CONTRACT #35: PART 2

2068 Words

NANG matapos akong magbihis ay bumaba na rin ako dala ang isang backpack ko. Nagdala na ako ng damit kong pantulog at damit kong pang-alis para bukas. Nang makababa ako sa living room ay bigla akong nailang baka nakahalata na sila kung anong nangyari sa amin kagabi ni Mister Kenta lalo naʼt hindi kami kumain, ʼdi ba? Nawala na lang kami na parang bula. “Good morning po, Miss Anna! Kain na po kayo bago po kayo bumayahe papuntang Batangas!” nakangiting sabi ni Janice nang makita ko siya sa dining hall. “Paniguradong pababa na rin po si Master Kenta!” dagdag na sabi pa niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at may hinihintay sa kanyang sasabihin. “May dumi po ba sa face ko, Miss Anna?” takang tanong niya sa akin at tinuro ang kanyang mukha. Napailing agad ako sa kanya. “Wala naman,” saad ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD