Episode Sixteen

2520 Words
-YUAN’S TREAT. JILL’S BRAZEN MOVE. WHO’S CHATTING WHO?- SA Newport City pa napiling dalhin ni Yuan si Felix. Nagsisimula nang umulan nang marating nila ang Newport Mall. Binistahan nila saglit ang bahagyang nabasang kasuotan nila nang makahanap ng slot sa parking area ng mall. “May galit yata ang ulan sa ‘yo, Yuan. Second time na ‘tong inulan ‘yung lakad natin sa labas.” Tukso ni Felix dito. “Actually, mas gusto ko nga pag umuulan. Malamig. Saka I could wear ‘yung mga favorite long-sleeved shirts ko nang hindi pinapawisan.”Nakangiting sagot naman ni Yuan. “Ikaw ba?” “Same din. Mas mahimbing ang tulog ko pag naririnig ko ‘yung ulan.” “That’s nice to know.” Lumamlam bigla ang mga mata ni Yuan habang nakatingin kay Felix. Nailang si Felix kaya nakaisip siya ng distraction para maputol ang pagtitig ni Yuan sa kanya. “Saan pala tayo kakain at dito pa sa Resorts World Manila mo pa ‘ko dinala?” Bilang sagot sa tanong ni Felix, dinala ito ni Yuan sa second floor ng Newport Mall hanggang nasa harap na sila ng red accented facade ng Singaporean-Chinese restaurant na Tao Yuan. “Kaya mo ba ‘ko dito dinala kase ‘yung name mo nandu’n din sa pangalan ng restaurant?” “Hindi.” Nakangiting sagot ni Yuan. “Masarap talaga dito. Promise! ‘Lika na! Hopefully, makakuha pa tayo ng available booth.” At hinila pa siya ni Yuan papasok sa restaurant. Masuwerte at mayroon nang bakante pagkadating nila sa restaurant. Naghintay lang sila saglit para ma-prep up ang ookupahan nilang booth. Halos hindi na tingnan ni Yuan ang menu. Alam na nito ang gustong i-order. Tinatanong na lang ang waiting staff kung currently available ang food na gusto niyang kainin. Occasionally na tinatanong ni Yuan si Felix kung meron itong nakita sa menu na gusto din niyang i-try. Dahil hindi naman adventurous si Felix pagdating sa pagkain, pinabayaan na niya kay Yuan ang pagpili ng kakainin nila. For sharing naman ang karamihan sa food ng restaurant kaya hindi naman big deal. Nagulat lang si Felix sa dami nang food na nilalagay ng service staff sa mesa nila. May Singaporean chilli crab with fresh steamed buns may cereal prawns, may Hainanese chicken with Hainanese rice, may bowl ng Singaporean Laksa, char kwey teow noodles at dessert na fresh mango s**o cream. “May in-invite ka pa bang iba? Ang dami nito?” “Wala. Sa ‘tin lang dalawa ‘yan.” Nakangiting sabi ni Yuan habang niya ng broth ng laksa ang sariling bowl ni Felix. “Are you kidding me? Last supper na ba ‘to?” “Sorry. I haven’t been back here in a while, kaya I overindulged. Don’t worry, we can take out the leftovers.” Sagot naman ni Yuan habang naglalagay na rin ng soup sa sarili niyang bowl. Nagsisimula na silang kumain nang mapansin ni Yuan na tahimik lang si Felix habang nilalaro ng fork nito ang piraso ng cereal prawn na nakalagay sa sariling plate niya. “Ang tahimik mo naman. ‘Di mo ba nagustuhan ‘yung food?” “Hindi. Masarap nga, eh. Proven na talagang foodie ka.”Ngumiti pa si Felix pero bumalik ang brooding look sa mukha niya. Napansin ni Felix na nakatitig sa kanya si Yuan kaya iniwas niya ang tingin dito at itinuon ang pansin sa mga naka-display na Peking duck na naka-skewered sa mga hooks malapit sa counter. Pagbalik niya ng tingin kay Yuan ay nakatingin pa rin ito sa kanya. Pinuna na ni Felix si Yuan. “Bakit ganyan ka makatingin?” “May