 4- Her Greatest Blessings

2070 Words
Mabilis na lumipas ang bawat mga araw at isang buwan na akong manager sa Forrester Hotel. Day off ko ngayon kaya tinawagan ko si Tanya para sana mag pasama rito sa Mall. Ang tagal niyang sagutin kaya nag iwan na lang ako ng messages. (Beshy, if you can't be busy, just visit me. I miss you and our nonsense conversation.) Pagkatapos kong mag send ng messages dito tinago ko na ang phone ko at nagtungo na ako sa kitchen para kumuha ng maluluto ko. Naka kita ako ng pasta at naisipan ko na lang magluto ng paborito naming dalawa na carbonarra. Hinanda ko na ang mga kailangan na gagamiting rekados sa lulutuin ko. Nang sisimulan ko ng mag gisa ng bawang bigla naman bumaliktad ang sikmura ko nang malanghap ko ito. Kaya pinatay ko muna ang gas stove at naupo sandali. Napaisip rin ako kong ano ba ang nakain ko ngayong araw o kagabi, pero mga usually food lang naman 'yon. Nang makaramdam ako ng nasusuka ako bigla akong tumakbo ng kitchen sink at nag duwal ng nag duwal, ngunit wala naman akong nilabas kundi puro laway lang. Pinatay ko ang faucet at naglakad pabalik ng sofa, dahil bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo, at hindi pa nga ako nakakaupo ng sofa ng biglang nandilim ang paningin ko at hindi ko na alamn ang sunod pang nangyari. Nagising na lamang ako sa apat na sulok ng kwarto na ito at hindi ako pwedeng magkamali nasa hospital ako ngayon. At maka ilang beses kong inisip kong ano nga ba talaga ang nangyari at paano ako nakarating rito at sino ang nagdala saakin. At nasagot lahat ng tanong ko sa pag bukas ng pintuan at pumasok si Tanya. Binigyan niya ako ng mapanuring tingin. Hindi ko alam bakit ganyan siya makatingin sa'kin. I simply ask her; "Beshy bakit ako nandito?" "Beshy, seryoso ka dyan at bakit hindi mo ba alam ang mga nangyayari sayo?" wika nito na parang may gustong ipahiwatig sa akin. "Hindi e' ano bang sabi ng Doctor kanina. That was I remember. I made our dinner but suddenly I felt nothing comfortable after I vomited then after that I couldn't remember the next thing that happened." paliwanag ko rito. "So you mean, wala ka talagang alam?" usisa nito na mas lalong ikinagulo ng isip ko. "Ang alin ba? Ano ba ang findings ng doctor. May alam ka ba?" tanong ko. "Beshy, isipin mong mabuti nagsusuka ka at nahihilo, 'di mo talaga alam na buntis ka." prangkang sabi nito. "W-what I' am pregnant. Are you sure beshy? tanong ko kasi hindi ako makapaniwala paanong nabuntis ako. "Nagtaka ka pa, ako dapat ang magtaka. Paano ka nabuntis gayong wala ka namang pinapakilalang boyfriend sa'kin o baka naman meron na at itinatago mo lang huh." wika nito na may halong pagtatampo. "Wala akong boyfriend beshy. Baka mali lang ang findings ng doctor. Pagmamaang maangan ko. Pero ngayon pa lang nanlalamig na ang buong katawan ko. Ganon ba talaga katinik ang sperm nito at nagbunga agad ang isang pagkakamali ko. "Sigurado ka beshy, how can you explain this ultrasound. Your one month pregnant, bakit hindi mo alam. At sino ang ama ng baby mo." diretsyahang tanong nito ng sunod sunod. Kinuha ko ang inabot niyang ultrasound sa kamay ko. Halos maiyak ako sa tuwa dahil may baby nga talaga sa loob ng tummy ko. Pero, nandyan na natatakot ako sa mga susunod pang mangyayari. Nginitian ko lang siya that look na wala pa akong oras mag kwento. Na gets naman niya ito kaagad at hindi na siya nag usisa pa. "Beshy basta ako Ninang niyan ha. Mas magtatampo ako kapag hindi ako ang kinuha mo." nakabusangot sa wika nito sabay yakap saakin. Kahit alam kong ganon kabigat ang magiging responsibilidad ko bilang Mommy at Daddy sa batang nasa loob ng sinapupunan ko alam kong nandyan si Tanya para maging kaagapay ko sa lahat ng oras. Dahil wala naman akong choice kundi itago sa totoong Daddy nito ang totoo. Dahil bukod sa hindi ko man lang ito kilala. Hello, one night stand lang ang nangyari sa pagitan nyo at ikaw naman ang nag landi sa tao. Hiyaw ng isipan ko. Mabilis na lumipas ang araw at si Tanya ang naging kasa kasama ko sa pagpapa prenatal check-up ko sa anak kong lalaki. Lalaki ang ipinag bubuntis ko ngayon, sa una natatakot ako pero ngayon alam ko na unting araw na lang ang bibilangin ko ay isisilang ko na rin siya. Malaki ang pasasalamat ko sa beshy ko, dahil alam ko sa sarili ko na 'di ko kakayanin ito ng mag-isa. Pagkatapos ng check-up ko dumiretso ako sa FHC para personal na magpa alam. Ayoko naman na aalis ako nang basta na lamang na hindi nagparamdam. Ayoko naman nang ganon at napaka unprofessional ko kapag nangyari 'yon. Pumasok ako nang FHC. At nag tungo sa office ng C.E.O para personal na makausap ang boss ko. Nilakasan ko ang pagkaka katok para mapansin nito ang pagkatok ko at ayaw ko ng maka kita ng live show na naman. "Please come in." wika nito mula sa loob. Nang marinig ko ang go signal mula sa kaniya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, pumasok ako sa loob. Naabutan ko itong abala sa pag review at pag sign ng mga documents. Nag angat lang ito ng ulo saglit at nang makita ako pinaupo niya ako malapit sa kaniya. "Have seat, Miss. Andrea. What do you need?" "Ahm! I want to be straightforward sir. I just want to resign." wika ko. Na tila na ikinagulat nito kaya natigil siya sa ginagawa. "What did you say? resign? Why aren't you happy working with us? so please tell me Miss. Andrea." "No! Sir. Well in-fact FHC is the best--" "Is that so. Why are you leaving us?" "B...Because, I'm pregnant sir. Sorry!" wika ko na garalgal ang boses, pero kailangan kong sabihin at magpakatotoo sa sitwasyon ko. "I see. Its that your problem? Just leave in three Months and come back here after you deliver your baby." mariing wika nito. Na akala ko ay magagalit siya, pero nagkamali ako. "Sir are you sure?" hindi makapaniwalang tanong ko ulit. "Yah! Why?? Miss. Andrea, hindi naman masamang mag buntis, ang masama aalis ka nang dahil buntis ka. Don't worry may ipapalit muna kaming iba habang wala ka. Hindi kita papalitan basta basta, dahil magaling ka at asset ng FHC. Then, by the way count me in as a god father of your baby." pahabol na wika nito na mas ikina laki ng mga mata ko pa. "Sir, nagbibiro po ba kayo?" alanganing tanong ko dito. "Do you think that I'm joking here, Miss. Andrea?" "No, sir. Thank you so much and have a nice day!" huling wika ko pagkatapo tumayo na rin ako para magpa alam. "No problem, Miss. Andrea, take care of yourself." nakangiting wika nito sabay balik na ng atensyon sa kaniyang ginagawa. Naglakad na ako palabas ng office niya at bumalik na rin sa desk ko. Naupo ako sa swivel chair at tulala. Hindi ako makapaniwala sa naging usapan namin. Katatapos ko lang mag paalam sa boss ko. Naiiyak man pero wala akong magagawa kong tatanggalin niya ako sa work bilang manager. Nilihim ko rin kasi sa lahat ang ipinag bubuntis ko at nagulat silang lahat ng malamang malapit na akong manganak. Hindi kasi halata sa katawan ko, dahil maliit ako mag buntis at sabi nga kapag itinatago na raw ito, nakikisama ang baby. Kaya malaking pasasalamat ko mabait ang baby Axel ko. Nagulat ako ng sabihin ng boss ko. Na hahanapan muna nila ako ng ka relyebo pero once natapos ko na ang three months leave ko ay babalik na ako ulit dito. Ayaw daw niya akong palitan, dahil mang hihinayang sila kapag nawalan sila ng magaling na manager. Mas nagulat ako ng sabihin niyang dapat isa siya sa magiging Ninong nito. Napaluha naman ako sa narinig, dahil hindi ko akalain na siya mismo mag rerequest na maging Ninong ni baby Axel. Sino ba naman ako kumpara sa position nito. Iwinaksi ko na ang mga pasanin ko ng ilang linggo. Sa wakas malaya na ako at hindi matatakot na mabuko, dahil alam na nilang lahat. Nag simula na ulit akong mag trabaho at ibilin ang mga ilang documents and files na maiiwan ko sa papalit muna sa akin. Mabilis na lumipas ang mga oras at araw. Kabuwanan ko na at hindi na ako nagpapasok muna sa FHC. Tumawag na rin ako sa hotel para sabihin na magle leave na rin ako. Nasa bahay ako ngayon ng biglang pumutok ang water bag ko. Mabilis kong tinawagan si Tanya para samahan niya akong pumunta ng ospital. Kaso sinabi niyang mamaya pa ang out niya from work, kaya nilakasan ko na lang ang loob ko. I text her na lang kong saan akong ospital pupunta. Nakaka kaba man dahan dahan akong tumayo at kumapit sa mga pwede kong kapitan hanggang sa makalabas ako ng bahay at makapag para ako ng taxi. May taxi naman na huminto sa akin at kaagad akong isinakay ng makita ang sitwasyon ko. Sa loob ng taxi abot abot ang dasal ko na sana safe ang baby Axel ko. Mabilis naman kaming nakarating ng ospital. Agad akong inasikaso ng mga nurse roon at dinala sa delivery room kaagad. Pina ire nila ako kaso hindi ako marunong since this is my first time and I don't know how to do it. Kaya mga ilang minuto lang sinalpakan nila ang ng pangpatulog at biglang nanlabo ang mga mata ko. Nagising na lang ako na sa recovery room na ako. Hinahanap ko ang baby ko sa tabi ko. Pero wala siya gusto kong mag hysterical, dahil buong akala ko nawawala si baby Axel ko. Narinig naman ni Tanya ang pag sigaw ko. "Beshy, please calm down. Masama sayo ang ginagawa mo. Baka mapaano ka." saway nito saakin. "Beshy, ang baby Axel ko nasaan siya, tanong ko kay Tanya at nag aantay ng sagot niya. "Nasa baby nursery room. Later dadalhin na siya ng nurse para mag breast feed. May gatas ka na ba beshy?" tanong nito. "Yes, kanina pa nga natulo." nahihiya kong sambit. "Good!" Maya-maya pa dumating na ang nurse dala dala niya na ang anak ko. Pinaupo ako ni Tanya at pinakarga saakin ng nurse ang baby ko. Sa unang pagkakataong nasilayan ko ang anak ko. Bigla na lang akong naluha, hindi dahil nalulungkot ako kundi ito ay luha ng kaligayahan. Ang gwapo ng anak ako, abuhin ang kulay ng mga mata nito at matangos ang ilong. Sigurado akong hindi ako ang kamukha niya walang duda kamukha siya ng kaniyang ama. "Beshy, ang gwapo ng anak mo. Sigurado akong hindi mo siya kamukha. Baka naman pwede ka ng mag kwento saakin ngayon. Sino ba ang ama ng gwapong inaanak ko? May naka relasyon ka ba before?" sunod sunod na tanong nito. Nalunok ko bigla ang laway ko at natutop ko ang dila ko. Tinanong ko ang sarili kong handa na ba akong mag tapat. Ngunit sa huli natalo ako ng takot at pangamba. Kaya nanatili akong tahimik. Nauunawaan naman ni Tanya ang lahat at hindi na siya muling nag-usisa pa sa akin. Natuwa na lang siya nang makita na karga ko na ang inaanak niya. Medyo nangalay akong ipag breastfeed ito kaya inilapag ko na si baby Axel ng makatulog na rin ito. "Okay ka lang ba beshy?" tanong ni Tanya. "Oo naman, nagugutom lang ako." ani ko. "Sige, saglit lang ipaghahain lang kita. May dala akong arozcaldo sayo, mainam ito sa mga bagong panganak." wika niya. "Ganon ba, sige! S..Salamat." nauutal kong sambit. Makalipas ang ilang minuto bumalik na ito sa tabi ko at inilapag ang pagkain ko. Siya na rin ang nagsubo sa akin, sapagkat nahihirapan pa akong kumilos gawa ng naka kabit pa rin ang dextrose ko sa kamay. "S..Salamat beshy." naluluhang wika ko. Hindi ko talaga alam kong anong gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko." dagdag ko pang wika. "Ano ka ba, wala 'yon. Alam ko naman kong ako ang nasa sitwasyon mo ganito rin ang gagawin mo para sa akin." aniya. "Oo naman. Ikaw pa ba." sagot ko. "Sige na baka mag iyakan pa tayo at makasama pa sayo. Matulog ka na para makapag pahinga ka." utos nito. Kaya naman unti-unti kong ipinikit ang mga mata ako, sapagkat panatag ako na nadyan lamang siya sa tabi ko at 'di niya ako iiwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD