DALAWANG araw pa lamang si Jeni sa Taiwan bilang caregiver ng isang taiwanese ay nahihirapan na siya. Minalas yata siya ng amo dahil bukod sa masungit ito ay mabilis din itong magalit sa kaniya lalo na kapag kailangan niya itong painumin ng gamot. Walang pamilya si Lucio, isang singkuwenta'y kuwatrong matanda na may sakit sa kidney. Nalaman niya base sa profile ng kaniyang amo na nag-iisa lamang itong anak at hindi na binalak na mag-asawa pa dahil sa pagiging abala sa negosyo. "Sir, This is your food. I will leave it here and---" Nagulat siya dahil bigla na lamang siyang binato nito ng tissue roll. "I said leave me alone!" Nakasakay ito sa automatic na wheel chair. Nakaharap ito sa laptop nito ay may hawak pa na dalawang cellphone. Natamaan siya sa kaliwang pisngi niya kailangan niya