KINABUKASAN
Dahil sa pagod ko at sama ng nararamdaman tinanghali na ako ng gising at medyo kumakalam na rin ang sikmura ko. Dali-dali akong bumangon para mag ayos ng aking sarili. Napatingin ako sa wall clock na naka sabit sa gilid ng bintana mga around 10:30 a.m na pala, kaya ginugutom na ako.
Tulala pa rin ako sa nangyari at hindi ko pa rin lubos maisip na nagawa ko ang kagagahang 'yon.
Wala ako sa mood lumabas at parang gusto ko na lang talagang matulog ng matulog buong mag hapon para na rin makalimot ako. Ngunit ayaw tumigil sa pag kalam ng sikmura ko kaya napilitan akong mag check sa mga stocks ko kong ano ang pwede kong lutuin.
Wala na pala akong stocks ng food kaya no choice ako kundi mag bihis. Umakyat ako sa taas at kumuha ng damit na susuotin ko. Napili ko ang crop top at skinny jeans. Hindi naman siguro masamang i-suot ko 'yon at sexy naman ako at makinis kaya carry lang. Umikot muna ako sa harap ng salamin para tingnan ang ayos ko at nang makitang wala naman nang problema lumabas na ako ng kwarto at naglakad patungong pintuan, kinuha ko ang stilleto na nakalagay sa shoe rack sa labas ng pintuan.
Mabilis kong pina sibat ang sasakyan ko palabas ng subdivision.
While on my way, biglang pumasok sa isipan ko na mag-apply nang bagong trabaho. Hindi ako pwedeng mag mukmok na lang ng mag hapon sa bahay at marami akong bills na bayarin.
Nakarating ako ng Kingdom Mall at nag hanap kaagad ng mapa park-an ng sasakyan. Medyo matao kasi ngayon kasi sweldo day at dinarayo talaga ang Mall na ito, dahil isa ito sa pinaka malaki at sikat na Mall sa Pilipinas at ang pagkaka alam ko ay ang may-ari nito ay ang namayapang mag-asawa sa isang private plane crash accident 10 years ago. Pumutok ang balitang 'yon, dahil himalang naka ligtas ang unico hijo ng pamilyang Forrester. At ang mga magulang lang nito ang nasawi doon. Ayon pa sa balita, dahil solong anak lang ang lalaki. Sa kaniya pinamana ang lahat ng naiwan ng mag-asawa.
Pagpasok ko sa Mall isa isang cheneck ng guard ang mga laman ng shoulder bag ko. Nang matapos na ang mga guard sa pag inspect ay agad naman nila akong pinapasok. Diretso ako sa shopping Mall para mamili ng mga stocks sa bahay. Kumuha ako ng push cart para lalagyan ng mga bibilhin ko. Ilang oras rin ang ginugol ko sa pamimili hanggang sa nag bayad na ako sa cashier gamit ang card ko ulit. Kailangan kong budgetin ang perang naipon ko habang wala pa akong nahahanap na trabaho.
Nang matapos ako sa pamimili naisipan ko naman maglakad lakad pa. Napadpad ang mga paa ako sa woman sections at naisipan ko na rin na bumili ng mga bagong blouse ko at kong ano ano pa, ginamit ko ulit ang card ko. Nang mapagod ako naupo ako saglit. Medyo hindi kasi talaga ako nakatulog nang nagdaang gabi sa kaka isip sa nangyari, kahit iwaglit ko sa isipan ko ang lahat ng naganap sa amin ng estrangherong lalaki ay hindi pa rin mawawala sa isip ko ang katunayan na may nangyari sa aming dalawa. And I lost my virginity. Wala naman sa plano ko talaga 'yon, ang gusto ko lang ma experience ang halik na tinatawag nila kaso mas malala pa yata ang experience na nagawa at naranasan ko. Aaminin ko expert ang estranghero sa pagpapaligaya ng isang babae kaya hindi ko maiwasang madarang na lamang sa mga yakap at halik at kakaibang karanasang ipinadama sa akin ng estranghero.
Natigil ang pag gunita ko ng tawagin ng pansin ko nang isang staff.
"Miss, 'yon mga pinamili niyo." wika nito na humahangos at habol ang hininga na patakbo palapit sa akin dala-dala ang mga pinamili ko.
