“Sobrang ganda niyo po, Miss Anna! Mukha po kayong angel sa suot niyo!” malakas na sabi ni Janice sa akin nang maisuot ko na rin ang dress na ginawa ni Tita Girly sa akin. Pagkatapos ko kasing make-up-an ay pinasuot naman na sa akin ang white dress. “Bagay na bagay ang dress niyo po! Lalo kayong tumangkad at isama pa po ang heels niyo na silver!” saad pa ni Janice sa akin. Nahiya tuloy ako bigla sa sinabi niyang iyon. “Sobra naman kayo. Ako pa rin ito,” saad ko sa kanila. “Madam Anna, tama po ang sinabi niya. Isa kayo sa inayusan ko na sobrang ganda ang kinalabasan!” saad ng make-up artist sa akin. Ngumiti na lamang ako sa kanya. “Thanks!” Iyon na lamang ang sinabi ko sa kanilang dalawa. “Kailangan ko ng bumaba at baka naghihintay na si Mister Kenta sa akin. Baka ma-traffic din kami