ANDREA
Anak, tawag ko rito, habang hinahaplos ang buhok nito. Kanina mo pa 'di pinapansin ang Mommy, nagtatampo ka pa rin ba sa'kin?" tanong ko rito. "Alam mo naman na hindi pwede ang gusto mo," nalulungkot kong wika. Imbes na lingunin niya man lang ako, patay malisya lang ito habang nilalaro ang toycar na hawak niya. "Kong pwede ko lang sabihin ang lahat sayo anak," usal ko.
Nagpaalam muna ako sa'kaniya na sandali para bumaba. Nilingon naman niya ako kaya napanatag na rin akong iwan siya.
Pasakay ako ng elevator ng mahagip ng mga mata ko ang lalaking dumaan sa'king harapan. Nakasuot ito ng pang business suit attire. Guwapo ang lalaki at matipuno ang katawan nito.
"Halatang alaga sa gym," sa isip ko.
Pumasok na ako sa loob ng elevator, dahil naalala ko ang totoong sadya ko kong bakit ako lumabas ng office. May mga gagawin akong report para sa buwan na ito. Mabilis akong nakarating ng second floor at nagmamadaling kinuha ang mga important documents na kakailanganin ko. Maingat kong sinira ang dahon ng pintuan at naglakad muli pabalik ng elevator.
Babalikan ko na si Axel, dahil alam kong nagtatampo pa rin ito saakin. Naisipan ko siyang ayain na manuod ng cinema, baka sakaling mawala ang tampo nito.
Kong pwede ko lang talaga sabihin sa'kaniya ang lahat lahat, pero paano ni pangalan nga ng ama niya hindi ko alam. "Haixt! Ano ba kasing kagagahan ang ginawa ko,"bulong ko sa sarili.
Pag bukas ng elevator, mabilis akong naglakad at binaktas ang kahabaan ng hallway, dahil bigla na lang akong kinabahan na hindi ko mawari.
Pagdating ko ng office bukas na ang pintuan at wala ang anak ko. Napahawak ako sa ding-ding, dahil biglang nangatog ang tuhod ko para 'di ako mabuwal. Ayokong magpanic muna,
sinubukan ko siyang hanapin sa loob ng office ngunit kahit anino niya man lang ay hindi ko makita. Nagsimula na akong kabahan, dahil pagabi na. Tinawag ko ng paulit, ulit ang kaniyang pangalan, ngunit walang Axel na nalabas.
"Axel, anak. Nasaan ka? Magpakita ka na kay Mommy please. Stop joking with me, it's not funny." sigaw ko, baka sakaling lumabas na rin siya kung saan man siya nagtatago.
Nalibot ko na ang mga posibleng pagtaguan niya ngunit bigo ako. Minabuti ko ng lumabas ng office at mabilis na dinial ang numero ni Draeden, para humingi ng tulong rito. Naka ilang ring pa lang at sinagot na niya kaagad ang tawag ko.
"Hello, Draeden nandyan ba si Axel?" Nanginginig kong tanong.
"H-ha. Wala 'di ba kayong dalawa ang magkasama," sagot nito.
"Jusko. Nawawala si Axel tulungan mo ako Draeden please." wika ko kasabay nang pangingilid ng mga luha na nagbabadyang bumagsak.
"Okay. Please calm down and meet me at the ground floor and tell the security too" pagpapalubag ng loob nito.
Binaba ko na ang cellphone ko at pinasok sa loob aking bag. Walang tigil ang pag patak ng aking mga luha. "I swear 'di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring 'di maganda sa anak ko. Bakit pa kasi iniwan ko siya, sana sinama ko na lang," paninisi ko saaking sarili.
"Draeden, tawag ko sa boss ko at bigla na lang niya akong niyakap. Inalo alo niya ako, dahil wala akong ginawa kundi umiyak lang ng umiyak. Nakausap ko na rin ang guard pero wala silang nakita na lumabas sa cctv footage.
"Pasalamat na lang tayo ma'am na hindi siya lumabas, malamang narito lang ang anak niyo mabuti pa maghiwa hiwalay tayo para mabilis natin siyang mahanap," sabi ng guard.
Samantalang umakyat pala ang bata sa fifth floor. Kong saan nakita siya ni Stevenson na pagala- gala.
"Hey! What are you doing here?" tanong nito sa bata.
"I'm just hiding my Mom. Because I hate her. She always tells me that my Daddy is already dead, but you know what sir I know and I felt he is alive. Can you help me find him please." wika nito na nakikiusap.
Nahabag naman si Stevenson sa bata at ramdam niya ang pangungulila nito sa ama. Kaya naman kinausap niya ang bata at pinangakong tutulungan ito.
"Okay. I will help you, but just promise me one thing." sambit nito.
"Really sir. And what is it?" nakangiting wika ng bata at nagtaka kong ano ang gustong kapalit nito.
"Promise me that you won't be mad at your Mom. Understood?" mariing wika nito.
"Okay sir," masayang wika nito at itinaas ang kamay tanda na nakikipag high five pa siya.
Natuwa naman si Stevenson sa bata, kaya pinangko niya na ito at binuhat. Kumapit naman ang bata sakanya at binulong na.
"How I wish that you are my dad." iwinaksi na lamang niya ang kaniyang narinig.
Sumakay na sila ng elevator pababa sa ground floor. Medyo hindi naman siya natuwa sa nakitang eksena.
Mag kayakap sina Andrea at Draeden
Bigla na lang siyang nakaramdam ng inis sa nakita at hindi niya alam kong bakit. Mabilis naman nagpababa ang bata at tinawag ang bestfriend niya.
"Daddy Draeden." sigaw ng bata patakbo palapit sa dalawa..
Kumalas naman sa pagkayakap si Andrea ng marinig niya ang boses ng kaniyang anak.
"Anak, sabay yakap niya rito. Saan ka ba pumunta? alalang alala ang Mommy sayo," naluluhang sambit pa nito.
"Sa fifth floor po, kasama ko si sir pogi." wika nito sabay turo ng lalaki sa likuran nito.
Napatingin naman ako bigla saaking likuran sa tinuturo ng aking anak. Nagulantang ako ng makita ang tinatawag niyang sir pogi, hindi ako pwedeng magkamali siya ang naka one night stand ko at ang Daddy ni Axel. Bigla na lang nagtama ang aming paningin at dahil 'diko matagalan ang tingin na pinukol nito saakin, kaya nag iwas na lamang ako at ibinaling kong saang bagay.
Lumapit naman ang anak ko sa lalaking tinatawag niyang sir pogi. At hinila ito palapit saakin.
"Sir pogi, she is Andrea, My pretty Mom." pagpapakilala ng bata rito. At pinagsalikop pa ang mga kamay namin.
Libo libong kuryente ang dumaloy sa kaibuturan ng aking katawan ng mga oras na 'yon. Agad ko namang binawi ang kamay ko dahil hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman ko.
"Sorry. I have to go." wika nito sabay tawag kay Draeden.
Na gets naman ng kaibigan ang gusto nito kaya nagpaalam na rin siya sa mag-ina.
Naglakad na kami ng aking anak palabas ng hotel at bumaba ng parking lot kong saan naka park ang aking sasakyan. Mabilis ko namang binuksan ang pintuan para makasakay na siya. Nang masiguro kong okay na, mabilis kong pinasibad ang aking sasakyan.
Samantalang nag uusap naman ang dalawang magkaibigan.
"Buddy, magtapat ka nga saakin may gusto ka ba sa single Mom na manager na 'yon?" pagtatanong nito.
"Wala. Mabait kasi si Andrea kaya napalagayan ko na rin ng loob." sambit nito.
"Talaga ba? parang hindi naman kong makatingin ka at makayakap ka sa tao." wika nito.
"I'm just concerned, huwag ka ngang malisyoso at kailan ka pa naging tsismoso buddy." natatawang sambit nito.
"I'm not. Nakita ko lang kayo ang sweet niyo kasi kanina. Para nga kayong mag-asawa na naghahanap ng anak." pang aasar nito.
"Pa check up ka na buddy sira na ata iyang mga mata mo at kong ano ano ang nakikita mo. Maiba tayo how's your business trip? nakabingwit ka na ba ng mapapangasawa,? pang aasar na tanong rin nito.
"No, but I closed the deal. Anong pinagsasabi mo hindi babae ang pinunta ko roon tulad mo naman ako sayo babaero." wika muli nito sabay aya na sa kabigan.
--
Nakarating kami ng bahay pasado alas otso na ng gabi. Dahil sa pagod nakatulog na ang aking anak kaya binuhat ko na lang ito paakyat sa kuwarto. Dahan dahan at maingat ko siyang binaba at iniwasan kong makagawa ng ingay para hindi ito magising.
Nagpunta ako ng washroom at nagbabad sa bathtub para ma relax ang aking sarili. Mga ilang oras lang rin ang tinagal ko sa loob. At umahon na rin ako. Kinuha ko ang roba para takpan ang aking katawan at diretso na rin ako sa kuwarto.
Nahiga ako sa kama ng muli na naman sumagi sa isipan ko ang lalaki kanina. Abuhin ang mga mata nito katulad ng mata ng anak ko kaya walang duda siya nga. Medyo kinakabahan ako, dahil ayokong makaharap ko siya ulit. Sana lang hindi niya ako matandaan. Hanggang sa hinila na rin ako ng antok. At 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Kinaumagahan nagising ako sa halik ng guwapo kong anak. Masaya ako na wala na ang tampo nito sa'kin.
"Wake up Mom. It's already 9:30 a.m. I'm hungry now." wika ng anak kong mukhang kagigising lang at pinupogpog na ako ng halik.
Nagmamadali akong bumangon para mag ready ng breakfast naming mag-ina. Nagpunta muna ako ng wash room area at nag hilamos ng aking mukha at binalikan ko rin kaagad ang aking unico hijo at sabay na kaming bumaba.
Masaya kaming kumakain ng breakfast. At tinananong ko rin siya kong gusto ba niyang lumabas para mamasyal.
"I wanted to watch a movie Mom." mabilis na sambit ng aking anak.
"Okay son, just finish your breakfast and take a bath, so that we can go to the mall and watch a movie together," wika ko.
Nakita ko naman biglang nag ning-ning ang mga mata nito sa kaniyang narinig. Wala pang ilang oras natapos na itong kumain.
"I'm finish eating my breakfast mom. I'm going to take a bath now," wika nito at sabay halik sa pisngi ko. Naiwan akong mag-isa na kumakain. Mabilis ko na ring tinapos ang pagkain ko, knowing my son ayaw nito ng pinag aantay. At ewan ko ba kong saan niyang nakuha 'yon, hindi naman ako ganyan.
"Saan pa ba kundi sa ama nito," hiyaw ng isipan ko.
Lumalaki na ang anak ko pero hindi pa rin niya kilala ang ama niya. Paano ko naman kasi sasabihin sakaniya ang totoo na bunga lang siya ng minsang pagkakamali ko pero masaya ako at 'di ako nagsisi na may anak akong katulad niya. Kong meron man na magandang nangyari sa kagagahan ko 'yon ay ang anak ko. Si Axel ang buhay ko at natatakot akong kunin siya ng ama niya. Kaya mas okay na saakin na kaming dalawa lang. In fact maayos naman ang trabaho ko at malaki rin ang salary ko. Hindi ko na rin kailangan ng ama ng anak ko at mananatiling lihim ang pagkatao niya sa lahat.
Natigil ang pag iisip ko ng marinig ko ang tawag nito.
"Mom. Why you took so long. I'm ready now." sambit nito with matching pout his lips. Ang cute cute ng anak ko kapag nag gaganyan siya. Binilinan ko muna siya saglit.
"I'll take a quick shower baby and just wait for me there," bilin ko sakaniya. Hinalikan ko ang noo niya at nakita ko naman ang pag simangot niya, naalala ko pala na ayaw niya ng tinatawag siyang baby.
"Mom, don't call me that," nakangusong sambit nito. Ginulo ko lang ang buhok niya at tumalikod na ako sakanya dire diretso ako ng bathroom area.
