"UMALIS na po siya." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang marinig ang sinabi ng empleyado ko sa akin. Marahan akong tumango sa kanya dahilan para iwan na niya ako sa loob ng opisina ko. Blangko ang mukha ko habang mag-isa na lang. Namomoblema ako sa nangyayari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinitigilan ni Tyler. Minsan ay dumadaan pa rin siya sa shop ko para magbaka sakali. Kahit na naaawa ako sa kanya ay pilit kong tinitigasan ang loob. Dahil pakiramdam ko, kapag nagpakita ako ng awa sa kanya ay iba ang iisipin niya na ayaw kong mangyari. I don't want to give him false hope. Hangga't maaari ay gusto kong matanggap na niya ang katotohanang imposible na ang gusto niyang mangyari sa pagitan naming dalawa. Dala ng pamomoblema, kinuha ko ang phone ko para libang