gusto kang sabihin sa ‘kin, eh. Pero you’re having second thoughts. Ano ba kasi ‘yun? Hindi naman ako magagalit.” Nag-hesitate saglit si Felix pero sinabi na rin niya. “Nagtataka lang ako kung bakit nagprisinta ka na maging photographer namin sa school paper.” “Bakit naman? Ayaw n’yo nu’n? Hindi na kayo mahihirapang maghahanap nang magkukuha ng pictures para sa paper n’yo.” Sagot ni Yuan habang pumipiraso ng mantou buns para isawsaw sa sauce ng chilli crab. “Malaking hassle kasi ‘yun sa ‘yo. You have to take pictures majority ng mga events na magaganap sa buong araw ng Foundation Day, kasama pa du’n ‘yung pageant night na isa ka sa mga escorts ng mga candidates. Pa’no ‘yun? Nakasabit sa leeg mo ‘yung strap ng Canon camera mo habang nagpa-parade kayo sa stage ni Chloe?” Napaisip saglit si Yuan. “Well, puwede din naman.” Napataas ang mga kilay ni Felix kay Yuan. “I’m kidding.” Natatawa si Yuan sa pagka-gullible ni Felix. “S’yempre, du’n sa mga part ng production ng pageant na kailangan ako sa stage, hindi na ako ang kukuha ng mga litrato nu’n.” Alam ni Felix na may kasunod pa ang sinasabi sa kanya ni Yuan. Pero bakit parang kinakabahan siya. “That’s where your help will come into play, Felix.” Bahagyang sumeryoso na si Yuan. “Kaya you have to be in school earlier than usual kasi may assignment ka sa ‘kin.” Pigil hininga na si Felix. Pakiramdam niya ay hahatulan siya ng sentensya ni Yuan. “Tuturuan kita kung pa’no pumitik dito sa camera ko bukas. Para pag time ko na sa stage during the pageant, sa ‘yo ko na ipapahawak ang Canon camera ko. Ikaw na ang kukuha ng mga litrato.” At that point, parang mas gusto pa ni Felix na mag-solve na lang siya ng napakahirap na Algebra equation kesa pag-aralan gamitin ang complex functions ng DSLR camera ni Yuan. -------- NUNG gabing ‘yon, katulong nga ni Chloe ang Daddy niyang si George sa pag-practice ng pagsagot sa mga possible questions na puwedeng tanungin sa pageant night ng Miss Teen Earth. Ginamit nila ang na-search na most frequently asked questions sa Google at iyon ang mga itinanong ni George sa unica hija. Kailangang spontaneous ang sagot ni Chloe at punung-puno ng confidence para ma-impress sa kanya ang mga judges. Sa kalagitnaan ng pagpa-practice ng Q&A nina Chloe at ng Daddy niya, lumapit si Manay Yoly, ang dating yaya ni Chloe na ngayon ay punong kasambahay na nila, dala-dala ang niluto nitong baked lasagna at slices ng garlic bread, para makapag-meryenda naman ang mag-ama habang nagpa-practice. Napahalik pa si Chloe si pisngi ni Manay Yoly sa sobrang tuwa. Favorite niya kasi ang lutong lasagna ng yaya niya. Apat na cheeses kasi ang ginagamit nito (provolone, mozzarella, gouda at parmesan) kaya nakakailang servings siya pag kumakain nito. Nakisalo na rin si Manay Yoly sa mag-ama sa pagkain ng lasagna habang tinutuloy ng mga ito ang pag-practice sa pagsagot ng mga questions. Si Jill naman nagpa-practice din sa sarili niyang kuwarto at ang ginagamit niyang pang-practice ay ang nakuhanan niya ng litraro na mga official questions na itatanong mismo sa night ng pageant. Feeling ni Jill ang clever niya. Naisahan niya lahat ng co-candidates niya. Kahit bukas pa ang mismong pageant, parang nakakasiguro na si Jill na siya ang magwawagi ng Miss Teen Earth title. Pumasok ang Mama ni Jill sa kuwarto na si Irene, hawak sa isang