"Maraming salamat po." wika ko sabay kuha ng inabot niyang eco bag.
"Walang anuman po ma'am." nakangiting wika nito sabay talikod papalayo sa akin, sinundan ko na lamang nang tingin ang bulto nito na papalayo. Napapangiti na lang akong mag-isa nang maisip na may mga mabuting tao pa rin pala ngayon. Kumuha ako ng push cart para ilagay ang mga pinamili ko at medyo mabigat rin kasi kaya hindi ko ito basta basta mabubuhat. Itinulak ko na ang push cart palabas ng exit ng Mall patungong parking lot kong saan naka park ang sasakyang dala ko. Binuksan ko ang compartment para ilagay ang mga pinamili ko, isinara kong mabuti ang pintuan nito at naglakad na ako patungo sa front seat para mag drive.
Mabilis akong sumakay ng kotse at pinasibad na ito.
Magta tatlong oras rin ang tinagal bago ako nakauwi ng bahay, nang dahil sa buhol buhol na traffic. Wala naman akong mahanap na short cut kaya nag tiis na lang akong maghintay na umusad ang lahat ng sasakyan na nakaharang sa way ko, dahil sa sa traffic.
Pagkarating ko sa bahay diretso ako sa kusina para isa-isa kong isinalansan ang mga pinamili ko na mga kakailanganin ko sa ilang araw. Sana nga lang makahanap na rin kaagad ako ng trabaho. Nang makaramdam ako ng init ng katawan, naisipan ko na ring maligo, dahil pakiramdam ko nang lalagkit ako. Hindi na ako nag abalang kumuha pa ng damit, dahil madami naman akong roba sa comfort room.
Habang ako'y nagpapatuyo ng mahaba kong buhok na lagpas hanngang baywang, naupo muna ako saglit sa sofa. Tulala ako sa kawalan hanggang sa pumasok sa isipan ko na mag hanap ng mga jobs advertisements sa social media, halos sa mga socmed na rin naman nagpo post o naghahanap ng mga employees ang mga kumpanya. High-tech na talaga ang panahon ngayon. Hindi tulad dati nang nag-apply siya sa hotel sumuot talaga siya butas ng karayom sa dami ng mga pinagawa sa kaniya ng job instructor at muntikan na siyang sumuko, dahil kahit hindi naman required sa training ang ilang pinag gagawa nito ay hinayaan na lamang niya. Nar'yan ng utusan siya nitong ipag-book ng lalaki o gawing alalay nito. Kong babalikan niya ang masalimuot niyang karanasan noon bago siya ma hired as manager kaya ginawa niya ang lahat para tumagal sa trabaho at inabot nga siya ng 10 years in service at sa isang tao lang mawawalan siya ng trabaho agad-agad.
Kinuha niya ang laptop sa ibabaw ng table at binuksan it. Nag check siya ng mga hiring or vacant position ng manager sa mga addam Hanggang sa makita at mabasa niya ang isang adds mula sa FHC Page, ini-stalk niya ang page nito at nakita niya na maganda ang hotel na pag-a-applyan. "Pwede na 'to." usal niya.
Hinanap niya ang files ng CV niya sa documents na naka save sa laptop nito sabay send ng kaniyang CV, hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Ayaw niyang aksayahin ang opportunity na binigay sa kaniya.
Mabilis na lumipas ang mga oras at pagabi na naman. Nakatunghay siya sa may kalangitan at nagdarasal na sana ang FHC na ang sagot sa kaniyang panalangin. Ilang minuto rin siyang naka tanga sa terrace ng biglang maalala
na kailangan niyang asikasuhin ang bago ina-applyan. Pumasok siya sa loob ng kaniyang kwarto at kinuha ang cellphone na nakapatong sa table. Nag log in ako sa social media account at binalikan ang post ng FHC page, sinulat niya sa notes niya ang telephone number nito just incase na kailangananin niya.
Itinabi niya na ang cellphone sa ibabaw ng desk niya at nagpahinga, nag dasal siya na sana bukas na bukas rin ay magkaroon ng himala pagka gising niya.
Kinaumagahan nagising ako sa ingay ng ringtone nang cellphone ko. Dahil sa antok pa ako pinabayaan ko na lamang mag ring ito sa pag-a-akalang si Tanya lang ang natawag sa akin. Mang aabala lang kasi ito at wala ako sa mood. Napapansin ko nga lately para akong walang gana, hindi naman ako nagda diet. I lost my appetite in a few weeks ago. Iniisip ko na baka lang magkakaroon ako ng dalaw kaya ganito ako.
Ipipikit ko pa sanang muli ang mga mata ko kaso hindi ko na mahanap ang tulog na gusto ko kaya napilitan na lang akong bumangon at i-check ang cellphone ko. Pag bukas ko ng cellphone tumambad sa harapan ko ang isang message galing sa unknown number at nang basahin ko ito.
"Hi Miss. You are invited to have an interview later at 1:00 p.m, in the position of manager in China Roces Avenue Makati City. Please bring any IDs to prove your identity and just present it to the guard in the lobby area. Thank you so much and see you there.
Matapos kong mabasa ang messages, tuwang tuwa ako dahil may interview ako mamaya lang din. Hindi mapag lagyan ang kasiyahang nadarama ko ngayong araw. Thank you God, usal ko.
Ginugol ko ang oras ko sa pag jogging at halos nalibot ko na nga ang buong subdivision namin sa tagal ng pag jogging ko. Nang makaramdan ako ng pagod bumalik na rin ako kaagad ng bahay.
Sobrang inip na inip ako at gusto ko ng hilahin ang oras para mag alas onse na. Napasandal ako sa sofa pagkatapos kong kumain at hindi ko namalayan na naka idlip pala ako.
Halos mapamura ako sa inis, dahil nagising ako ng alas dose ng tanghali. 1 p.m ang interview ko. I have one hour left to prepare myself . Mabilis ang bawat naging pagkilos ko mula sa pag ligo, pag pili ng susuotin at pag bihis maging ang pag apply ng make-up ay ginawa ko ng mabilisan, sapagkat ayaw kong ma-late sa interview at hindi magandang first impression ito kong saka sakali.
Mabilis kong pinasibat ang sasakyan ko patungong Makati. Nang makarating ako ng Makati, hinanap ko kaagad ang address na binigay sa akin sa text message. Nang mahanap ko na ito bumaba na ako sa sasakyan ko. Nakatayo na ako sa harap ng FHC, kitang kita ng dalawang mga mata ko ang tayog ng building na ito. Hindi ko maiwasang maisip na siguro ang yaman na nang matandang hukluban na may-ari ng hotel na ito. Pag pasok ko ng looby nagpa assist ako sa guard kong saan ang floor ng mag i-interview sa akin. Nang maituro niya ang floor ka agad naman akong nag pasalamat dito.
Sumakay ako ng elevator at namangha ako saaking nakita mga nag gagandahang ilaw at dekorasyon na halatang galing pa sa iba't-ibang panig ng bansa at pawang mga sikat ang nag disenyo at gumawa nito. Napatingin naman ako sa wall design na naka sabit dito at napukaw lalo ng aking atensyon ay ang disenyo na may naka indicate na "Forrester" gawa ito sa wood carving. Biglan sumikdo ang puso ko at hindi ko malaman kong bakit. Ano kayang meron sa surname nito.
Kumatok ako sa pintuan at nakarinig ako ng parang may nag-uusap. 'Yong isa ay boses ng babae at 'yong isa naman ay lalaki sa tantya ko mga halos kaedaran ko lang rin naman sila.
Hindi na ako nag hintay pa ng tawagin ako nito sa pag-aakalang ayos lang naman, sapagkat ng pihitin ko ang seradura bukas naman pala ito kaya dumiretso na lang ako ng pasok.
Naglakad ako patungo sa mga boses na nauulinigan ko. Habang palapit ng palapit ako sa mga boses tila nakakarinig na ako ng kakaibang tunog mula sa babaeng umuungol na tila nasasarapan. "Ooooh! sh*t! Baby." paulit ulit na sambit ng babae.
Hindi sinasadyang makita ko ang ginagawa ng mga tao sa loob. Humingi ako ng sorry sa nakita ko. Kaya nagtatakbo ako palabas ng office nito. Nagulat ako at napatanong kong bakit ba kailangan gawin 'yon sa mga gantong lugar.
Palabas na ako ng office nang tawagin ng lalaki ang pansin ko. "Miss, wait!" wika niya. Ayoko sanang lumingon at baka makita ko naman ang 'di kanais nais na makita ko.
Mabuti na nga lang nakasuot na ito ngayon ng polo shirt, malayo sa hubad nitong katawan.
Narinig ko rin na inutusan niyang lumabas muna sandali ang babaeng kalandian niya at inaya niya ako sa loob at pinaupo.
"Sorry for what happened a while ago. But next time, use the door to knock." bilin nito.
Parang kasalanan ko pang nahuli ko silang nagme-make-out ibang klase din 'tong Mr. Forrester's na 'to. Hindi lang manyak, hambog pa. I doubt it kong makatagal ako sa hotel niya. Kong ngayon pa lang bad image na ang nakita ko sa kaniya.
"Okay sir." mabilis na sagot ko.
"You must be Miss Andrea Villaruiz and you are applying for the manager position, am I right?" tanong nito habang sinusuri ang buong pagkatao ko, kaya hindi ko maiwasang mailang sa tingin niya sa akin kaya yumuko ako sabay sabi na; " Yes po, sir."
"Then upon your background information you are a manager of Melindas Hotel in 10 years of service. May I ask why are you resign and why did you apply here." seryosong tanong nito sa akin kaya napa angat ako ng ulo at biglang nagtama ang mga tingin namin.
"Yes sir. It's confidential and I am not in the position to discuss this private matter. I hope you'll understand." wika ko. Totoo naman kasi 'yon seryosong dahilan kong bakit ako nag resign sa hotel ng dati kong pinagta trabahuhan. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong dahilan at baka balikan pa ako ng owner.
"I see. So let's proceed." aniya.
Habang patuloy ang pag interview niya sa akin ay hindi pa rin ako mapakali saaking nakita. Napansin naman niyang mukhang 'di ako komportable ng mga oras na 'yon.
" Forget what you saw a while ago." he said. Natumbok niya ata ang takbo ng isip ko kaya bigla niyang naisingit 'yon sa interview.
I simply nodded my head as a sign that is okay for me.
Maya-maya lang at muli itong nagsalita. "Miss. Andrea Villaruiz, after our interview. I decided to--"
Biglang kumabog ang dibdib ko ng sandaling 'yon, lalo na't binitin niya ang pagsasalita ng biglang mag ring ang cellphone niya. Imbes na sagutin ang tumatawag itinabi niya ang cellphone sa may gilid ng desk nito at hinayaan lang tumunog ng tumunog ang cellphone nito.
"Sir, hindi niyo po ba sasagutin 'yan, makakapag hintay naman po ako. Baka kasi importante po 'yan." singit ko at sana lang 'di nito masamain ang sinabi ko.
"It's okay. Not so important naman. I'm sure he will be wait. Anyway, I would like to say that; You're hired and you can start by tomorrow for the position of manager. Congratulations, Miss Andrea." ani nito. Kasabay nang paglahad nito nang kaniyang kaliwang kamay tanda na binabati niya ako. Inabot ko naman kaagad ang kamay ko rito. Nakipag shake hands na din siya saakin at nagulat ako ng biglang pisilin niya ang kamay ko.
Medyo naasiwa ako sa ginawa niya kaya sabi ko na lang dito."Sir ang kamay ko po.."
Na gets naman agad nito ang nais kong ipahiwatig kaya binitiwan na rin nito ang kamay ko. At bago ako umalis, nagpa salamat ako sakaniya at nagpaalam na rin ako kay Mr. Forrester. He nod his head at binalik muli ang tingin sa laptop nito.
"Can you close the door, Ms. Andrea. Thank you and see you tomorrow." he asked me politely.
Sinara ko na ang pintuan at naglakad na ako palabas ng office nito. Hinanap ko ang elevator para sumakay ako pababa ng ground floor. Nang bumukas ito lumabas na ako at nag dire-diretso patungong lobby palabas ng exit door.
Paglabas ko ng building na 'yon hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko. Kong kanina ay halong kaba at excitement ngayon ay puro kagalakan na lamang.
"Thank you God. May trabaho na ulit ako." usal ko. Bago tuluyang lisanin ang building na 'yon.