Samara’s POV Binuksan ko na ang lantern nang unti-unti nang mag-agaw ang liwanag at dilim. Nag-iihaw na si Melecio ng barbercue at manok, habang ako naman ay nagsasaing na ng kanin. Pagkatapos kong magsaing ay hiniwa ko na rin ang papaya, mansanas, orange at pakwan para sa amin namag panghimagas. “Hindi ka pa rin tapos?” tanong ko nang lapitan ko siya. “Ilang piraso naman na lang ito,” sagot niya. Napahawak ako sa braso niya. Nagulat ako dahil ang init niya. “Hey, nilalagnat ka ata?!” “Parang,” sagot nito habang matamlay ang boses. Hinipo ko tuloy ang leeg at noo niya. Tama nga ako. Inaapoy nga ito ng lagnat. “Bakit hindi mo agad sinabi. Dapat hindi na kita pinagluto diyan. Halika. Maupo ka na lang muna doon.” Inakay ko siya papunta sa camping chair. “Diyan ka na muna. Ako na ang t