"THAT movie was good," komento ko nang makalabas na ng sinehan. Nagmamayabang na tumango si Trixie. She's Auntie Kim's daughter. Ngayong araw ay nagkayayaan kaming manood ng pelikula. Sasama sana si Auntie Kim ngunit may mahalaga itong inaasikaso. Kaya sa huli ay kaming dalawa na lang ng anak niya ang lumakad. "I know right, Ate Kirsten." "Anyways, are you hungry? Let's eat. I'll treat you." Marahan siyang umiling. "Sorry, Ate Kirsten. I have to go home now. May lakad pa ako mamaya." Halata sa kanya na hindi siya madalas magsalita ng ibang lenggwahe bukod sa Ingles. She has an accent every time she speaks Tagalog. "Oh, I see." That was all I could say. Siguro ay sa bahay na lang nila ako kakain. Kumunot ang noo ko nang mapansing nagkaroon ng kakaibang ngiti ang labi niya. Malapad i