kamay ang evening gown na nakalagay pa sa clear garmet bag. Si Jill mismo ang namili ng style ng damit sa isang online dress seller sa i********:. Grecian style metallic gown na thigh high ang slit. Pina-laundry agad ito ng Mommy niya nang dumating ang gown sa house nila via courier at kaka-pick up lang ng Mommy siya mula sa laundromat. “Jill, don’t you think masyadong sexy itong napili mong damit? Natataasan ako masyado sa slit.” Sabi ni Irene habang isinasabit sa clothes rack ang gown. “Okay lang ‘yan, Mommy. I have the body naman so I’d rather flaunt it.” Sagot ni Jill na tumagilid pa sa pagkakahiga sa queen-size bed para matingnan maigi ang gagamitin na gown bukas. “Your teachers might react violently. And your Dad, baka bigla kang pababain sa stage pag nakita niyang suot mo ‘yan.” Warning ni Irene kay Jill. “I don’t think it would be a big deal. I’m almost eighteen na naman, eh. And besides, wala na silang magagawa once naglalakad na ako sa stage. With Dad, I don’t think he will do that. He won’t humiliate me.” “But he would be upset.” “He wouldn’t be, once I wore the crown.” Nag-demonstrate pa kunwari si Jill na isinusuot ang imaginary crown sa ulo niya. Nilapitan ni Irene si Jill at hinalikan ito sa noo. “I love you, Jill and I want you also to take home the crown. But I still find that dress too sexy for you.” Tinawanan na lang ni Jill ang Mommy niya at gumanti ng yakap dito. “I love you, too, Mom!” Pagkalabas ni Irene sa kuwarto, binuksan muna ni Jill ang f*******: niya at hinanap agad ang account ni Yuan Chen. Nakita niya agad ang profile nito. Pinagmasdan pa niyang maigi ang default profile picture nitong pormang-porma sa suot na leather biker jacket, tee, Levi’s denim at boots habang nakatayo sa nagliliwanag na mga ilaw at electric lights ng Times Square sa New York. May corresponding quote pa ang picture mula sa lyrics ng kanta na Empire State Of Mind nina Alicia Keys at Jay-Z: “Concrete jungle where dreams are made of. There’s nothing you can do. Now you’re in New York. These streets will make you feel brand new. Big lights will inspire you. Hear it for New York, New York, New York.” “You really are something, Yuan.” Nabanggit ni Jill habang nakatingin sa picture ng guwapong binata. Parang awtomatikong nag-scroll ang finger ni Jill papunta sa Add Friend button ng profile account ni Yuan at saka niya iyon pinindot. Humiga sa kama si Jill, nilagay ang phone niya sa dibdib at tinititigan ang kisame ng kuwarto niya. Malakas ang kabog ng dibdib niya habang hinihintay kung ia-accept ni Yuan ang friend request niya. Sa bahay naman ni Reginald, bisita nito ngayon si Iñigo at ang girlfriend nitong si Sara. Tumuloy pa rin pala si Iñigo kina Reginald right after nilang kumain sa McDonald’s kanina dahil alam niyang kailangan ng suporta ng kaibigan at mababa ang morale ngayon nito brought about ng accident at ng new guy sa school. “Kamusta ‘yung Yuan? Pumoporma na ba kay Chloe?” Tanong agad ni Reginald kay Iñigo. Nakahiga siya sa kuwarto at nakapatong sa stacks ng pillows ang na-injured na ankle na nakabalot ng b*****e. “Nag-usap lang naman sila while on stage. He seems friendly. He’s actually friendly with anyone who approach him.” Honest namang sagot ni Iñigo. “And he’s really freaking hot!” Sabad ni Sara sa usapan na parang nang-aasar. Tiningnan siya ng masama ni