“Huy, Anna, bakit namumula ang pisngi mo, ha? Para kang sinampal nang ilang beses, ha?” Nawala ang pagiging tulala ko nang marinig ang boses ni Gegeng. Napataas ang tingin ko sa kanya, nasa likod niya si ate Winnie na nakatingin din sa akin. “Ha? Pisngi ko namumula?” tanong ko sa kanya at napahawak ako sa aking magkabilang pisngi. “Oo namumula!” malakas niyang sabi at tumingin pa siya kay ate Winnie. “ʼDi ba po, ate Winnie?” pagtatanong pa niya kay ate Winnie na nasa likod niya. Napatingin tuloy ako kay ate Winnie at nakita ko ang pagtango niya sa ako. “Oo, Anna! Galing ka ba sa labas? Hindi ka ba nagsa-sunscreen?” tanong niya sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa tanong ni ate Winnie. “Um, naglalagay po... B-baka po namumula dahil mainit sa labas. H-hindi na po kasi ak