Mabilis lang akong naligo, dahil alam kong maiinip kaagad ang batang 'yon.
Kumuha ako ng towel para takpan ang kahubadan ng aking katawan at dumiretso na rin ako sa walk in closet para maka pamili ng aking susuotin. Nakita ko ang blouse and jeans.
Nang masipat kong maayos na ako bumaba na rin kaagad ako, dahil alam kong kanina pa nag aantay ang ka date ko.
"Let's go anak. Are you ready?" tanong ko sa'kaniya.
"Yes. I'm always ready mommy. I'm really excited." my son's replied. Bakas sa mukha nito ang saya at at excitement. Ohour later lang ang tinagal ng travel namin papuntang Mall. Mabilis akong hinatak nito papuntang cinema.
I'll buy a ticket and pop corn for two. Then pumasok na rin kami sa loob at naupo. Pinagmamasdan ko lang ang aking anak, kitang kita sa mukha nito ang saya, habang seryosong nanunuod.
Medyo bored ako dahil hindi ko gusto ang pinapanuod niya. I'll get my cellphone and took a photo of my son.
After one and half hour natapos rin ang movie. Niyaya ko na na siyang lumabas at pinapili ko siya kong saan niya gustong mag lunch. Hinila naman niya ako sa isang restaurant at doon na kami kumain ng lunch.
Biglang naman nag ring ang phone ko at nakita kong tumawag si Tanya. I think, it's urgent so I answer it.
"Hello beshy, w-wala na kami." bungad na wika nito sabay hagulgol sa pag iyak.
"W-what. Kailan pa?" tanong ko rito.
"K-kahapon lang, nahuli ko siya. Niloloko niya ako beshy." sagot naman nito.
"Okay beshy nasa Mall kasi kami ni Axel, if you want, you can join us. We will wait for you here." Pag aaya ko sa bestfriend ko, dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
Akalain mo nga naman, 'yong mukhang bisugo na 'yon, nagawa pang mang babae. Natatawang naiisip ko.
After one hour, Tanya's is here. She's wearing a sun glasses, siguro para takpan na rin ang namumugto nitong mga mata na kakaiyak. I know my bestfriend very well. Sa tagal ng pinag samahan namin alam ko na kong paano ito mabaliw sa pag-ibig. That's why I hate to commit. Para sa'kin manloloko lahat ng lalaki. Like my father. Kaya maaga nawala si mommy dahil sa walang kwenta kong ama.
Nakipag beso beso ako pagkakita ko sakanya at niyaya ko siyang maupo muna sa tabi ko.
Mga ilang saglit lang naisipan na rin naming umuwe ng bahay, para makapag usap rin kami ng maayos ni Tanya.
Mabilis na pumanhik sa itaas ang anak ko. At naiwan kami ni Tanya sa sala. Binuhos nito lahat ng sama ng loob. Hinayaan ko lang siyang ilabas ang sama ng loob niya para maging okay na rin ito pagkatapos. Naisipan ko siyang ayain na mag-inom.
Kumuha ako ng can beer at ibinigay ito sa'kaniya. Agad naman nitong nilagok ang beer na inabot ko rito. Buong akala okay na ang gaga, nagulat na lang ako ng bigla na naman itong umiyak.
"Beshy, ano bang mali saakin? pangit ba ako?" tanong nito sa'kin.
"Of course not, ang ganda ganda mo kaya beshy. Huwag mong ngang sayangin ang luha mo sa para mga walang kwentang lalaki," pag aalo ko sa'kaniya.
"Beshy, bakit niya ako pinagpalit. Mahal na mahal ko naman siya. Binigay ko naman ang lahat lahat, bakit nagawa pa niya akong saktan," wika nito at mas lalo pang napahagulgol.
"G*** mo kasi, sino na naman kasi nagsabing mag boyfriend ka ng bisugo." bigla kong nasambit at nananantiya kong magagalit ito sa'kin. Nagulat ako ng bigla itong nag salita.
"Oo nga mukha namang bisugo 'yon," natatawang sambit nito.
Nang marinig ko ang sinabi niya, napahagalpak na rin ako ng tawa.