Iñigo. “Sara naman. Be considerate.” “Bakit? Just because nagkaroon ng freak accident si Reginald because of his own doing, hindi na ako puwedeng maging truthful sa sarili ko?” Rebuttal agad ni Sara. “It’s okay, Iñigo, Sara. At least I know.” Huminga ng malalim si Reginald na parang nahihirapan sa mga sinasabi nito. “Popular pala itong bagong transferee sa mga girls sa school.” “Pretty popular.” Pag-amin naman ni Iñigo. “Si Chloe kaya? Tingin mo may gusto na siya dito sa bagong guy?” Worried na tanong ni Reginald. “I don’t think so. I think she’s just being friendly. You know Chloe naman ‘di ba? Miss congeniality.” Pero hindi kumbinsido si Reginald sa sinabi na ‘yon ni Iñigo. Inihiga na lang niya ang ulo sa unan at nagbuga ng hangin sa bibig. Frustrated sa wrong timing na pagka-aksidente niya. Si Felix safe naman naihatid ni Yuan sa tapat ng bahay nito sa Murphy, Cubao. Medyo malakas pa rin ang ulan kaya tumapat sila sa isang malagong puno katabi ng bahay nina Felix para may panandalian silang panangga sa ulan. Sinubukang ibalik ni Felix kay Yuan ang binili nitong helmet para magamit niya pero tinanggihan iyon ni Yuan. “Hindi. Sa ‘yo na ‘yan. Para every time na aangkas ka dito sa motor, may magagamit ka. Kaya don’t forget to bring that to school.” “Nakakahiya naman.” Sagot ni Felix. “Sus! Hindi na naman tayo strangers, mahihiya ka pa sa ‘kin.” Nakangiti sabi naman ni Yuan. “Pasok ka na, Felix. Baka mabasa ka pa lalo ng ulan, magkasakit ka pa. Remember, we have to be at school early tomorrow para sa photography session natin.” At sinabayan pa ‘yun ng kindat ni Yuan na parang nakakaloko ito. “Pag hindi lumabas na maganda ‘yung mga kuha ko sa camera mo, bahala ka, ha?” Pananakot ni Felix. “You’ll be fine. I’m sure of it.” Confident na sagot ni Yuan. “Okay. See you.” Kumaway pa si Felix bago pinuntahan ang gate ng bahay nila. Naramdaman naman ni Yuan na nag-buzz ang phone niya. Pagtingin niya sa screen ay may friend request notification siya sa f*******:. Pagtingin niya sa social media app ay si Jillian Valencia ang nag-add request sa kanya. Kaagad naman pinindot ni Yuan ang accept button. Tiningnan naman agad ni Jill ang phone niya nang maramdaman nag-vibrate ito sa chest niya. Halos hindi siya makapaniwala nang makitang in-accept agad ni Yuan Chen ang friend request niya. Nag-send agad siya ng message dito. “Hi, thank you and in-accept mo ‘yung friend request ko, Yuan!” Na sinagot naman agad ni Yuan ng: “No worries. J” Nag-type agad si Jill ng message: “Is it okay if we chat? I’m getting cold feet kasi para sa pageant tomorrow. L Maybe you could help me relax.” Na sinagot ni Yuan ng: “Oo naman. I’m happy to help. Kaya lang, I’m still on the road. Maybe later?” “Okay. Ingat on your way home. I’ll wait for your message. :-*” Nangiti naman si Yuan sa huling message ni Jill. Saka niya ibinalik sa bulsa ng jeans ang phone at isinuot ulit ng maigi ang helmet bago pinatakbo paalis ang motor. Ang hindi alam ni Yuan, hind pa pala pumapasok ng bahay si Felix. Pinanuod pa niya saglit si Yuan sa hindi pa naisasarang gate. Kitang-kita niya ang pagngiti nito habang may kung sinong ka-chat sa phone. Mabigat ang pakiramdam ni Felix habang sinusundan ng tingin ang papalayong motor na minamaneho ni Yuan bago tuluyan ikinandado pasara ang gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD