I mouthed sorry, but she's keep ignoring me. Iniwas lang nito ang tingin sa'kin at muling tinuon ang mukha sa pagkain at halos magutay na ang steak sa paghiwa hiwa nito. Narinig ko naman na tinanong ito ng kasama niyang staff sa hotel.
"Hoy, Andrea kong nagsasalita lang yang steak, iiyak na yan sa pag gutay gutay mo." biro ng kasama niya.
"Wala." rinig kong sambit nito at napatingin sa dako ko. Ang talim nitong makatingin akala mo any time mangangain na ng tao. Nginitian ko lang siya at nag peace sign. Tinapos ko na rin ang pagkain at bumalik na sa 5th floor.
Hindi ako mapakali sa inuupuan ko, para akong teenager na may ka LQ, ang masaklap pa hindi ko naman girlfriend.
I need to released my stressed. Lumabas ako ng opisina at umakyat ng roof top.
Nag sindi ako ng cigarette para mawala ang stressed na nararamdaman. Nang maramdaman kong medyo okay na ako. Napatingin ako sa buwan na nagliliwanag at mga bituin na kumikinang sa kalangitan.
Naalala ko tuloy noong kabataan ko at madalas akong mag stargazing gamit ang telescope na niregalo pa saakin ng mommy at daddy. Napabuntong hininga na lang ako kapag naalala ko ang masasayang nakaraan kasama ang pamilya ko.
How I wish. I can go back from the past, so that I can do that again.. usal ko.
Bumaba na ako nang roof top at bumalik na rin sa loob ng opisina. Sinipat ko ang pambisig ko na orasan, malapit na rin pala ang pag out ng mga staff at kailangan ko ng makausap si Andrea.. Kaso paano ko 'yon kakausapin, kung sagad sa buto ang galit sa'kin.
Napaisip ako kong paano nga ba... Hmmmm hanggang sa naalala ko na close pala sila ng bestfriend ko. Maybe he can help me to apologized her. Alam ko naman hindi ako tatangihan ni Draeden.
Kinuha ko ang cellphone sa pocket, pero hindi ko 'yon makapa.
F-uck! napamura ako ng maalala na nailapag ko pala 'yon. Mabilis ang yabag ng aking mga paa sa pagpanhik sa taas ng rooftop. Agad ko naman nakita ito at sinimulang i-dial ang number ng aking bestfriend. The number you have dialed is now an attended please try again later.
F-uck mura ko. Naka ilang dial ako pero operator lamang ang suma sagot. Saang lupalop na naman kaya nagsusuot ito. Minsan talaga walang aasahan dito.
Dahil hindi ako mapakali sa nangyari mag hapon naisipan kong pumunta ng night bar kung saan una kong nakilala ang babaeng bumihag ng mailap at pihikan kong puso.
Mabilis akong bumaba sa roof top at naglakad pa puntang elevator. Pumasok ako sa loob at bumaba nang parking lot. Mabilis ko namang nahanap ang sasakyan ko. Sumakay ako at nag maneho ng mabilis palayo rito.
Medyo malamig na ang panahon at ang sarap mag road trip, binuksan ko ang itaas ng bubong ng aking sasakyan. Naramdaman ko ang samyo ng ihip ng hangin saaking balat. Tuloy tuloy lang ako nag drive habang nakataas ang isang kamay ko. Para akong batang nag-lalaro sa hating gabi sobrang na miss ko ang mga ganitong ginagawa ko noong teenager pa lang ako.
Nasa kasarapan ako ng road trip kasabay nang pakikinig ng music nang biglang mag ring ang cellphone ko.
Speaking of the d**** tumatawag ngayon ang best friend ko. Hinayaan ko muna mag ring nang mag ring ang cellphone ganti ko sa'kaniya. Siya lang ba ang puwedeng magpa antay. Buti sana kong babae siya. Nag tagal lang nang ilang misscall ito at nag text na. Tawang tawa ako sa mga messages niya, para kasi siyang babaeng may dalaw. Hanggang sa ako na ang tumawag at sinagot naman nito kaagad.
"Hello asshole," bungad na bati nito. Ang ganda nang bati niya.
"May dalaw ka buddy?" pang aasar na tanong ko rito.
"Sige mang asar ka pa. Mag-isa kang mag-iinom ngayon. Hindi ako pupunta diyan g***." wika nito na halata na sa boses na naiinis.
Kaya nanahimik na ako at baka magka pikunan pa kaming dalawa. Binigay ko lang kong saan kami magkikita at nag end call na ako. Nag patuloy na akong mag drive habang nagsa soundtrip.
Nakarating ako ng night bar at wala pa din ito. Nag park lang ako at pumasok na rin sa loob. Sobrang ingay dahil sa mga music na sobrang lakas. Naupo ako sa bandang dulo para medyo malayo ako sa ingay at sa mga tao.
Sakto naman na kapapasok lang din ni Draeden at sinenyasan ko siyang lumapit.
"Asshole ano na naman trip mo. Broken hearted ka na naman ba?" pang aasar na tanong nito.
"Masama bang mag liwaliw. Stressful sa office," pag sisinungaling ko. Dahil ang totoo ay hindi ako mapakali sa nangyari kanina.
"Para saan ba 'to? Seryoso ba 'yan. Inabala mo na naman ang siesta time ko," naka kunot na wika nito.
"Wala nga. Gusto ko lang mag libang. Kong ayaw mo kong samahan ayos lang naman," wika ko.
"Sasamahan na kita. Parang nango-ngonsenya ka pa diyan," sambit nito sabay tawag sa waiter at nag order nang alak at pulutan.
Hindi ko alam kong ito ba ang tamang araw para mag kuwento ako, alam ko naman na pagtatawanan ako nito.
Maya maya lang dumating na ang order nito at nag simula na kaming mag session. Madami kaming napag usapan tungkol sa mga plano namin sa buhay. Akalain mo 'yon may business pala itong pinapatayo ng hindi ko nalalaman. Dahil sa busy schedule naming dalawa minsan na lang kami magka bonding nang ganito.
Hanggang sa nag open ito about kay Andrea at doon na ako naka kuha ng tiyempo para mag confess at humingi ng advise. Sa mga seryosong usapan naman matino ito kausap.
"Buddy may sasabihin ako sa'yo, pero huwag kang magagalit sa'kin," wika ko.
"Depende buddy. Ano ba kasi 'yon?" tanong nito at seryosong nakatingin sa'kin.
Hindi ko tuloy alam kong ipagpapatuloy ko pa ang pagku-kuwento.
"Kasi ano, nahalikan ko siya," wika ko.
"Ha! Sino?" curious na tanong nito.
"S-si Andrea," nauutal kong wika sabay lagok ng alak na nasa baso ko.
"W-what? seryoso buddy? sira *** ka talaga," gulat na gulat na tanong nito.
"Yes seriously. I didn't mean it buddy. Basta bigla ko na lang siyang hinalikan," pagpapaliwanag ko.
Inaantay ko kong may sasabihin pa ba siya, pero natahimik ito at na straight ang pag inom ng alak.
Bigla naman itong nag salita.
"Type mo ba?" tanong nito.
"I don't know, but the one thing that I am sure of. I'm attracted to her," wika ko.
"Hindi naman sa ayaw ko kay Andrea, kaso--" putol na wika nito.
"Dahil ba single Mom siya? Wala naman masama doon right and besides I really like Axel, if ever na ligawan ko ang Mommy niya tanggap ko siya ng buong buo at ituturing ko na para kong sariling anak." wika ko.
"Malala na talaga ang tama mo buddy. Wala akong masabi kundi good luck. Medyo mataray pa naman si Andrea," pagpapa ala-ala nito.
"I know, but I can handle her," sagot ko. Sana lang talaga suportahan niya ako.
"Well kong ganiyan na ang plan mo, sino ba ako para maging sagabal. Basta payo ko lang sa'yo rendahan mo 'yang puso mo. Hindi natin alam baka bigla bumalik ang Daddy ni Axel, so papaano ka?" concern na tanong nito.
Medyo napa isip ako sa huling sinabi niya pero bahala na nga. Posible naman na ako 'yon.
Nagpatuloy lang kami sa pag-iinom hanggang sa hindi na namin namalayan na gumagabi na pala at nakakadami na kami ng nainom na alak at magda drive pa kami.
Mabilis akong nag dial nang number ng driver ko para sunduin niya kami. Medyo tipsy na rin ako at hindi ko na kakayanin na mag drive pa. Mahirap na at baka maaksidente pa kami sa daan.
Nakaka ilang bote pa kami ng alak bago nakadating ito. Sobrang lasing na din si Draeden kaya inalalayan na naming papasok ng kotse.
Medyo malayo layo ang bahay ni Draeden kaya sa'kin muna siya tutuloy. Nagpa tulong ulit ako sa kasambahay para mabuhat ito, dahil malaking tao siya kaya apat ang umalaylay dito papasok ng room.
Diretso naman ako ng bath tub dahil sobrang init ng pakiramdam ko at kailangan kong malamigan. May warm water naman kaya ayos lang. Nagbabad muna ko rito at pumikit sandali.
Nag isip-isip ako kung ano ba talaga ang gusto ko. Alam ko naman sa sarili ko na attracted na talaga ako kay Andrea, pero pinipigilan ko lang ipakita dahil nga sa bukod na napaka taray nga nito ay parang allergy sa mga lalaki. Maliban lang kay Draeden, close sila at mukhang type pa niya yara ito. Hindi pa din mawaglit sa isipan ko nang minsang nakita ko silang dalawa na magka yakap. Parang tinarakan ang puso ko nang makita ko 'yon. Minsan din sumagi sa isipan ko na baka gusto ko lang siya makuha kaya ganito ang pakiramdam ko at kapag nakuha ko na siguro ang gusto ko mawawala rin ito.
Medyo nakokondisyon na ang sarili ko kaya umahon na ako. Hindi na rin ako nag atubiling mag tapis ng towel dahil kuwarto ko naman ang lalabasan nito.